Prologue

8 0 0
                                    

Becca
Mayghad...nakakaiyak na talaga ang panahon ngayon. Why do guys cheat on their girlfriends? Parang ang saklap lang kasi ang laki-laki ng mundo pero alam mo yun? Sa dinami daming lalaki, sa maling tao ka pa nagkagusto...Hays anyways I'm so hungry na. WAG KA NA MANGIYAK NGIYAK DYAN BECCA! Always remember na you're destined for someone and that person won't hurt you in any way.

Oh shit... Really? Ganto ka ba talaga tadhana. Mula sa malayo nakikita ko na yung ex ko kasama yung impaktang nilalandi niya habang kami pa noon, nasa may lockers pa... What a jerk. Five months lang kami pero alam mo yun? pinaramdam niya sakin na mahalaga ako and all that stuff, and yes i sort of still like him. It's been one month since our break-up. Sarap isalampak sa mukha nila yung middle finger ko jusme. Diane...ugh... babaeng sobrang kapal ng make-up akala mo endorser ng crinkles sa bakery shop. I mean oo, maganda siya, matangkad, sexy and leader ng chearleaders. And Justine...My ex na super pogi, mayaman, heartthrob, and leader ng isang gang. Pogi niya kapag nakaLeather jacket. Akala mo Daniel Padilla eh. Pero pucha ang fucboi ni qaqo. Oh well, kailangan dumaan. 

*Becca makes her way to the cafeteria.*

Becca                                                                                                                                                              "Babe where do you wanna have lunch today? Let's skip classes nalang." inaalok na sabi ni Diane.. "Sure babe, san mo ba gusto? Bahay ko? After eating lunch we'll have dessert" agad na tugon ni Justine sabay smirk sa dulo. LASWA NILA HAYUF. Ugh bagay sila..parehong kampon ng kadiliman. Napaka-BI nila mayghad. Tadhana thank you for not letting me spend my life with that guy.

OH SHET...napatingin sakin si Diane.."Yas babe, I'll satisfy you not like your EX na walang kwenta" sabi ni Diane na parang pinapatamaan ako. Napatawa ng malakas si Justine at agad na sinabing.."Babe, I love you so much" sabay kiss amputa. Sa sobrang gigil ko napasigaw ako ng "OY...FYI! I once SATISFIED JUSTINE! And. He. Kept. On. Coming. Back. For. MORE!" nagulat nalang ako noong narealize kong napatingin sakin ang mga tao..Masyado bang malakas ang pagkakasigaw ko? fuck. Pati rin si Diane natulala sa narinig niya mula sakin. Si Justine naman naestatwa ngunit tumatawa ng lowkey. Naririnig at nakikita ko na pinaguusapan at  pinagtitinginan kami  . Sa sobrang hiya ko napatakbo ako papunta sa cafeteria namin. Walang atubiling nakabunggo ako ng lalake. OO NA LAMPA AKO. NATARANTA AKO EH! Pero holy patootie...daming accidents ngayon. Agad na tinulungan ko yung lalakeng nabunggo ko.

"ARAY! Ate tignan mo naman dinadaanan mo! Lunch ko natapon-" parehas kaming napatitig ng matagal. Yung lalakeng nabunggo ko pala is yung ex ko noong SHS pa lamang ako. Ang tagal na diba? 20 nako ngayon tapos hinahabol pako ng first eva boyfriend ko. Haba ng hair! "Sorry.." isang COLD at MAY DIIN Kong sinabi ang word na "sorry" kasi omfg.. Sakit ngpagkakahulog ko, tumama yung elbow ko sa sahig. But anyways.. I can't stand him, first one to broke my heart wants me back... Can't imagine it...it's been two months na, two months niya nakong sinusuyo. "Bec usap tayo please.. There's something in you that drives me crazy, so much that I couldn't sleep throughout the night, that I can't eat without the thought of you" pasimpleng sagot ni Arkin. "What for? So you could play with me? Be your slave? Do your projects for free? Sorry but I'm no longer a fool." oh ha! Sabay angat ng kaliwa kong kilay. "Bec plea-" agad kong tinigil sa pagsasalita si Arkin, "Shh.. Here, take this." nag-abot ako ng ₱120. "Buy something to eat nalang" and I left without another word.

Deadly In LoveWhere stories live. Discover now