Chapter 4 ♥

94 2 2
                                    

2:30 PM, Hong Kong

Mischy's POV

Minulat ko ang mga mata ko. Mukhang nakatulog ako ng mahimbing ah. Nasa pamilyar na silid ako..

Napabalikwas ako ng bangon. Bakit nandito ako sa kwarto ko? Paanong nandito na ako? Anong nangyari?

Ang huli kong natatandaan ay kasama ko si.. Teka, sino nga ba yun? Anong pangalan niya? Shet. Ni hindi ko alam ang pangalan ng gwapong nilalang na yun. Naalala kong sumisigaw ako at ang mga sumunod ay hindi ko na matandaan. Ano bang nangyari? At nasaan na kaya siya? Nasa masusing pag-iisip ako ng makarinig ako ng sunod sunod na mahihinang katok. 

"Please, come in."

"Misch, sweetie. How are you? How do you feel?"

Nag-aalalang tanong ng Auntie ko. Nalilito man ay sumagot ako.

"I'm okay. Why? Did I miss something?"

Nagkatinginan ang Auntie at Uncle ko. Lumapit si Uncle sakin.

"May tumawag saking lalaki kanina at sinabing wala kang malay sa Chater Garden. Buti na lang ay nasa area din ako kasi hinahanap na rin kita. Nag-aalala na kami saiyo. Bago yun ay tumawag na din sakin sina Jack at Claire para hanapin ka. Hindi mo raw sinasagot ang mga tawag nila.. Ano bang nangyari? At sino yung nakausap kong lalaki?"

Malungkot na ikinuwento ko ang mga nangyari. From the restaurant scene and the flying sapatos.  Ang mga hinala ko noon pa, ang mga masasakit na eksena, ang lalaking nakilala ko. Nakinig sila sakin, sumabay sa mahinang pag-iyak at ang pagta-try kong magpatawa sa kabila ng sakit na nararamdaman ko. Ngumiti silang dalawa. Walang bahid na awa akong nakikita sa mga mukha nila bagkus nakakaunawang yakap ang natanggap ko. Na sobrang ipinagpasalamat ko..

 "Hon, can I have a girl talk with Misch?"

"Sure."

Naghehesitate man ay nilakasan ko ang loob ko. Walang atrasan na 'to. Kahiya hiya man.

"Wait Uncle!"

"Yes?"

"Ah, eh.. Did this guy tell you his name?"

He smiled. 

Bakit kasi tinanong ko pa? Nakakaloko ang ngiti ni Uncle. Isipin pa niyang type na type ko yung higanteng hambog na yun. Bakit hindi nga ba? Hindi no, sagot ko sa sariling tanong ko. Nakakainis ako no. Bakit hindi ako maglason? 

"Dave."

"Huh?"

"Dave.. Dave Thunder Ty. Yun ang pangalan ng crush mo.."

Kumindat pa siya samin ni Auntie pagkasabi nun. At walang habas na lumabas ng kwarto.

"Hindi ko siya crush no!!"

Gaya ng inaasahan, hindi ko nakumbinse si Auntie. Sabagay kahit ang sarili ko ay nahihirapan akong kumbinsehin. Nakakalokong ngiti din ang ibinigay niya sakin. Ugh. Bagay nga sila ni Uncle.

"So.. tell me about this Dave Thunder. Ang cute cute ng name niya ha. Nagthunder thunder din ba ang puso mong sugatan nung kasama mo siya?" 

"Oh, please Auntie!"

At pumailanlang ang masasayang tawanan namin sa kwarto ko. Kasing gwapo niya ang pangalan niya. Matatanggap ko pa rin naman kung Policarpio ang pangalan niya.. kasi ang gwapo niya.

"Auntie, pwede ko bang bisitahin sina Mommy?"

Nasa Pilipinas ang mga magulang at kapatid ko. Dito ako nagtapos ng college. Si Uncle ay kapatid ng aking ama na siyang naging guardian ko dito. Nagkaroon pa ako ng isang mabait na Auntie. Ngunit hindi sila pinalad na mabiyayaan ng anak. Kaya nagkaroon din ako ng second mommy at naging instant baby nila ako. 

"No problem. Malay mo mas makakabuting nandun ka muna. You know, move on.."

"Thank you so much, Auntie. Makakapunta naman po ako dito kung namimiss niyo ako eh.'"

"Wag mong isipin yun. Mamimiss ka namin ng Uncle mo sigurado yun. Para ka na rin naming anak.. Gustuhin ko mang andito ka, ayoko namang ikulong ka sa lugar na pwedeng magpaalala sayo ng mga sakit na pinagdadaanan mo."

Napaiyak na naman ako. Kung may magandang bagay man akong ipagmamalaki sa buhay ko, yun ang pamilya ko. I have the best family EVER. Pamilyang hindi ako sasaktan at hindi babalewalain ang tiwala at pagmamahal ko.

 ________________

8:00 AM, Philippines

After more or less an hour, nandito na ako sa NAIA. Namiss ko ang Pilipinas. Yay! Iba pa rin talaga ang pakiramdam pag umuuwi ako ng Pinas. 

"Hello, Kassie? Where are you?" 

Tinawagan ko ang sundo ko. Hindi ko siya mahagilap.

"Malapit na ako. Excited na akong ipalanghap sayong muli ang polusyon ng Maynila."

"Shut up. Be quick but ingat, ok?"

"Supladaaaa. K. Bye."

She's my cousin, Kassie. Lagi niyang pang-asar sakin ang polusyong hatid ng Kamaynilaan. Hindi nakakaexcite yun, ok? Halos ganun din sa Hong Kong eh. 

Naghanap muna ako ng pwedeng kainan sa loob habang naghihintay sakanya. Pinili kong puntahan ang Pancake House. Namimiss ko ang Jumbo House Burger nila. Pagkatapos kong sabihin kung nasaan ako, umorder na rin ako ng pagkain para kay Kassie.

"Missscchyyyyyyy my labs!"

Yes. That's Kassie. Halos lahat eh napatingin sakanya. Ang ingay niya kaya. Nakakahiya above sea level.  Pero namiss ko ang mahiya pag kasama siya. Isa siya sa pinakaclose ko sa mga pinsan ko. Lahat ng nangyayari sa buhay ko ay alam niya. Ganon din siya sakin. Kahit nga ang nangyari sakin nung isang araw ay alam na niya. 

Habang kumakain, hindi na niya napigilan ang chumika.

"How is he?"

"I don't know. Hindi ko na siya nakita simula nung mawalan ako ng malay."

Akalain mong humagalpak ng tawa ang pinsan ko. Sa ikalawang pagkakataon ay muli niyang nakuha ang atensiyon ng mga tao. 

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!"

"Geez, Kass. Keep your voice down please."

Nakuha niyang kumaway-kaway na parang beauty queen sa mga tao at nagsosorry. Nakakahiya pero natawa na din ako.

"Nakakaloka kang bruha ka." Siya pa ang may ganang sabihan ako ng ganyan pagkatapos niyang mahimasmasan.

"Bakit ako? Sino ba ang parang bruhang bigla na lang tumatawa?"

"Ikaw kasi eh. Si JJ (Jack the Jerk) ang tinutukoy ko sa tanong ko sayo kanina. Siya yung How-is-he ko."

"Ooohhhh.."

"Bakit si Dave ang nasa isip mo?" Kinikilig ang bruha.

"Shaaadddddaaapppp!"

"Come on, Misch. HAHAHAHAHA. Lagi mo siyang naiisip, ano?"

Yes, naiisip ko siya. Wala nang dahilan para tumanggi pa. 

"Is it good or what?" Pag-amin ko.

"Well, for me good yun. Dahil sakanya kahit papaano nakakalimutan mo ang hayup mong exes. Ex boyfriend, ex bestfriend. Kapag nagkaroon ako ng pagkakataon na makilala ang Dave mo, magthathank you ako sakanya."

Habang seryoso at matino pa siyang kausap sa mga bagay bagay, nilubos lubos ko na. Marami kaming napag-usapan. Hanggang may maalala ako..

"Isusurprise ko sina Mommy. Hindi nila alam na dadating ako. Hindi ako nagpasabi. Gusto ko pagdating nila sa bahay mamaya, may nakahandang pagkain."

"Nice Chef. At paano mo gagawin yun? Ni hindi ka nga marunong magprito ng hotdog eh."

"Sinong nagsabing magluluto ako? Ikaw ang magluluto."

"NOOOOOO WAAAAYYYYYYY!!!!"

Ang ingay niya talaga.. above sea level. 

Thunder HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon