Material 3: Mr. McDonald

26 1 0
                                    

Still in Flashback :)

Pssh! makapunta nlang kay tita! urgh buhay parang lifeeeeee!  -_-

Medyo malayo din yung bahay ni Tita lalice. After a few minutes na byahe nandito na ko. Patay din ako kay Tita.

Teka, eh asan nba yung ding-dong dito? at bakit wala si Marian? ahahaha! ang jk jk jk!XD

Kumatok na lng ako, (toktok)

"Oh Marx?!!, ay nako alam ko na kung bakit ka nandito,lekat kang bata ka! Sinabe na sakin ng mommy mo yung mga kalokohan mong gnawa! Ay nakoo! naku! Magisip ka naman Marx! Ayan nakita mo!Di na nakapagtimpi mga magulang mo,sinasabi ko sayo! Kelangan mong matuto! Gamitin mo yang talino mo!.......(tatattatatatattatatata! blah blah blah!),

Diba! buhay! kabubukas pa lng ng pinto,ganda bungad sakin e!

"tehehe!" ayan na lang nasabi ko.

"Oh ngayon ngingiti ngiting aso ka dyan!? pumasok ka na nga!,nandito na gamit mo. Dinala na ni Mang Poro. Pinapasabi nga pala ng mommy mo na kailangan mong magtrabaho,dahil ni isang sentimo wala kang makukuha hanggat di ka daw nagiging independent,Osha! hala pasok!"

"oho alam ko po! dami nyo sinabi ngalay na ko dito,bago pa nyo ko papasukin," tumabi naman si tita, Hahahahaaha! tinuro nya sakin yung kwarto ko. Walang kasama si tita sa bahay niya dahil dalaga pa rin ang peg ng lola nyo! Nahiga muna ko,dahil pagod na din ako.Mga ilang oras lang,................

P******TA! di na ko makatulog sa ingay! di naman kase subdivision tong tinitirikan ng bahay ni tita,somewhere na parang kalye lang,pero maayos bahay niya.Di tulad sa others!

Umalis muna ko para bumili ng pagkain ko,wla agad si tita? asan kaya yun?! lumabas na ko ng bahay,Kahit papano naman may natira kong pera,mga worth 5000 pa.Kinuha na ni mom at dad yung mga card ko at kung may naitago man ako na di nila nakuha. No good din, block yung account ko.

Naglakad lakad na ko para bumili sa tindahan at ayun! takte! Layo na pala ng nalakad ko. Binili ko na rin ng ulam si Tita.

"Iho ito na oh! 135 lahat" sabi nung madyondang tindera 

"ah sige po wait lang" kinapa ko na yung wallet ko sa bulsa ng pants ko,

"Sh*t naman! naiwan ko pala sa kwarto"

"ay nako iho,bumalik ka muna" letseng tanders na to,iniisip pa ata na mahirap ako,well i think malapit na nga.

" ay aling Rosa wag na,babayaran ko na lang tong binili nya'',biglang may sumingit na...gwapo din naman,pero kulangot ko to eeh!

"ah osige", sabi nung aling Rosa nga ba? ah ewan, humarap ako dun sa lalakeng nagbayad ng pagkain ko

"ah,tol salamat"

"Ano ka ba! wag kang magpasalamat, di yan libre.Utang mo yan sakin,hirap ng life ngayon no!" putek buraot din pala to ee!

"oo,alam ko babayaran kita"

"hehe buti namn! bago kba dito? anong pangalan mo??" kalalaking tao,tsismoso e

"Ah oo, dyan ako makalagpas ng dalawang kanto,Marx nga pala. Marx Luciano"

"talaga? dun lang din ako! hahaha! Donald! Donald Madlangpipol!"

*cricket sound


" hahahahaha!joke lang! Donald Guevarra ;) "

pssh! lekat kala ko totoo yung surname nya e!

"hehe, ah sige kain muna ko,hahanap pa rin ako ng trabaho e"

"te-teka1 trabaho ba kamo? may alam ko! sama ka saken gusto mo? ngayon na! wait! wait lng pala! Muka ka namang mayaman ee! namo suot mo! naka bench na damit ka, naka Vans shoes ka.Naka wax pa buhok mo! Kelangan mo ba tlaga ng trabaho?" 

Daldal din ee! daming tanong,pero mukang mabait sya.

"mahabang kwento ee, oo kaylangan ko tlaga ng trabaho.Dalhin mo na ko dun sa trabahong sinasabi mo"

"osige na nga tara!"

Naglalakad na kame,habang kinukwento ko sa kanya yung madrama kong buhay,mula sa mayaman.Boom! eto naghihirap. Kwento ko na daw sa kanya ee. ang kulet.

"eh bakit ka ba naman kase nagiinom? tapos pumasok ka pa sa school nyo ng lasing. tanong ko lang pre...." tumigil muna kame sa paglalakad mukang seryoso ahh?

"Tanga ka ba? kase ah! grabe pre mayaman ka na,naghirap ka pa!"

"Lul ewan nga! asan nb yung trabahong sinasabi mo?" gutom na ko ee!

"oh eto na, dito tayo" sabay turo nitong si Donald sa......

"eeh? anong ginagawa naten dito sa paradahan ng tricycle?"

"tangek! dito ka nga magtatrabaho. dito din ako nagtatrabaho no!" 

"eeh? don't tell me, tricycle driver magiging trabaho ko?"

"Wag mo nga kong englishin dyan! ayan na tumutulo dugo! Malamang oo! Anung gusto mo? magbobote ka na lang? wag na maarts! tara na punta na tayo kay Kuya Nanong,ganto gagawin mo, Marunong ka naman sigurong magdrive ng motor no? ganun lang din yun.Ikaw ang babyahe ng tricycle ni kuya nanong,tapos sa kita mo sa isang araw,magbibigay ka ng 150 kay kuya nanong.Yung natira sayo na lahat. Okay ba?" sabay pogi sign ni donald

"Parang ang liit naman!"

"oy oy oy! malaking tulong na di yun!"

"oo na!

pumunta na kame dun sa unano etse Nanong daw. ayun kinausap ni donald tas inabot yung susi sa kanya.

"oh eto susi ng tricycle na gagamitin mo,si kuya nanong na daw bahala sa lisensya mo.Pasalamat ka! malakas ako dun! Marunong ka naman sumunod sa batas trapiko diva?"

"oo naman! what do you think of me? thinking of you!!!"

"oo na! pogi ako"

"ewan ko sayo! gutom na ko uwi na tayo"

Umuwi na kame after nun, kasama ko sya, di ko alam yung daan pauwi ee.

*End of Flashback*

A/N: may mga tinanggal lang ako dto. not so important kaya di pansinin.

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Feb 04, 2015 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Material GirlDonde viven las historias. Descúbrelo ahora