Previously...
"Rosette..."
"What?"
"May sinabi sa akin si Kean..."
♥ - ♥ - ♥ - ♥
Nanlaki ang mga mata ko
"OMG!! Ano?!" napasigaw ako. Sorry kinilig ako eh...
"Hinaan mo ang boses mo. Ok... ito sabi niya..." huminga siya ng malalim "Puntahan ko daw siya mamayang lunch"
Silence...
Katahimikan...
Silence—
"OH MY GLOB!! PUNTAHAN MO SIYA!!" napasigaw ako. Hindi ko na napigilan ang fangirling ko >///< wala na akong pake kung nakatingin sa akin ang buong klase.
Akala ko tatakpan niya nanaman ang bibig ko pero (himala) hindi. Instead sinabi niya "Ok lang ba talaga?"
Nag smile ako "Oo naman, hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sayo. Sasamahan kita pero mag tatago lang ako. Promise" ta's kri-noss ko ang heart ko. Ngumiti siya "Thank you bestie" and niyakap niya ako
=________Time_ Skip_________=
Mabagal ang oras after ng recess, pero buti na lang lunch na (yay! :D)
Pumunta agad si Adelle sa destination place: sa likod ng gym (OuO wooh...) nag tago ako sa likod ng poste.
"Anong ginagawa mo dito?"
Anak ng kalabaw!!
Lumingon ako "Louise! Ikaw lang pala! Muntik mo na akong atakihin sa puso! Ikaw, anong ginagawa mo?"
"Dito ang hangout place namin ni Kuroda. Wala siya ngayon dahil bumili ng pagkain."
Aahh... BF and GF ba sila? Impossible. Laging nag-aaway eh.
Nevermind, going back to Adelle and Kean—
"Si Adelle at Kean ba 'yan? Anong ginagawa nila?"
Naman oh!
"May sasabihin si Kean kay Adelle. Manuod ka na lang"
Buti tumahimik na siya –_______–
"Adelle..." sabi ni Kean. Oh *BEEP* *FANGIRLING!!* "Pasensya na kaninang umaga kung nabanga kita. Hindi kasi kita nakita..."
"O-ok lang! Hindi rin kita nakita eh..." nerbyosong sabi ni Adelle—
"Louise, nandito na lunch mo, oh"
Putakte! Panira naman si Riko!
"Guys, kung ok lang, panuorin muna natin sila Adelle at Kean please."
Lumingon si Riko
"A-ah, sige. Sorry..." hay salamat!
"Adelle... kung ok lang... Gusto mo ilibre kita ng lunch? Ok lang ba?"
OMG Adelle! Go lang ng go! Accept na!
"Ah.. ok lang... Ikaw bahala. Ok lang naman sa'kin..." mahinang sabi ni Adelle (pero narinig ko parin!)
Ngumiti si Kean "Yay! Halika na, punta na tayo sa canteen!" at hinila niya si Adelle papunta doon.
Mission Accomplish!
Krriing!
Hm? Cellphone ko yun ah. Kinuha ko ang cellphone ko at nakita ang text ni Adelle.
Fr: Adelle my Labs
Message:
Rosette! Alam kong nasa likod ka ng poste kasama si Louise at Riko! Akala mo 'di ko alam? Well... thanks din :) nasa canteen lang ako kung kailangan mo ako... kasama si Kean...
>///<
Napangiti ako sa text niya. Shems, sana ganyan din love story ko... oh well... HAHAHA!!
≈ The End ≈
** Yay! Natapos na sawakas ang (really) short story na 'to!! :D *sigh* copy pasted ko lang po 'to. Basahin niyo na lang po 'to sa "Random Oneshots/Drabbles" ko na story... mas marami doong stories eh... :P Anyways, comment/review/suggest! Dat is all~ hope you like it!
"To Infinity and Beyond"!
∞ MsAuthorSan ∞
**
BINABASA MO ANG
Love at First Sight
Historia CortaNaniniwala ka ba sa saying na "Love at First Sight"? Iba Oo at iba hindi, ako well... Neutral lang ako. Ina-narrate ko lang karanasan ng best friend ko sa "Love at First Sight" basahin niyo na lang ang maikling kwento na 'to