Nagtayo ng matayog na pader gamit ang mga bato ng aking hilakbot
Sa gitna ng sarili kong mundo na binabalot sa yakap ng aking kwartong malungkot
Wala kang maririnig kundi mga palahaw ng galit na mga tula
At masidhing paglulunggati na mabura na lamang lahat ng simulaSinunog lahat ng tulay na patungo sa luray-luray ko nang tiwala
Kinublihan ko ang sarili mula sa pag-ibig na hindi na ako naniniwala
Nilagyan ng mga pating ang malalim na dagat ng luha kong mapait
Isinisigaw ng aking pananahimik, "Huwag na huwag kang lalangoy palapit."Pero dumating ka
Salamat sa Panginoong Diyos, dumating ka
Ikaw na nagsaboy ng sinag sa mundo kong madilim
Gumuho ang matayog kong pader
Sa mga tinginan nating palihim
May bahid ng langit ang kaba
Sa mga ngitian nating patago
At kung pinaglalaruan lang ako noon ni tadhana
Sigurado akong siya yung labis na nabigoDahil yung mga dating paghikbi ko magdamag
Lahat nang iyon ngayo'y pag-awit
Naging pagngiti ko na lamang na akala mo walang dahilan
Yung dating pag-iisa kong puno ng galitAt kung may pader man akong nais itayo ngayon
Yun ay ang pader ng mga pangarap na ating bubuuin
Sasabitan natin ng mga larawan mula sa ating pagsisimula
Hanggang ang buhay nati'y umabot sa pagtatakipsilimSa panyo ng iyong pagyakap biglang natuyo ang dagat ng luha
Nagduda ako kay pag-ibig
Pero ngayon
Sa kaniya na lamang naniniwala.
BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry
RandomSpoken Poetry... Libro na puno ng mga tula tungkol sa PAG-IBIG -Add Me On Facebook- Name:Relex Ogroz H. Alto ______________________ Don't Forget To Follow Me ______________________ (Thankfull Book)