CHAPTER 3 : FEATHER

26 4 9
                                        

SAMANTHA'S P.O.V

Nagising ako mula sa higaan. May mga luha nanaman sa aking pisngi. Hindi ko maintindihan ang nangyayari. Ralph! Ralph ang pangalan nung lalaki. Hindi ko pa rin maintindihan ang lahat ng nangyayari.

Kinulam ba ako? Bakit sa tuwing natutulog ako napupunta ako sa lugar na 'yon? Paggising ko naman may mga luha sa aking pisngi, ano ba 'to?

Bumangon ako sa higaan ko at nakita ko sa kabilang kama si Maxine na kinakalikot ang kanyang cellphone. Bumaba ako ng higaan at bumangon din siya.

"Gising ka na pala!" Saad ni Maxine.

"Obvious ba?!" Wika ko sabay nag unat unat.

"Ano bang nangyari sa'yo?" Tanong ni Maxine. Huh?!

"N-Nangyari?! Sa akin?!" Gulat kong tugon. Bakit? Anong nangyari?

"Kagabi kasi, iyak ka ng iyak hindi namin alam alam kung anong gagawin namin. Ayoko namang sabihin sa principal, baka palipatin Lang ang Isa sa'tin, Alam mo naman si Ma'am Florentina." Aniya. Naiyak?!

Ano ba 'tong nangyayari sa akin? Hindi ko maintindihan! Hindi ko siya sinagot at tumayo na lamang. Kinuha ko ang cellphone ko at umupo sa tabi ng bintana.

Nang buksan ko 'yon agad kong tineks si Mommy.

"Mom, kamusta na po?"

Wala paring nasagot. Naninibago ako. Dati kasi pagkatext mo palang magrereply na agad si Mommy. Hindi ko na lamang it on pinansin at muling bumalik sa aking higaan.

Ala sais na ng umaga nang magising si Analyn at Alyanna. Naligo na kami at mga ala siyete ay pumunta na kami sa school. Nagpalipas muna kami ng oras sa school garden

Yung school garden dito parang park na rin sa lawak nito. Umupo kami sa bench na katabi ng mga tanim na orchids. Sayang! Naiwan ko yung cellphone ko sa dorm. Nakita Kong nagtatanim si Sir Mendes. Nilapitan ko siya.

"S-Sir?!" Panimula ko.

"Oh, Sam! Bakit?" Aniya.

"Ang gaganda po ng mga tanim ninyo!" Hayag ko.

"Salamat! Marami ng nagsasabi niyan. Gusto mo bang matutuo mag tanim-"

"Hindi po ako kasali sa gardening clubs." Wika ko.

"Ganun ba," Sabi niya at pinagpatuloy niya ang kanyang pagtatanim.

Inikot ko ang mata ko sa buong paligid at napakaganda ng mga tanim dito. Maraming nagaaway na bulalak sa paningin ko. Nakakaagaw ng atensyon lahat ng nakatanim dito. Ngunit may isang pangyayari ang sumagi sa isip ko, naaalala ko sa mga tanim na it yung magandang tanawin nakikita ko sa tuwing natutulog ako at pati na rin ang lalaki sa panaginip ko na nagngangalang Ralph. Iwinaksi ko muna 'yon sa isip ko at umupo muli sa bench.

"Sam, ang weird mo ngayon." Wika ni Maxine.

"Weird?! Hindi na ba kayo nasanay sa pagmumukang to?!" Pagbibiro ko.

"Nakakatakot ka na kasi, eh. Yung paghikbi mo tuwing gabi saka yung mga kinikilos mo ngayon, para ngang hindi ikaw 'tong kausap ko ngayon, eh!" Tugon ni Alyanna.

"Hindi ko na rin kasi alam lahat ng nangyayari ngayon. May mga bagay na hindi ko inaasahang mangyari pero patuloy nung binabago ang pagkatao ko, nababaliw na ba ako?" Tanong ko. Isang sampal ang iginawad sa akin ni Maxine.

"Ano bang nangyayari sayo, lalim na hugot no, ah! May pinagdadaanan ka noh? Tell us!" Wika ni Analyn.

Hindi ko na lang sila pinansin at tumayo. Naglakad ako tungo sa room at isang lalaki ang nakabangga sa akin. Napahilata ako sa sahig sa sobrang lakas ng impact ng pagbunggo niya sa akin. Si Andrei. Inilahad niyansa akin ang kanyang kamay pero tumayo ako magisa at pinagpag ang palda ko.

Dineretso ko ang tingin ko at nagsimula ulit maglakad. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa mula sa likuran ko. Hinarap ko siya.

"What do you want?!" Tanong ko sa seryoso kong tono.

"Nothing! Yung palda mo kasi-HAHAHAHAHAHA!!!!!!" Wika niya. Ano bang nakakatawa sa palda ko?!

Tingnan ko ang palda ko at napagtanto kong may putik ang palda ko sa likod. Shocks! Paano ako nito papasok?! Malapit na mag alas otso! Tumakbo ako tungo sa dorm at agad na nagpalipas ng damit. Sa pagdapa ko kasi pati yung palda ko nasamahan ng putik. Matapos kong magbihis tumakbo na agad ako pababa ng hagdan.

Pagpunta ko sa ikalawang palapag bigla nalang nag-ring yung bell. Shocks! Nagsisi ako na nasa 4th floor ang room namin. Binilisan ko na ang takbo. What?! Pagdating ko nakasara ang gate! Paano ako makakapasok?! Mga ganito kasing oras sinasara na ng guard ang gate at mamamaya pang free time bubuksan ito.

Hayst! Kasalanan 'to ni Andrei! Nakakainis siya! Wala akong nagawa kundi bumalik sa dorm at hintayin ang pagring ng bell na palatandaan na free time na.

Nang makaakyat na ako. Hinilata ko ang katawan ko sa itaas ng double deck na higaan. Ipinikit ko ang mga mata ko. Nagising nanaman ako sa isang magandang kabundukan.

Nandito nanaman ako! Wala si Ralph?! Bakit ko ba siya hinahanap?! Umupo ako sa gilid ng isang puno. Isang kulay asul na ibon ang biglang dumapo sa aking tuhod. Hinawakan ko it at himalang hindi ito lumipad papalayo. Alam kong nanaginip nanaman ako pero parang totoo ang lahat ng ito.

Nang lumipad na papalayo ang ibon saka ko napagpasyahan na tumayo na sa puno. May nakita akong isang paruparo. Ang ganda ng kulay nito. Kulay asul ito na mas napaganda ng napagsama ng lila na kulay. Lumipad na ito papalayo. Sinundan ko ito at hindi ko napansing nasa dulo na ako ng bundok

"Aaaahhhhhhhh!!!!!!!" Sigaw ko nang malaglag ako sa bundok.

Nang idilat ko ang mata ko nasa higaan na ako. May mga luha ulit sa aking mga pisngi. Ano ba 'tong nangyayari?! Hindi ko talaga maintindihan lahat. Nakita ko sa higaan ko na may asul na balahibo. Yung ibon!

Tumayo ako sa higaan at 8:37 na, free time! Tumayo ako at tumakbo papuntang school. Nang makapasok ako ng room tatlong nakabusangot na mukha nila Analyn, Maxine, at Alyanna.

"Bakit hindi ka pumasok?!" Tanong ni Maxine.

"Long story!" Saad ko at may ibinigay siya sa aking papel.

"Mathematics, 95 over 100 English, 98 over 100! Congrats" Wika ni Alyanna at yakap sa akin.

Itinaas ko ang kanang kilay ko. Yumakap din ang dalawa sa akin. What is the meaning of this?!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 03, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

STORY OF USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon