Sa Bayan

31 0 44
                                    

3rd persons pov

Pumunta siya sa likuran kung saan naabutan niyang nagtsa tsaa ang kanyang lola at ina

''ma, la, alis muna ako magiikot ikot lang po para masanay sa lugar'' paalam niya sa ina

'' wag kang lalayo naiintindihan mo?'' wika nito na ikinailing niya sa loob

Nakita naman niyang hinawakan ng kanyang lola ang braso ng kanyang ina

''sige na iha mamasyal ka na para hindi ka abutan ng dilim sa daan'' wika naman nito na may ngiti sa mukha nito na nagpahawa din sa kanya

Kumaway siya at nagpasyang kunin ang susi ng sasakyan niya na ginamit nilang mag ina, regalo ito ng kanyang ama ng makapagtapos siya nong nakaraang buwan

Nagdesisyon siyang tumingin sa paligid para alamin kung may magiging panganib man

Dama niya ang lakas ng paligid na nalilipat sa kanya habang bukas ang bintana niya at nagmamaneho

Hindi na rin siguro masamang tumira siya dito

Agad niyang tinahak ang daan papunta sa bayan para kabisaduhin yun at mapuntahan ang pinsan niya sa munisipyo

20 minutos ang tinagal niya sa daan papasok sa bayan

Isang normal at maliit lang na lugar ang san clemente at may pakiramdam siyang halos lahat ng tao dito ay magkakakilala lang

Agad niyang nakita ang munisipyo kulay puti ito at makikita ang linis ng paligid nito 

nasa tapat nito ang isang parke 

naalala niya ang parkeng iyon madalas silang maglarong magpipinsan doon lalo na pag tinatakbuhan nila ang mga magulang nila sa picnic

Agad siyang lumabas ng sasakyan,at pinagtinginan siya ng mga tao, agad siyang naalerto dahil dun, hindi siya sanay na tinitignan siya lalo na at alam niyang hindi naman siya ganon ka appeal para pagtuunan ng pansin,

 pinansin niya ang suot niya baka nakakaasiwa kaya siya tinitignan

 pero isang simpleng off shoulder na blue yun at isang isang puting pantalon at sneakers, kinuha niya ang denim jacket niya at sinuot yun para hindi namang masabing masagwa ang itsura niya

Dumiretso siya sa bukana ng munisipyo at hinanap ang reception area

Isang babaeng nasa edad 35 ang sumalubong sa kanya at binigyan siya ng mapanuring ngiti

Gumanti na lamang siya ng pagbati dito

''good afternoon i'm looking for Mayor Ramon Salazar'' wika niya ng may pagkagalang dito

Agad naman siya nitong simaan ng tingin saka sinilip ulit ang suot at itsura niya peke itong ngumiti saka sumagot

''I think nasa opisina siya ma'am ill check lang po ha'' wika nito sa pilit na pagpapasigla ng boses

Bumulong ito pero rinig na rinig niya

''ano?? nag-iba na ba si sir ng type at flat na ang gusto nito ngayon?hmmp!"' may gigil sa galaw nito

Tinignan niya ito

 mahaba ang itim na itim na buhok nito kulot ang dulo non pero halatang hindi natural malamang buong isang oras ang ginugol nito mapanatili lang na kulot ang mga iyon, malalantik ang pilik nito na mukhang peke din, maputi ito at makinis, bahagya pang nakalabas ang cleavage nito sa damit nitong puti na long sleeve blouse pero bukas ang dalawang butones 

ang galing isama pang mukhang pencil cut nga ang skirt nito pero mukhang mini skirt iyon

Teka kelan pa naging kabastos bastos sa munisipyo ngayon??pulang pula ang lipstick nito at mukhang nilulon nito ang isang baldeng gluta para pumuti ng ganito at mukhang type nito ang pinsan niya na ikinailing niya

DiversoWhere stories live. Discover now