Chapter 1: Void Space

26 1 0
                                    

'Nasan ako?'

'Bakit ang dilim?'

'Pano ako napunta dito?'

Yan ang mga katanungang kasalukuyang tumatakbo sa aking isipan ngayon. Hindi ko alam kung nasaan ako ngayon at kung paano ako napunta sa lugar na ito.

Wala akong makita. Masyadong madilim ang kapaligiran. Kahit saan ko ilibot ang aking paningin ay wala talaga akong makita. Wala akong makita kahit konting liwanag man lang.

"Tao." huh! May nagsasalita ba?

"Tao." may nagsasalita nga.

"Sino ka? Nasaan ako? Magpakita ka. Tulungan mo akong makaalis sa lugar na to." sunod-sunod kong pahayag sa taong nagsasalita.

"Ako si Heran at nandito ka ngayon sa void Space?" tugon ng taong nagsasalita na nagpakilalang siya daw si Heran.

"Heran. Heran, nasan ka? Magpakita ka sakin." pahayag ko dito.

"Paumanhin tao! Ngunit hindi ako maaaring magpakita sayo. Nandito lamang ako upang sabihin ang misyon mo." tugon nito sakin.

"Huh! Anong! Anong misyon ang sinasabi mo?" nagtataka kong tanong dito.

"Dadalhin kita sa isang mundo na talamak ang gyera at digmaan ng bawat kaharian. At ang misyon mo ay pigilan ang digmaan." pagsagot nito sa aking tanong.

"Huh! Pero paano ko yun gagawin?" tanong ko pa dito.

"Ikaw na ang bahala kung paano mo yun gagawin. Kung paano mo pipigilan ang digmaan sa mundong aking pagdadalhan sayo." sagot ni Heran.

"Pero hindi ko yun kaya." pagtutol ko sa gusto niyang ipagawang misyon sakin. Masyado iyong mahirap. Kung sa buong mundo ay may nagaganap na digmaan, paano ko yun pipigilan.

"Dapat mo yung kayanin." sabi nito.

"Buburahin ko ang lahat ng iyong alaala mula noong ikaw ay bata pa hanggang sa madala kita dito sa void space. Pati na din ang iyong alaala tungkol sa iyong pangalan. Ngunit maiiwan sa iyong alaala ang tungkol sa mga pinag-usapan natin ngayon pati na din ang alaala tungkol sa iyong misyon. At bilang kapalit sa pagtanggal ko sa iyong alaala, bibigyan naman kita ng mga bagong kaalaman. Tungkol sa kung paano ang buhay sa mundong iyon." mahabang pagpapaliwanag nito sakin.

"Dadalhin na kita sa bago mong mundo." dagdag pa ni Heran.

Bago pa ako makatutol ay nagbago na ang aking paligid. Kasabay ng pagbabago ng aking paligid ay tila may nawala sa aking kaisipan, ngunit hindi rin nagtagal ay mayroong bagong kaalaman na pumasok sa aking isipan. Ngunit kasabay ng kaalamang pumasok sa isip ko ay isang katanungan naman ang bumagabag sakin.

"Sino ako?"

»»»»»»

Wews! Chapter 1 done. Hihi!
Yeah! Maikli lang siya. Bawi na lang ako sa mga susunod na chapters.

Vote!
Comment!
@xxxfirephoenix

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 30, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

EMPIRE: The Creation (EMPIRE Vol. 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon