#1 All of Me

13 0 0
                                    


Buong buhay ko ang pangarap ko lang ay ang makasama ang mama ko hanggang sa matupad ko lahat ng pangarap ko, kasama na roon ang mabigyan siya ng magarang buhay at mararangyang gamit na nanaisin niya.

Ngunit dahil sa mga mali kong disisyon ay nawala siya...

Nawala ang kaisa-isa kong ina na nag-aruga sa akin, na bumuhay at ang dahilan kung ba't ako narito sa kinatatayuan ko ngayon, itong lahat ay dahil sa aking ina...

Siya ang naging sandalan ko sa mga panahong halos mawalan na ako ng pag-asa.

Nakakaiyak isipin na sa ganto lang pala siya mawawala. Sa isang disgrasya sa kalye, naka-handusay ang aking inang walang malay at duguan.

Sinubukan kong lumapit ngunit....pinilit kong magpumiglas sa mga istrangherong pumipigil sa akin sa paglapit, ang nagawa ko nalang ay ang isigaw ang kanyang ngalan habang lumuluha.

Mama... Mama...

Trisha's POV

Simula ng malaman ko na ang mama ng aking nobyo ang nakasagasa sa aking ina ay, nagkaroon ako ng pagkamuhi na naging dahilan ng paghihiwalay namin.

Ang nangyari ay aksidente lamang, ngunit ang hindi ko matanggap ay ang hindi niya pagbayad o pagtulong sa pagpapagamot ni mama, dahil ito mismo ang plano niya.

Maaring nalaman niya na ako ang naging bunga ng pagkakamali ng aking ama na kanya naman asawa.

Oo... Anak ako sa labas, kaya ganoon nalang n'ya kagustong, makita akong nagdudusa.

Noong una ay hindi ko alam kaya nakipag-relasyon ako kay "Jin" na anak lang naman niya sa pagka-dalaga.

Pero di ito alam ni Jin, ayaw niya itong ipaalam dahil ayaw n'ya na magkaroon ng sama ng loob sa kanya ang kanyang kaisa-isang anak. Isa din yan sa dahilan kung bakit gusto niya akong lumayo kay Jin, dahil maari ko itong sabihin kay Jin kung aking gugustuhin.

Sobra kong minahal si Jin kaya ganuon nalang ka sakit ang paghiwalay ko sa kanya. Alam ko na sinubukan niyang ipag-laban ang relasyon naming dalawa, ayoko siyang kamuhian nungit nilamon na ang aking puso ng sakit na nagbunga ng galit.

Sa aking pagbabalik, aking ipaghihiganti ang aking ina, ipaparanas ko sa inyo kung gaano kasakit ang dinulot niyo sa akin! At sisiguraduhin kong babagsak kayo sa kamay ko."

Ito ang tumatakbo sa isipan ko habang nagmumuk-mok sa kusina kung saan kami naglilibang ng oras ni mama.

Tumayo ako at pupunta sana sa banyo ngunit napabalik ako ng may kumatok sa pinto.

Agad ko naman itong binuksan...

"Bakit po?" tanong ko sa lalaking may dala-dalang suitcase at mahahalata ang lungkot sa mukha nito. Maaaring magkakilala sila ni mama.

"Are you, Miss Francisco?" ani nito.

"Opo, bakit po-" napahinto ako at...

"Maari po ba muna kayong pumasok?" aya ko sa lalaking nasa harapan ko.

Agad ko naman siyang ipinaghanda ng almusal.

"Bakit n'yo po pala ako pinuntahan? Kakilala po ba kayo ng mama ko?"  humigop siya ng kape at sinagot ako.

"Ako ang lawyer ng mama mo. Gusto niyang sayo mapunta lahat ng pinaghirapan niya. Bago siya mamatay,ibinilin niya sa akin na kapag may mangyaring masama sa kanya ay gusto niyang ipaalam sayo na ang lahat ng pinag-hirapan niya ay mapupunta sayo na kaisa-isang anak niya."

Napaluha ako dahil hanggang sa huling hininga ni mama ay ako padin ang iniisip niya. Salamat ma, dahil kung hindi dahil sayo ay baka sa kalye na ako pinulot ngayon.

"Maraming salamat po sa inyo." nag-bow ako sa kanya para ipakita kung gaano ako nagpapasalamat sa ginawa niya.

"Kamukhang-kamukha mo talaga ang mama mo at talagang pinalaki ka niya na isang mabuting bata." pinunasan ko ang luha ko at ngumiti sa lawyer ni mama.

Time Slip,,,

Sumakay na ako ng eroplano papuntang ibang bansa. Gamit ang malaking halagang nakuha ko sa pera ni mama ay makakapag-aral na ako sa isang magandang skwelahan sa Amerika.

Ito ang plano ko,

Itutuloy ko ang kulehiyo ko sa ibang bansa at doon ako magpapayaman at babalik ako para gumanti sa kanila.

Sa lahat ng humihila sa akin pababa. Kasama na ang dati kong school na kasab'wat ng mama ni Jin na pinatalsik ako bigla ng school na walang rason. Ang sabi lang ay wala na daw kasing magulang na aalalay sa akin.

Tama! Dahil kahit kamag-anak ay wala ako, pero kahit di nila ako patalsikin ay kusa naman akong aalis sa skwelahan na iyon, na walang ginawa kundi ang manghusga ng mga tao.

Kesho, ni-nobyo ko si Jin dahil sa pera nito, dahil alam naman ng lahat na di ako kasing yaman ng iba.

Magaling lang naman sila man-judge ehh akala mo naman malilinis. Sa pagkakaalam ko ay ang isa sa mga studyante ay nakikipaglandian sa teacher para makakuha ng mataas na marka. Ang ibang teachers naman ay binabayaran ang mga students o binibigyan ng mataas na grado para makipagtalik rito.

Marami pa akong alam pero nanatili parin akong tahimik di dahil sa natatakot ako kundi dahil ayokong nasasangkot sa mga bagay na ganito










Krystal Jung    as    Trisha/Catastrophe
Cha Uenwoo    as    Ruffian
Nam Jihyun  as    Empress
Kim Soohyun    as    Luke
Park Jiyeon    as    Angel
Nam Jihyun    as    Empress
Park Hyungsik    as    Phat
Han Soohee    as    Arsyn
Kang Minhyuk    as    Jin
Kim Yujin/ Uee    as    Hailey
Choi Wooshik    as    Peter



The Revenge of the GirlWhere stories live. Discover now