"Bat ka ba sunod ng sunod, Math?"
"Gusto nga kase kita, Ap"
_______"Math, wala akong gusto sayo paulit ulit na lang ba tayo?"
"Pero alam kong mahuhulog ka rin sakin balang araw, Ap"
_______"Math, tumigil ka na. Ilang beses ko ba sasabihin sayong HINDI KITA GUSTO, yung best friend mo yung gusto ko, Si Science. Hindi ikaw, okay? Tama na."
"Okay"
_______Sa araw araw na dumadating, nagiintay ako na kulitin nya kong muli. Hindi ko maitatanging hindi ko sya nami-miss sapagkat miss na miss ko na sya.
Patuloy syang lumalayo sa akin na kahit sa groupings ay ayaw nya na kong makasama.
Ngayon ko lang namalayan na malaking parte na pala ng buhay ko si Math. Akala ko okay lang kung wala sya. Akala ko pag lumayo si Math okay lang kase andyan si Science pero..mali pala 'ko.
"M-math p-pwede ba tayong mag usap?" Tanong ko kay math na nagkukunwaring nag tutulog-tulugan
"M-math kahit ngayon lang, kahit pag tapos neto. Lumayo ka na ng tuluyan" nangingilid luhang sabi ko, alam kong Hindi ko kaya pag lumayo sya.
"M-math.....please.." pag mamakaawa ko sakanya at gumana naman ito sapagkat itinayo na ni Math ang kanyang ulo at deretsyong tumingin sa akin.
Bakit parang ang lalim ng mga mata nya, parang ang daming sinasabi nito.
"Ano yon?" Malamig na tanong nya sa akin
Naluluha man ay tiningnan ko lang sya ng mabuti, iba na sya. Iba na ang Math na nakilala ko.
Yung dating sigla ng kanyang mukha, wala na. Yung mga ngiti nyang nagbibigay lakas sa akin ay binalot na ng lamig. Yung mga mata nyang nagsusumigaw sa sobrang tawa ay binalot na ng mga maruruming pangyayari.
"Wala ka bang sasabihin? Kung wala, umalis ka na sa harapan ko nakakaistorbo ka na" ani nya sa akin at inihiga uli ang kanyang ulo sa kanyang bag
Sya ba to? Siya ba si Math na nakilala ko?
"Math..nagbago ka na" bulong ko ngunit alam kong narinig nya ito.
"Dahil sayo." Malamig na sabi nya habang ang kanyang mga mata'y naka pikit padin.
"M-math, bumalik ka na sa dati..please.." Ani ko pa
"Para San? Para gamitin mo lang uli? Para malapit Kay science? Hindi ba kayo okay kaya lumalapit ka sakin ngayon?" mahabang sabi nya at iminulat ang kanyang mga mata
"Ganyan ba tingin mo sakin ha? Akala ko ba gusto mo ko? Bakit ka lumayo?" Naluluhang sabi ko, wala na akong pakeelam kung marami ng nakakakita o nakakarinig samin. Ang gusto ko lang ay bumalik na kami sa dati ni Math
"Pero mas masaya ka sakanya kaya ako lumayo" seryosong sabi nya at tumingin sya sa aking mga mata. Tama ba yung narinig ko? Lumayo sya para sa ikakasaya ko?
"Pero di ako sumaya sakanya nung lumayo ka, math!" Sigaw ko sakanya.
"Ngayon ko lang nalaman na mas sumasaya ka pala pag mas nakikita ko kayong malapit sa isat-isa, mas sumasaya ka pala pag nasasaktan ako, Ap." Ngi-ngisi-ngising sabi nya.
"Math, tama na pwede! Intindihin mo naman ako, wag mo naman ako barahin o pilosopohin" naiiyak na sabi ko, Hindi na sya si math. Wala na yung math na kilala ko
"Yan rin yung sinabi mo kaya lumayo ako, humiling ka na tama na diba? Tumigil na ko. Lumayo na ko. Nagparaya na ko. Ano pang gusto mong gawin ko, Ap? Ang intindihin ka? Osige kung yan yung ikakasaya mo e." seryoso nya paring sabi
"Bat ba puro ako na lang math? Bat ba di mo isipin yung sarili mo? Gusto mo ko pero nagparaya ka? Ano ba math!"
"Ap? Sabihin mo nga sakin. Kailangan pa ba kita ipaglaban? Kailangan ko pa bang sirain ang kasiyahan mo para lang sa sarili ko? Hindi ganon ang ibig sabihin ng pagmamahal, Ap."
"........" Hindi ako makasagot, Hindi ako makaimik. Di ko na alam sasabihin ko. Alam kong pag natapos ang usapan na to lalayo na sya pero wala akong masabi. Pano na?
"Ap? Ilalaban pa ba kita kung alam ko namang masaya ka na sakanya?" Tanong nya sa akin.
"........"
"Ap..ayoko na. Pagod na ko. Suko na ko." Ani nya pa at tinalikuran ako.
"Math..pag naglakad ka palayo ibig sabihin lang nun takot kang ipaglaban ako" ani ko na may halong tapang. Alam kong Mali ang ginagawa ko, alam kong wala akong karapatan gawin 'to pero eto na lang ang paraan para di sya malayo sakin.
"Kapag naglakad ako palayo ibig sabihin lang non takot akong ipaglaban ka kase alam kong kahit kailan di ako mananalo kase mas gusto mo sya" ani nya at unti-unting naglakad
'Isippp habang di pa sya nakakalayo, mag isip ka Ap' pagkausap ko sa aking isip
"Pag Hindi ka tumigil sa paglalakad ibig sabihin lang non di mo ko gusto, na trip mo lang lahat lahat" nakapikit na sigaw ko.
'Tumigil kaya sya?' 'Huminto ba sya?' Mga tanong na pumapasok sa aking isip----
"Pag di mo minulat mata mo ibig sabihin lang non ginagamit mo lang ako" sabi nya. Nagulat man ay iminulat ko na agad ang mata ko, ayoko ng mawala sya sa paningin ko.
"M-math..." Kinakabahan akong tumingin sa kanya, sobrang lapit nya sa akin.. Masyado akong nahihiya sa mga sinabi ko kanina
"Hmmm?" Mukhang unggoy na ngiti nya sa akin
"G-gusto..." Nakakahiyang ani ko
"Bat mukha kang kamatis? HAHAHAHAHA" natatawang tanong nya sa akin, nakakaasar man ay Hindi ko maitatanging namiss ko ang mga tawang 'yon. Akala ko Hindi ko na 'to masisilayan muli.
"Oh bat nakangiti ka dyan?" Dagdag nya pa
"Wala lang, masama?" Pagtataray ko naman, balik na kami sa dati. Namiss ko sya ng todo-todo
"Hindi naman haha" nakangiting ani nya
Bat di ko ba masabi sakanya yung gusto kong sabihin? Ang hina ng loob ko grabe -,-
"Math.."
"Oh?"
"Thank you"
"Ha?"
"Hakdog"
"Ano nga kase bat ka nag te-thank you?" Ani nya, ang kyut nya talaga.
"Basta"
"Mag gusto ka ba sabihin? Feeling ko kanina ka pa kinakabahan eh"
"Ah ano kase"
"Ano?"
"Bat ka nag bago?"
"Dahil sayo"
"Ah. May..."
"May?
"May....ano...ahh"
"Ayos ka lang ba talaga Ap?"
"Oo naman hehe" kinakabahang sabi ko.
"Gusto kita....math" bulong ko sa kanya
"Ha? Ano nga uli di ko narinig eh"
"Wala sabi ko tara na..."
"Pag di mo sinabi tatalikuran kita. Di na ko lalaban. Ibibigay uli kita sa science na crush mo. Lalayo ako hanggang sa di mo na ko makita." Nakasimangot na sabi nya.
"Oo naaaaa! Wag ka na manakot"
"Gusto kita"
"Ano!?"
"GUSTO KITA"
"Ano!??!?"
"BALAKA SA BUHAY MO BASTA AKO GUSTO KITA KAHIT BINGI KA"
"AKO DIN BALAKA SA BUHAY MO BASTA AKO MAHAL NA KITA"
At Sabay kaming natawa sa kabaliwan namin. Hindi ko alam kung kailan matatapos yung saya sa puso ko pero alam kong pag natapos 'to at kung lungkot ang papalit dito. Alam kong kasama ko na uli sya.
May mangungulit na sa akin at may tao na ring mag papasaya sakin. Hindi man kami sigurado kung eto na yon pero alam naming kaya naming labanan ang tadhana wag lang kami pag layuin.
---------------
"Jesus never said it would be easy, but he said it would be worth it!" - Matthewat 7:13-14