Play the song while your reading this
----->
................
Ryan's POV
Nagulat ako nang biglang nahimatay Cassandra.. Pati ang ibang students ay napatingin
"Tulungan mo ako, punta natin siya sa clinic" sabi ko sa babaeng kasama niya
"Okay" sabi nito na halatang nap pa-panic
Binuhat namin siya at naglakad ng mabilis papunta sa clinic
(Clinic)
Pagkapasok namin nakita namin yung nurse
Biglang nag ayos ng buhok yung nurse
Tang'na nakikita naman na may dala kaming pasyenta nakikipaglandian pa
"Anong kailangan niyo" sabi nito habang nag pa-pacute pa
"Nakikita mong may dala kaming pasyente! Nakuha mo pang mag pacute!" sigaw ko
Mukhang nagulat siya dahil sa pag sigaw ko
"A-ahmm, s-sorry p-po, sige p-po l-lagay niyo na lang po siya doon sa kama" sabi mito habang nanginginig
Nilagay kaagad namin siya doon sa kama at hiniga ng maayos
May biglang dumating na ibang nurse
"Sir, ano po yung nangyari sakanya? " tanong nung nurse
Buti pa ito matino kausap, hindi katulad nung isa
"Kinakausap niya lang po ako tapos bigla po siyang nahimatay" paliwanag ko
"Hmmm.. Sige, check ko muna siya" sabi niya
May kinuha siyang thermometer at nilagay ito kay Cassandra
Beep beep!!
Nang malaman na ang resulta tiningnan ito nung nurse
"38.34, meron siyang lagnat at ang taas pa.. Mas mabuti kung iuwi na lang muna siya sakanila" sabi nito
"Ahmm.. Sige po" sabi ko
Riiiiinggg riinngg!!
Nung tumunog na ang bell para bumalik ulit sa klase
"Ako na ang mag babantay sakanya" sabi nung kaibigan niya
"Wag na ako na lang, meron ka pang klase, mag sulat ka na lang ng notes para sa kanya" sabi ko sakanya
"Ahhh, sige" sabi niya at umalis na kaagad
Binuhat ko si Cassandra papunta sa parking lot at sa sasakyan namin
Nag pasundo na ako sa sundo ko
Dumating kaagad siya in 10 minutes
Binuksan ko kaagad ang pinto at sinakay si Cassandra
"Manong, sa bahay po tayo nila Rafael" sabi ko saaming driver
"Opo sir"
Nag drive na siya habang ako naman nakatingin lang sa bintana
(Bahay nila Raphael)
"Sir, nandito na po tayo" sabi ni manong
Bumaba kaagad ako habang binuhat ko si Cassandra papunta sa loob ng bahay nila
"Oh Ryan anong nangyari kay Cassandra? " alalang na tanong ng kanyang mommy
"May mataas po siya na lagnat" sabi ko
"Sige itaas mo na lang siya sa kwarto niya"
"Sige po"
Tumaas kaagad ako habang buhat buhat ko pa siya
Binuksan ko kaagad ang kwarto niya
At binaba ko siya sa kama niya
Nalaman ko kaagad kung saan ang kwarto niya dahil meron siyang isang picture frame niya na sorbrang saya
Binaba ko siya sa kama at kinumutan
Tok tok tok
May biglang kumatok kaya binuksan ko ito kaagad
Pagkabukas ko nakita ko ang mommy niya na may dalang lalagyan na may tubig at isang bimpo at meron pa siyang dalang tubig at baso
"Eto oh painomin mo siya. Ryan alagaan mo muna si Cassandra kasi yung kuya Raphael niya mamaya pa yun uuwi" sabi ng kanyang mommy
"Sige po, naiindtindihan ko naman po" sabi ko sakanya
Kinuha ko kaagad ang mga dala niya at pumasok na sa kwarto
Nilagyan ko siya ng bimpo at nilagay ko sa kanyang noo
"Hmm.. " biglang sabi nito
"Cassandra? "
"Hmm... Ryan?"
"Oh gising ka na pala, inumin mo muna yung gamot mo" sabay abot ko sakanya ng gamot
Ininom naman niya kaagad yun at uminom kaagad ng tubig
"Anong sakit ko? " tanong niya
"Meron kang mataas na lagnat"
"Ahh.. "
"Aalagaan daw muna kita dahil mamaya pa daw uuwi yung kuya mo"
"Hmm.. " sabi nito ng mahimbing
Nakatulog na kaagad siya ng mahimbing
"Aalagaan kita hanggang sa gumaling ka na" bulong ko sakanya at hinalikan siya sa noo
BINABASA MO ANG
My Bad Boy Lover
Roman d'amour(Loren series #1) Minsan pag nagmahal ka ng isang tao hindi mo alam kung mahal ka din ba niya? Pag minsan mapaglaro talaga ang tadhana Siya kaya mahal ako? Dahil kaya sa pagkakamaling banggaan lang ay magkaka-ibigan na sila o mag kakaawayan? Starte...