[1] Who's Mine?

7 0 0
                                    

Eliza's POV~

I hate the fact na sa aming dalawa, ako lang nag-iisip sa kanya.

Iniisip kaya niya ako ngayon? Goodness gracious baka hindi na ako kilala nun ah.

Kamusta na kaya siya?

Kumain na kaya siya?

Buhay pa kaya siya?

Ano na kaya itsura niya?

Yes you read it right. Syempre, sa makabagong teknolohiya ngayon inaasahan niyo na sana kahit online nakakausap ko siya, pero sadly hindi na. Hindi na siya active sa mga personal accounts niya years ago pa.

Namimiss ko na siya.

Sumagi ang alaala ko patungkol sa kanya nang makakita ako ng isang larawan ng green traffic light, na may pa pusong red light at yellow light sa gilid ng nasabing red heart light. Ito ay  nakapaskil sa isang bilihan sa paligid ng airport.

Kinuha ko ang aking cellphone sa bulsa,pinikturan ang nasabing larawan, at patuloy na inalala ang tamis ng nakaraan...

♥ ♥ flashback ♥ ♥

February 14, 2017.

Sa isang mall sa Quezon City.

Kumain kami sa foodcourt since napagod kami sa ginawang window shopping.

Mula sa pag-uusap patungkol sa mga pangarap at pag-aaral, napunta kami sa usaping pag-ibig.

“Paano kaya kung naging tayo? Sa tingin mo mag w work yun?”

“Oo naman, ang saya mo kayang kasama. I have many things na natututunan dahil sayo.”

Nagpatuloy ang aming question and answer, what if talks namin nang biglang—

“Love me now, and I'll court you forever. Will you be my girlfriend?”

Huh? Seryoso ba ito? Nakadrugs? Nasobrahan sa pagkain? Nilason?

I will not answer that now. I can say it's not necessary for me to  answer your question right away.”

Bro, may schoolworks pa tayo deadline bukas. Kaloka 'to.

“How 'bout a bet?” sabi niya.

A bet?

I hate doing or having bets, palagi akong talo. I swear I am willing to do some risks, ayun lang ay kapag ako LANG ang gagawa. Ako kasi, I don't want to depend my life sa sasabihin ng iba just because natalo lang ako sa kanila.

“Sure, why not.” I carelessly said.

WHAT THE HELL ARE YOU DOING ELIZABETH ARDEN? ARE YOU FUCKING CRAZY?

I can see mula sa mga mata niya na he's amazed, maybe nakikita niya ako as someone na ayaw mag bet.

If that's the case, he's right.

“Okay, if naabutan nating 'go' yung traffic light pag nakalabas tayo ng mall, you win. I will wait for your answer.”

Sus, ayun lang naman pala eh. Bring it on!

“Well sure!”

“Pero if hindi natin naabutang green yung traffic light sa labas ng mall, you have to answer. Okay?”

“Okay, no problem”

— – — –

Pababa na kami ng escalator, at natatanaw namin sa kalayuan na green ang traffic light.

Remember the TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon