Chapter 9 ♥

45 3 0
                                    

7:00 PM, Cua Residence, PHL

Mischy’s POV

I just got home! Natuloy kami ni Kassie sa TriNoma kanina. Ayaw niyang pumayag na hindi ako sumama eh. Good decision of mine. Dahil surprise, surprise! Some of our closest friends were there!! I’ve missed them so much. Reallyyyy. After the cheesy kumustahan, nanood kami ng movie, kumain ng marami, at walang katapusang kwentuhan. I had fun. Ahh, good times!

Papasok na ako ng bahay nang lumapit sakin ang isang kasambahay namin.

“Ma’am Mischy, may bisita po kayo. Kanina pa po sila dito.”

“Sino?”

“Si Sir Jack at Ma’am Claire po.”

Biglang kumabog ang dibdib ko. Anong pakulo naman ‘to? Tsk. Naabutan ko sila sa living room. Sabay silang napalingon sakin. Pinukol ako ng mga matang may bahid na lungkot. Umupo ako sa bakanteng upuan sa harapan nila. Nakakatawa, parang dejavu na umeksena ang itsura namin sa restaurant.

“What are you doing here?”'

“Hindi maganda ang naging huling pag-uusap natin kaya nagdesisyon kaming sundan ka namin dito at humingi ng tawad. We are really sorry, Misch. Hindi kami mapakali nung umalis ka.” Si Jack ang sumagot.

“I gave you my blessings. Hindi ba magandang pag-uusap yun?”

“Gusto lang naming magsorry, kung kailangang ulit-ulitin namin, gagawin namin.”

“Ganyan ba talaga kayo ka-selfish? Kung hindi niyo alam, lumalayo ako sainyo. Kung hindi niyo napapansin, I’m trying to move on. Hindi ko kailangan ng sorry niyo. Do you really  think madaling makakalimutan ang lahat dahil sa sorry? Hindi ako madamot, alam niyo yan. Mabibigay ko ang forgiveness na hinihingi niyo kung yun ang gusto niyo. I just need time. Time ang hinihingi ko sainyo. Mahirap bang ibigay yun? Hindi ako bato na walang pakiramdam, nasasaktan ako. Ang makita kayong magkasama ay sobrang sakit para sakin. Napakahirap bang maintindihan yun?”

 “Umalis na muna kayo, Jack at Claire. Please understand my daughter." 

Dumating ang Mommy, hindi ko namalayan man lang na nasa tabi ko na siya. Nagpasalamat ako ng dumating siya. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Pakiramdam ko ay pinagtutulungan ako ng pagkakataon, nacorner ako sa bagay na iniiwasan ko nang mangyari. 

"Tita, I'm  sorry.."

"Jack, please.."

Umalis sila gaya ng hiling ng Mommy. Namayani ang katahimikan sa buong bahay. Parang lahat ay nakikiramdam at nakikisimpatya sakin. 

"You'll be okay, my baby. Tahan ka na,wag ka nang umiyak. I won't let them na mapalapit sayo kung yun ang nais mo."

Dali-dali kong hinawakan ang mukha ko. Totoo nga, umiiyak ako. Sobrang sakit pa rin talaga siguro, kahit ang pag-iyak ay hindi ko na namamalayan. Parang dinudurog pa rin ang puso ko sa sakit.

 "Thank you for helping me kanina, Mommy."

"Ang anak ko talaga. I am your mother, I'll be always here for you. Tandaan mo yan." 

Niyakap niya ako ng mahigpit. Umiyak na ako ng umiyak. Kailan kaya matatapos ang sakit na nararamdaman ko? Alam ko bilang ina ay nahihirapan siyang makita akong ganito. Pinahid ko ang mga luha ko at pinakalma ang sarili. Bumuntong-hininga ang Mommy at inihatid niya ako sa kwarto ko. Bigla akong nakaramdam ng pagod sa nangyaring eksena kanina. Gusto ko nang magpahinga. I could only take so much for this day.

Mag-isa na lang ako sa kwarto. Tanging ang paghinga ko na lamang ang naririnig ko. Nakakabingi ang katahimikan. Napakalungkot ng paligid. Malungkot nga ba o ako lang yun? Hindi naman ako katulad ng iba na nagmumukmok at umiiyak maghapon. May mga pagkakataong nakakalimutan ko ang sakit, nakakangiti at nakakatawa ako ng totoo. Maisip ko man sila ay dagling mawawala ang lungkot na nararamdaman ko. Naging masaya man ako sa buong araw, alam kong dadating ang oras na haharapin ko na naman ang sarili kong nasasaktan. Dumadating yun sa mga oras na ganito, nakahiga ako sa kama mag-isa. Kung kailan nais kong magpahinga, yung isip ko ang umaayaw. Parang required siyang mag-isip ng malulungkot na bagay at papagurin ang sarili ko sa pag-iyak. Minsan ang unfair talaga ng buhay. 

Nasa malalim akong pag-iisip nang tumunog ang cellphone ko palatandaang may tumatawag sakin.

"Wow. They had the guts to come and see you."  Pambungad sakin ni Kassie. Hindi na nakakagulat na alam na niya. 

"Well, hello din sayo."

"I hate them." She sighed.

"Hmmm."

"Anong balak mo?"

"Ganun pa rin. Magmomove on."

"May tanong ako ha. Bakit hindi mo ipinaglaban si Jack? Well, most of the girls yun ang gagawin."

"Hindi na ako tanga. Sapat na yung nagpakatanga ako nung dinedeny ko sa sarili ko na wala silang relasyon. Saka wala naman akong dapat ipaglaban eh, unang una isinuko na ako ni Jack simula pa lang na nagkaroon siya ng feelings with Claire. Kung ipaglalaban ko man siya, hindi na ako sigurado sa sarili kong kaya ko pa silang pagkatiwalaan. Hindi agad mawawala tong pagmamahal ko sakanila pero yung tiwala ko sa kanila sa isang kurap lang nawala na agad. Mahirap na itong mababalik."

"L-O-V-E, why do you have to be so complicated?"

"Sana mainlove ka na, Kass."

"And cry just like you? No, thanks."

"Ang masaktan ay parte yun ng love."

"Kinikilabutan ako sayo. Bye. Goodnight."

Hindi ko mapigilang tumawa. Hihintayin ko ang araw na may taong magpapaibig sa pinsan kong yun. Masaktan man siya, alam kong uulitin ulitin niya ulit na magmahal. Katulad ko, umaasa pa rin akong may dadating na pag-ibig sakin muli. This time wala na akong bestfriend na pwede niyang landiin. 

Thunder HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon