CHAPTER 1

3 0 0
                                    

"Lumayas ka!". Sigaw sa kanya ng kapatid nyang si Jake habang ibinabato sa kanya yung mga damit na kinuha nito sa closet nya.

"Jake, stop it!", awat naman dito ng dalagitang si Samantha. "Wala naman ginagawa sayo si Tyron!"

Kumatok kasi si Samantha sa kwarto nya ng gabing yun para magpatulong sa homework nito ng biglang dumating si Jake at nag-umpisang mag-wala.

"I told you to stay away from this bastard, Sam. But you're not listening!"

"Don't call him like that!"

"Why? Isn't it true? Anak lang naman sya ng daddy sa labas! So he is a bastard!". Galit pa rin na sigaw nito.

Napatiim-bagang sya pero kelangan nya magtimpi. Tama naman ito. Isa akong anak sa labas. Wala akong karapatang lumaban. Kase kapag lumaban ako, siguradong masasaktan na naman ako ng mommy ni Jake. Tahimik nyang pinulot ang mga damit nyang itinapon sa kanya ni Jake at ibinalik sa closet nya.

"I told you to leave! Are you deaf?!!". Galit pa rin sigaw ni Jake. Hindi nya nalang ito pinansin at binalingan si Samantha.

"Sam, you can go back to your room. Naituro ko na sayo, diba? Kaya mo na sigurong sagutan yan."

"Yes. But..."

"How dare you ignore me!". Akmang uundayan na sya ng suntok ni Jake ng may biglang sumigaw sa pintuan.

"What the hell are you doing, Jake?!"

Napalingon silang lahat sa sumigaw. Bigla namang nanginig si Jake ng makilala kung sino ang nakatayo doon.

"G-grandma, I thought-"

"Just go to your room, Jake.", napapabuntong hininga sabi ng lola nya. "You too, Sam"

"O-opo, Lola". Binalingan muna sya nito na parang nagtatanong kung okay lang sya. Matipid nya naman itong nginitian. Saka ito tuluyang lumabas ng kwarto nya. Sumunod naman dito ang nagdadabog na si Jake. Binalingan sya ng lola nya at marahang hinaplos ang kanyang buhok.

"You okay?," nag-aalalang tanong ng lola nya. Nginitian nya naman ito at sinabing okay lang sya. Marahan sya nitong niyakap. "I'm sorry, apo. I'm trying my best na magkasundo kayo ng kapatid mo. Sana wag kang magsawang intindihin sya. Alam kung darating din yung araw na magiging okay kayong dalawa."

Kumalas sya rito at nakita nya yung mga luhang pumatak sa mga mata nito. Mabilis naman nito pinunasan yun habang tumatawa ng pagak. Mula ng iniwan ako ng mommy ko sa poder ng daddy. Si Lola na ang nagsilbing nanay para sakin. Sya lang ang taong tumanggap at nagmahal sakin. Yung mommy ko, hindi na nagparamdam simula ng iwan ako. Alam kung sinusubukan nya kaming magkaayos ni Jake. Pero gaya ni dad at mommy ni Jake. Malayo rin ang loob nito sa kanya. Or should I say galit din ito sa kanya. Hindi nya rin ako tanggap. Hinawakan nya ang mga kamay nito at sinabing..

"La, Alam ko po na someday. Magiging okay din ang lahat." Napangiti ito ng makita ang mga ngiti ko. Alam nitong bumuti na ang pakiramdam nya. "Alright then. Wag mo nalang intindihin mga sinabi ni Jake. Go to sleep dahil maaga pa pasok mo bukas. Bukas mo na ipaayos yung mga gamit mo na kinalat ng magaling mong kapatid."

Giniya sya nito pahiga sa kama nya at kinumutan sya.

"Goodnight, grandma. I love you." Nakangiting sabi nya. Gumanti naman ito ng ngiti at hinalikan sya sa noo.

"Grandma loves you too. Don't forget that. Goodnight."

Iniwan na sya nito ng makitang nakapikit na sya at marahang sinara ang pinto. Dumilat sya ng mga mata ng tuluyang umalis ang lola nya. Umupo sya sa kama at sumandal sa headboard nito. Malungkot nyang pinagmasdan ang kisame. Unti unting pumatak ang mga luhang kanina nya pa pinipigilan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 30, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LOVE OR REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon