Erich's POV
"Bek, bangon na! Dali, dali.Bek!"nagising ako sa matinis na boses ni Jam.
Naman, oh.
"Ano ba! Ang aga, aga.Sarap ng tulog ko oh.Ang ganda pa naman ng panaginip ko.Panira ka talaga kahit kailan, bek."nakasimangot kong sabi.At tumayo pagkatapos ay humarap ako sa full size mirror ko dito sa kwarto para makapag-suklay.
Bigla akong binatukan ni Jam. "Gaga, bihis na may bisita kayo sa baba."
Nagpantig ang tenga ko sa narinig. "Sino?"
"Si Karl!"tili ni Jam.
Nanlaki ang mata ko.
Kuya Karl!
Nagmamadali akong pumunta walk in closet ko at dumampot ng maisusuot matapos non ay pumasok ako sa banyo.
Narinig ko pa ang tawa ni Jam.
"Excited e?""Pakialam mo!"sigaw ko mula sa loob.Dali dali akong nag-shower at binilisan ang pagligo.
SAKTONG kabababa ko lang sa grandstaircase dito sa mansyon namin ng mapatingin si Mommy at Daddy sa gawi ko.Nakaupo sila sa sofa at mukhang may pinag-uusapan.
Ngumiti si Mommy. "O, anak.Gising ka na pala."
Lumapit ako sa kanila at nagbeso. "Good morning po, My, Dy."
Atsaka umupo sa tabi nila katabi ko si Jam at kaharap namin ang mga kasama ni Kuya Karl.
Si Mac, Gelo, at Kenn.Lahat sila kaedad ko 16 years old.Pwera lang kay Kuya Karl na 17 years old.
Ngumiti ako sa kanila at gumanti naman sila.
"As I was saying po Tito Ric, kung pwede po si Erich na sumali sa YA Dance para irepresent ang barangay natin sa nalalapit na fiesta."sabi ni Kuya Karl at tumingin sa akin ay mali or guni guni ko lang yon?
Nakatingin siya sa magkahawak na kamay namin ni Jam.
"Of course, hijo.Pwedeng pwede mahilig naman sumayaw tong Eree.Diba, Ree?"sabi ni Dy at tumingin sa akin.
Tumango ako at sumagot. "Opo, pwede naman."
"Dy, si Chia pwede na ba siyang sumali? Kuya Karl pwede na siya right?"tanong ko sa kanila.
Chia is my younger sister, she is 13 years old.
"Pwede, mas maganda kung mas marami tayong sasali.It's for our barangay and also your boyfriend Jam, he can also join."sabi ni Kuya Karl.
Muntik na akong mapatawa ng malakas sa sinabi ni Kuya Karl.
Hindi ko na napigilan na matawa.Wala na.
Kahit nakasimangot si Jam sa sinabi ni Kuya Karl, tumawa nadin siya.
"Ahm, sorry to disappoint you Kuya Karl.Hahaha, wait.Jam isnt my boyfriend, he's gay.He's my bestfriend."tawa ko.
"Oh, sorry.Hahahaha.My mistake."nakitawa nadin siya pati narin ang mga kasama niya.
Sina My at Dy ay ngumingiti lang.Kj ang mga yan.
"Oh, tama na.Tsk, Karl.Napagkamalan naman akong bf ni Eree."parinig ni Jam.
Tumigil kami sa pagtawa at maya maya lang ay ininvite nina My sina Kuya Karl na mag breakfast nalang dito sa amin nung una nahihiya sila.
"Ano ka ba, hindi na kayo iba sa amin Mac, Gelo , Kenn at Karl.Mga kumare ko ang mga Mommy niyo.Kaya halina."nakangiting aya ni Mommy.
Wala na silang nagawa dahil magkukumare naman ang mga mommy namin.
So, ayun nagbreakfast kami ng sabay-sabay.Thanks to My, nakasabay ko mag breakfast si crush--Kuya.
Take note katabi ko siya sa kanan ko naman si Jam na todo pasimpleng kurot sa akin.
After the breakfast nag abot ng monetary si Dy, para sa gagamitin naming props etc. About sa dance.
Sa YA dance kasi para siyang festival dance kasama lahat ng youth every barangay.Merong street dance na kasama.
Pagkaalis nila.Agad kong binuksan ang facebook account ko dahil nabanggit ni Kuya Karl kanina na he'll send me a friend request para ma-add sa gc ng Barangay San Andres Youth Association Dance.
Ayon sa salita niya.After 5 minutes nakatanggap ako ng friend request.
Karl Thien Dela Paz sent you a friend request.
My heart....
Okay di ako kinikilig.
Author's note: anong nakakatawa? Hahaha enjoy!
