Chapter 3

155 7 4
                                    

Hana’s POV

Now I’m here with new found friend infront of a... what can I say? House? Kinda look like a bungalow inside the school premices.

Oh yeah. Magprapractice na nga pala akong magtagalog.

“Shemay! Bumukas ka naman!” Mukhang hirap na hirap si Jonna na buksan yung pinto.

“Teka, ano bang gagawin natin dyan sa loob?” Kung may makakita lang sa’min dito pagkakamalan na kaming magnanakaw.

“Ssh... wag mong laksan boses mo. Baka may makarinig sa’tin.” Okay! This is getting kinda creepy.

“Jonna don’t tell me gangster ka or akyat bahay.” Sinapak niya ako bigla. Mahina lang naman.

“Shunga! Mukha ba akong gangster or akyat bahay?” Tuloy pa rin siya sa pagsungkit nung lock ng pinto. “Shit! Ayaw talaga.” Binitawan na niya yung hairpin

“Ano aalis na ba tayo?” Tanong ko. Imbes na sumagot, tumayo siya bigla at pumunta sa may bintana.

Hinila niya yung sliding window kaya naman bumukas ito.

“Bingo! Pakahirap much pa ako sa pinto eh bukas naman pala yung bintana.”

Pinanood ko siya habang sumasampa sa bintana. Malaki ito kaya kasyang kasya siya saka medyo mababa din kaya hindi siya nahirapan.

“Ano na? Hindi ka ba susunod?” Gosh! She really is desperate.

“Yeah. Coming.” Sumampa din ako sa bintana gaya ng ginawa niya. Tinulungan niya ako kaya nakaakyat ako agad.

Bumungad sa’min ang maluwang na sala. May maliit din na kitchen at may mahabang dining table. Maayos ang mga gamit at amoy lavander ang buong bahay.

“Jonna, kaninong bahay ba ‘to? Baka mapagalitan tayo niyan.” Hinila niya ako bigla.

“Walang magagalit basta hindi tayo makikita.” Feeling ko kriminal na kami sa ginagawa namin ngayon.

Lumakad pa kami papasok at dun may dalawang kwarto.

“Ano ba talagang ginagawa natin dito?” Sumilip ako sa isang room. Madaming salamin atmaliwanag yung kwarto. Parang dun sa napapanood kong practice video ni... Napatingin ako kay Jonna.

“You’ll see.” Lumapit ako sa pinto kung saan siya nakasilip. Glass ang upper half nung pintuan kaya naman kitang kita namin yung nasa loob.

“A-altan?” Mahina kong sabi. Tumingin ako kay Jonna na parang hindi makapaniwala.

Palmer HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon