CHAPTER 2 : YOUR NAME

25 4 0
                                        

SAMANTHA'S P.O.V

Naglalakad kami ngayon nila Maxine, Alyanna at Analyn papunta sa room 10-B. Nandoon yung room na iyon sa pangalawang building bago mag gym.

"Ay!" Saad ko.

"Bakit?!" Tanong nila.

"May Test tayo ngayon diba?!"

"Meron, bakit?!"

"Hindi ako nakapagreview!" Saad ko.

"Naku, kagabi kasi tutulog tulog ka tapos ngayon bubunganga ka sa amin na hindi ka nakapag review!" Saad ni Maxine.

"Sorry na! Samahan n'yo ako sa cafeteria please! 7:30 pa lang lang naman, eh!" Pagmamakaawa ko.

"Oo na!" Wika ni Analyn at tumakbo na kami papunta sa cafeteria.

Na-review ko na lahat ng subjects maliban lang sa Philippine History at English. Bigla na Lang kasing nag-ring yung bell na tanda na magsisimula na ang klase kaya pumunta na kami.

Matapos ang isang oras nakapag-test na kami ng dalawang subjects. Nakakainis lang kasi yung dalawang subjects na hindi ko na review yun pa ang naunang tinest namin.

Papunta kami ngayon sa library. Mag-re-review ako. Yung tatlo sasamahan lang daw ako. Ewan! Ang sabihin nila ayaw nilang mag review. Hayst! Inilabas ko ang isang notebook ko at isinaulo lahat ng nilalaman nun.

Sure kasi akong lahat yun ay lalabas sa test. Mahirap na maging mababa. Matapos ang ilang minuto nangalahati na ang nasaulo ko at itinago ko na 'yon sa bag.

Tumayo na ako at tinawag ang tatlong babaitang busy sa pagkalikot sa kaniya-kaniya nilang cell phone.

"Huy!" Tawag ko sa kanila ngunit patuloy sila sa pagkalikot sa kaniya-kaniya nilang cell phone.

"Magriring na yung bell-"

"Kring! Kring! Kring!"

Lakad-takbo ang ginawa namin hanggang maabot na namin ang room. Umupo agad kami at eksakto namang dumating si Ma'am Sanchez.

"Hello everyone! So blaahh! blaahh! blaahh!" Hindi na ako nakinig sa sasabihin ng guro dahil alam ko namang mga instructions sa pagsagot lang ang sasabihin niya.

Isa-isa ng ibinigay sa amin ang mga test papers at bumulagta sa akin ang sandamakmak na mga numero. Math! Naglabas ako sa bag ko ng isang papel para sa pagsosolve at sinimulan ko ng sagutan ang nakalaang papel.

Nang matapos ako, ipinasa ko na ang papel ko kay Ma'am Sanchez. Sila Maxine at Analyn 'di pa tapos kaya pumunta muna kami ni Alyanna sa cafeteria.

Umupo kami malapit sa may counter. Matapos kong umorder ng orange juice ay umupo na ako.

"Sakit ng ulo ko kanina! Ang hirap ng Math!" Saad ni Alyanna.

"Medyo!" Tugon ko sabay higop sa orange juice.

"Naku" Wika ni Analyn at humigop din sa orange juice. "Kamusta nga pala yung tatay mo Sam?"

"Nagpapagaling pa, hindi pa kasi nakakalakad." Paliwanag ko.

"Uh!"

Nasagasaan kasi si Daddy dito. Hindi niya kasi napansin yung dumadaan na van tapos yun. Nabangga siya. Nagpapagaling siya kasama ni Mommy sa London. Doon kasi nagtatrabaho si Mommy at may kakilala daw siya do'ng doktor. Pero sana gumaling na si Daddy.

Matapos naming uminon ng orange juice saka naman dumating ang dalawang babaita.

"Ang hirap!" Saad ni Maxine sabay padabog na umupo sa tabi ko.

STORY OF USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon