Chapter 2

5 0 0
                                        

Nakatingin si Ramon kay Jenny, nakita niya kasi ang malungkot na mata ni Jenny habang tinitignan ni Jenny si Ramon.

Ramon : " Sino ba yun ha? Jenny? sinaktan kaba nung mukong na yun? sabihin mo at gugulpihin ko yun"

Jenny : " huh? Huwag! huwag mong gagawin yun!" nag mamakaawa ng husto habang hawak ang kamay ni Ramon 

Ramon : " Mahal mo talaga ako, ayaw mo akong masama sa gulo, kaya gagawin ko ang sasabihin mo"

Hindi alam ni Ramon na hindi ko gusto na ginugulpi niya ang mahal ko, sana si Dexter ang gumulpi sa kanya.para ma wala ka na sa buhay ko Ramon.

Sa ibang table nakita ko si Dexter na kasama ang kanyang girlfriend. Siya si Kathryn Reyes, ayaw na ayaw ko talaga sa kanya di dahil na girlfriend siya ni Dexter kundi ang pangit pangit ng kanyang ugali palagi lang niya sinasaktan si Dexter. Oo maganda siya pero ang ugali kasing pangit naman. Ewan ko ba kung anong nakita ni Dexter sa kanya.

Ramon : "Napansin ko palagi ka nalang dun nakatingin kay prez, e kahit isa hindi ka man lang tumingin sa aking mga mata".

Pero si Jenny deadma parin kay Ramon at laging tinitignan si Dexter, at sa isang saglit nilapit ni Ramon ang kanyang mukha sa mukha ni Jenny at nag cross ang kanilang mga mata. Na shock silang dalawa at agad nag bigay ng kunting distance sa bawat isa.  Napaisip tuloy si Ramon na ang cute pala ni Jenny, (Blush) kapag titignan mo siya ng mabuti makikita mo ang good asset niya, ang kanyang mga mata na hindi masyadong malaki pero maganda ang expression at kahit walang make up mapula ang pesnge.

Ramon : "  Ano... um ... Jenny bakit lagi kaba nakatingin kay prez. huh? naiinis na ako ha!"

Jenny : " Ang pamilya kasi ni Dexter ang kumupkop sa akin nung namatay ang parents ko sa isang car accident noong 7 years old palang ako nun, kaya malaki ang loob ko sa pamilya nila" sinabi kay Ramon na walang pag alinlangan.

huh? bakit ko ba sinabi sa kanya yun, ano ba ang pakialam ni Ramon sa buhay ko, kakainis talaga siya, pero habang sinabi ko kay Ramon yun medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil siguro siya ang unang lalaki na sinabihan ko tungkol sa buhay ko.

Niyakap agad ni Ramon si Jenny at sabay sabi " Huwag kang mag alala Jenny, nandito na ako kaya huwag ka ng malungkot"

Nakatingin ang lahat ng estudyante sa canteen sa kanila dahil biglang niyakap ni Ramon si Jenny.

Na shock si Jenny sa ginawa ni Ramon, pero nag bigay din ng kunting saya sa kanya. hindi niya inakala na gagawin ni Ramon yun sa kanya si Ramon lang ang nakakasabi kay Jenny ng ganun.

kahit si Dexter hindi yun ginawa sa akin, binigyan lang ako ng halaman, pero kahit halaman lang yun mas masaya ako na si Dexter ang unang nag pasaya sa akin ng mawalan ako ng magulang.

[Habang pabalik na sa classroom]

[Hallway]

Kasabay ni Jenny si Ramon at Emily habang pabalik sa classroom

E bakit pa kasi kasama patong si Ramon habang pabalik sa classroom, kakainis e kahit si Emz hindi makapagsalita ng dahil sa kanya. takot kaya si Emz kay Ramon.

Ramon : " Jenny sabay tayo uuwi mamaya! Hintayin mo ako dito! ok?!"

Jenny : " OK" hindi parin nakatingin sa mata ni Ramon

lumapit si Ramon at hinalikan ang noo ni Jenny at sabi "HIntayin mo ako mamaya" at nakangiti kay Jenny

Nag blush si Jenny sa ginawa ni Ramon tumitibok ng mabilis ang puso niya. Hindi niya inexpect na gagawin ni Ramon yun.

Nakita sila ni Dexter at napaisip si Dexter na going strong na ang relation nila, masaya ako para sayo Jenny. 

At nakita ni Jenny si Dexter na nakangiti sa kanya habang papasok ng classroom. 

Teyka lang speaking of Dexter, nakita ba niya kung anong ginawa ni Ramon?  (naiirita habang iniisip niya ang ginawa ni Ramon)

[Habang sa klase]

Bakit ba ginawa ni Ramon yun sa akin kanina hindi na tuloy ako makapag concentrate at higit sa lahat nakita kami ni Dexter mapapaiyak na ako nito.

Tinawag si Jenny ng kanilang teacher para basahin ang isang paragraph sa textbook, pero hindi ito narinig ni Jenny Tinawag ulit si Jenny pero wala parin. at nilapitan na siya ng kanyang teacher, at binagsak ang libro sa harap ni Jenny. Napatayo agad si Jenny at lahat sa klase ay natawa.

Teacher : "ok Jenny Montes basahin mo ang 1st paragraph ng storya"

Ng matapos ng basahin ni Jenny ang paragraph napatingin siya sa pinto at nakita niya si Ramon na nakangiti sa kanya. at biglang nag blush si Jenny.

Nakita kaya niya ang ginawa ko kanina, nakakahiya. bakit ba kasi siya tumambay sa labas ng classroom namin.

Tiningnan ni Jenny ulit kung nandoon parin ba si Ramon sa labas at nakita niya na wala na.

Tapos na ang klase at biglang pumasok si Ramon sa classroom nina Jenny.

Ramon : "Ang cute mo kapag nahihiya ka ha Jenny" nakangiti

Nagulat si Jenny habang nililigpit ang kanyang mga gamit.

Jenny : " Nakita mo pala yun Ramon" parang gusto ko ng mamatay, mamatay ako sa tukso nito

Ramon : "Oo, na inlove nga ako sa iyo ehh ehehehe "

Napatingin si Jenny at biglang nag blush

Ramon : " Yun! tumingin ka rin sa akin, palagi ka kasi tumitingin sa iba medyo naiinis na nga ako eh!"

" Iniisip mo ba ako habang tinatawag ka ng teacher? ha? ahahhaha in love ka talaga sa aking no Jenny?"

(sinasabi sa sarili habang si Ramon nag sasalita)

Bakit ba ako nag blush, ng dahil lang sa sinabi ni Ramon? Oh no! naiinlove naba ako kay Ramon, hindi pwede.Ofcourse mag blush ako 1st time may nag sabi sa aking na na inlove sa akin ang lalaki kaya magblublush talaga ako.

Ramon : " Hoy! Jenny! napaisip ka na naman ba? ahahahah!  Tara umuwi na tayo, ihahatid na kita"

Bakit ba ganito? sana isang masamang panaginip lang ito lahat. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 17, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unexpected AffectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon