Chapter 1 - Memories

18 1 0
                                    

ALL OF THE SUDDEN by LittlePatotie

Abala ako ngayon kung paano makakaalis sa kumpol na mga tao dito sa bar dahil namataan ko at nang aking kaibigan na nandito ang ex kong ayaw ko nang makita.

Hinigit ko ang aking kaibigan kasabay ng pagtama ng aming paningin ni Josh. Kita ko ang pagigting ng kanyang bagang ngunit isinang kibot ko iyon at inirapan siya kasabay nang paghila ko sa aking kaibigan.

"Mara! Ano ba bitawan mo nga ako!" pagmomolesta niya pero hindi ko pinakinggan ang lasing kong kaibigan at tinungo ang Exit para makalabas na dito sa bar. Dirediretso kami hanggang sa makita ko ang Ford ko at saka siya sinakay sa front seat.

" Ano ba kasing nangyare?!" halata sa kanya ang pag kairita.

"I saw Josh and he saw me dancing with other guys" pagpapaliwanag ko sa kanya.

"And then? The hell I care about Josh?! Wala na kayo diba? Bat ka affected kung makita ka niyang may kasayaw na ibang lalaki?" galit na tono ni Julia.

"Natatakot ako sa maaring mangyari Juls. Alam mo namang mahal ko pa siya diba?" sambit ko na ngayon ay may namumuong luha na sa gilid ng aking mata.

Napapikit ako dahil hindi pa humuhupa ang pag alon ng aking paningin na alam kong ilang sandali na lang ay masusuka na ako pero pinigilan ko yun at hinarap ang aking kaibigan na abala ngayon sa pakikipagusap sa telepono.

"Yah Kevs I'm sorry hindi ko na nasabi sayo na umalis ako, may gagawin pa kasi ako" pagpapaliwanag niya kay Kevs na sa pagkakaalam ko ay manliligaw niya.
"Julia? Sorry pati ikaw nadadamay sa kahibangan ko sa lalaking alam kong sasaktan lang ako." panimula ko sa kanya habang nagdadrive patungo sa aking condo unit. Tapos na silang mag-usap ni Kevs kaya ngayon ay nakatingin lang siya sa harap.

"Julia, I'm sorry please?" lumingon ako sa kanya ng isang beses at ganun parin ang posisyon niya.

So I stop the car on the right side of the road saka siya pinasadahan ng tingin.

"Look Juls I'm sorry, kung ayaw mo na akong maging kaibigan dahil sa pagiging makulit at matigas kong ulo. I will let you." napatingin siya sakin na nakakunot ang noo at nakataas ang isang kilay.

"It's been 3 years and until now I'm inlove with a guy who broke my heart. Alam kong pagod kana sakin." umiwas ako nang tingin at itinuon iyon sa mga dumadaang sasakyan.

Napatingin ako sa kanya ng bigla niya akong yakapin.

"Mara! Alam mo namang hinding hindi kita iiwan no matter what! At tsaka naalala mo ako na lang ang natitira mong pamilya bukod sa mga tita at tito mo na nasa ibang bansa?" napangiti ako sa sinabi niya.

"Isa pa Mara! Sinabi din sakin nila tita na alagaan kita at ituring na isang kapatid bago sila pumanaw. Remember that?"

Naalala ko bigla ang trahedya na nangyari 5 years ago and until now dipa rin ako makamove on dahil sa nangyari.

"Mara! Pumunta ka sa ospital ngayon" tinawagan ako ng aking tita na ngayon ay gulong gulo dahil sa hindi maipaliwanag na nangyare.

"Tita what's wrong?" napapaos ako habang nagsasalita.

"Nasa Emergency room ang Daddy at Mommy mo pati narin si Kael! I will text you the address" hindi nagsink in sa utal ko ang sinabi ng aking tita. Dali dali kong tinungo ang labas nang gate at nagpara ng taxi.

Pagkalabas ko sa sinabing ospital ay pumunta agad ako sa counter para tanungin kung saang room nakaassign ang aking pamilya sakto naman ang paglabas ni Tito Kurt.

Niyakap ako ni Tito Kurt, hindi ko alam pero umiyak ako sa kanyang dibdib at niyakap siya nang mahigpit. Sinabi niya sakin na habang pauwi sina mommy galing Surigao ay may nakabangga daw na 10 wheeler truck sa kanila. Dead on arrival daw ang nasabing driver ng truck pero sina mommy at nadala pa sa ospital.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 07, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ALL OF THE SUDDENWhere stories live. Discover now