MBBL 39: You

310 7 1
                                    

Cassandra's POV

Nagulat ako nang nakita ko si Elui sa gilid ng counter... Tumingin din si Elui sa banda namin kaya nagkatinginan kaming dalawa.

"Huy! Sino tinitingnan mo? " tanong ni Stacey... Kaya napatingin din siya sa tinitingnan ko at nagulat din.

"Hindi ba siya yung ex boyfriend mo" sabi ni Stacey

Hindi ako nakapagsalita lalo na nang lumapit si Elui sa table namin ni Stacey... Nag tuluyan na siyang lumapit sa table namin ay nakatingala na ako sakanya.

"Hello Cass, Its been a long time since we saw each other" Sabi ni Elui nang nasa table namin siya.

"O-oo nga eh... Kamusta ka?" sabi ko

"Okay lang naman, ikaw? "

"Okay lang naman, kamusta ka pala doon sa ibang bansa?"

"Okay lang naging successful naman yung operation"

"Buti naman"

Naputol yung pag uusap namin dahil tinawag siya sa counter para makuha ang kanyang order... Ang tagal na pala namin hindi nagkikita... Halos 2 years din kami hindi nagkikita.

"Walang pinagbago si Elui simula nung nag break kayo" sabi ni Stacey habang sinisipsip ang kanyang frappe.

Naalala ko yung dahilan kung bakit kami ulit nagbreak.

(FLASHBACK)

Nagtext si Elui saakin noong nasa isang bookstore ako para bumili ng libro.

From: Elui

Cass, magkita tayo ngayon sa Coffee Bean na malapit sa school niyo nandito na ako hihintayin na lang kita.

Nang mabasa ko ang message niya ay pumunta kaagad ako sa Coffee Bean na sinabi ni Elui.

Nang nakapunta ako doon ay nakita ko aagad siya sa dulo... Pumunta ako sakanya at umupo.

"Nag order na ako kanina" sabi ni Elui

"Thank you" Sabi ko habang nakangiti

Biglang natahimik si Elui at napatingin saakin ng matagal... Bigla niyang hinawakan ang dalawa kong kamay na parang mawawala ako kung bibitawan niya ito.

"Cass, mag break na tayo" biglang sabi ni Elui

Naptulala ako at walang masabi sa kanyang naisabi.

"Huh? Bakit? " sabi ko

"Kailangan kong pumunta ng ibang bansa, dahil kailangan operahan ang kapatid ko"

"Pwede naman tayo mag Long Distance Relationship"

"Ayoko nang ganun Cass. A girl like you doesn't deserve that. Kaya sana mapatawad mo ako"

Tumango na lang ako sa sinabi niya... Tumayo si Elui at niyakap ako nang mahigpit... Napaiyak ako sa yakap niya... Humarap si Elui at pinunasan ang mga Luha ko, umalis na siya nang tuluyan.

Umiyak ako ng umiyak hanggang sa mailabas ko lahat... Siguro kaya umiiyak ako nang ganito dahil siya na ang naging sandalan ko sa lahat ng problema ko.

Umalis na din ako sa Coffee Bean at dumiretsyo sa bahay at tuloy tuloy na pumasok sa kwarto ko.

(END OF FLASHBACK)

"Halika na Cass mag shopping na tayo!" Excited na sabi ni Stacey

Tumayo na kaming dalawa at lumabas sa Starbucks... Dumiretsyo kami sa department store at naglibot libot para makatingin sa mga damit.

My Bad Boy LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon