Say something, I'm giving up on you
I'll be the one,if you want me to~•~•~•~•~•~
"Besh, tahan na kasi" pagpapatahan niya sakin
"Besh,naman kase-ang sakit talaga....5 years?! 5 years yun!!!"humahagulgol ako sa sakit. Limang taon!! Limang taon na kaming dalawa lang ang magkasama at walang nakikisawsaw na iba. Pero ang sakit-sakit lang dahil nakahanap siya ng iba at binalewala niya yung limang taon na yun. G@g* siya...g@g*~•~•~•~•~•~
Anywhere, I would've followed you
Say something, I'm giving up on you~•~•~•~•~•~
Sinundan ko siya kahit saan, nang palihim. Kasama niya ang bagong mahal niya. Ang sakit lang naman sa naman sa puso. Ang makita siyang masaya kasama nang iba. Ang tumatawa at may kahalikang iba...shet lang!! Gusto ko siyang murahin, suntukin at sampalin pero hindi ko kaya kase nga Mahal ko pa. Ang talaga ko!!! Di'ba tanga, tanga ako!!
~•~•~•~•~•~
And I am feeling so small
It was over my head
I know nothing at all~•~•~•~•~•~
"Gusto ko sanang sabihin sayo nah..." Sabi niya. Nakakainis siya may pabitin epek pa... Bakit hindi niya nalang diretsohin?...Kinakabahan na ako sobra, ang lamig-lamig pa nang kamay ko... Hindi ko alam kung bakit ganito toh?
"Sabihin, mo na kase...nilalamig na ako?"reklamo ko sa kanya. At tinitigan yung mata niya pero bigla nalang siyang nag-iwas. Bakit? May kung anong tumurok sa puso ko na parang pinapako sa sobrang sakit. Kinakabahan siya, nalulungkot, pagkainis at galit, ang nakikita ko sa mga matang yun na hindi ko alam kung para kanino at dahil kanino.
Bakit sobrang hirap sa kanya na sabihin ang mga salitang dapat niyang sabihin sa'kin.
"Ayo'ko na. Break na tayo"
Bigla akong nabingi sa sinabe niya.Ayo'ko na. Break na tayo
Ayo'ko na. Break na tayo
Paulit-ulit yung nagreplay sa isip ko ang sinabe niya. Para akong dinaganan ng isang libong tunelada ng truck sa sobrang sakit. Hindi ko na napigilang mapaiyak. Bakit kailangan sa ganito pang paraan pa kami maghihiwalay? Bakit hindi niya sa'kin sabihin ng harap-harapan. Gusto ko siyang suntukin! Ang duwag niya!duwag! Binato ko ang laptop ko sa pader dahilan para masira ito kahit hindi ko pa pinatay ang video call nayun.
Umiyak lang ako nang umiyak. Sana naman mabawasan ang sakit...
Simula nung araw na yun wala na akong ibang ginawa kundi ang umiyak at magmukmok,wala nang ibang nasa isip ko kundi siya lang.~•~•~•~•~•~
And I...will stumble and fall
I'm still learning to love
Just starting to crawl~•~•~•~•~•~
"Besh,gala tayo sa Mall?Nood tayo ng sine?"pag-aaya sa'kin ng kaibigan ko. Halos tatlong buwan nayung lumipas matapos mangyayari ang masalimuot na bangungot ng buhay ko. Napag-isipan ko na hindi lang pala siya ang lalake sa mundo pero sa tuwing naaalala ko siya nandiyan pa rin ang sakit at mga luhang hindi pa natatapos sa pag-agos. Tinutulungan ako ng kaibigan ko na bumangon ay kalimutan ang lahat nang pangyayaring 'yun.