Hi!
Pagtiyagaan mo sanang basahin itoDahil pagkatapos ng hindi ko na mabilang na mga buwanNa ang sarili ko, hanggang ngayon, ay hindi ko matagpuanAy ngayon na lang ako ulit susulat sa iyoNgayon na lang ako susulat sa iyo nang walang halong galit
Sinusulatan kita na walang kagustuhang magpaawa
Pero gusto ko lang sana na malaman mo
Na hanggang ngayon, may mga bubog pa rin ako na hindi mapulot
May mga sulat ka pa rin para sa akin na hindi ko malukut-lukot
Minsan nga tinatanong ko pa rin kung bakit ba hindi tayo ang itinulot
At hanggang ngayon, naaamoy ko pa rin ang buhok mo sa kahit anomang kumotPero ayos lang siguro
Alam kong lilipas din ito
Medyo matagal lang talaga
At halos gabi-gabi sinusulatan pa rin kitaPero mukhang ang sulat lang na ito
Ang may lakas ng loob ako na ipadala
At hindi ba kakaiba
Na hanggang ngayon ay sinasabihan pa rin kita
Ng laman ng pinakamalalim na bahagi ng puso ko?Nababaliw na yata ako.
Sana maging masaya ka
At sana mapuno niya ang iyong puso
Huwag mo sanang titigan ang mga mali niya
At matuto ka rin sana na mapanutoAt baka sobra akong naging bulag
At hindi ko nakita na may kasalanan din ako
Anu't-ano pa man,
Sana... Sana patawarin mo ako.Salamat dahil dumaan ka sa buhay ko
Marami pa rin akong natututunan
At hanggang ngayon pinapalakas pa rin ako
Ng ginawa mong walang kasing-biglang paglisanIlang beses ko nang sinabi sa iyo,
"Pinapatawad na kita."
Pero ngayon lang talaga ito naging totoo
Dahil pinapatawad ko na rin nang lubos
Ang nawawalang sarili ko.Ingat ka palagi.
Salamat sa lahat.
Bye.
BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry
RandomSpoken Poetry... Libro na puno ng mga tula tungkol sa PAG-IBIG -Add Me On Facebook- Name:Relex Ogroz H. Alto ______________________ Don't Forget To Follow Me ______________________ (Thankfull Book)