It's over

163 4 1
                                    

AN~ I'm back readers..

I want to continue about this story sana naman if magustohan niyo mag vote naman kayo, kung hindi mag comment na lang xdd salamat.

RJ

~~~

"Advance happy birthday Jonathan" saka ako ngumiti sa kanya ng pilit.. masakit para sa akin ang ginawa nila, Pareho silang mahalaga sa buhay ko pero ito lang pala ang matatanggap ko mula sa kanila ang masaktan ng lubos.

Kaya mas mabuti pang tama na at itigil ko na ito baka darating din ang araw na makakalimutan ko rin ang pagmamahal ko sa lalaking ito.

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko at humarap sa kanya na nakatayo lang sa harapan ko.

"Masakit mang sabihin Jonathan pero mas masakit ang nakita ng dalawang mata ko, siguro ito na ang huli na magkikita pa tayo, tinatapos ko na ang lahat sa atin.

Mahal kita pero kung mahal mo nga ako hindi mo magagawa sakin yun, at lalong hindi sana sa bestfriend ko. pero wala na akong magawa buo na ang desisyon ko, let's break up"

Pagkasabi ko nun ay umalis na ako sa condo unit niya iniwanan ko na din pati ang duplicate key na binigay niya sakin,

Masakit man para sakin pero kailangan kung gawin ito kesa magmukha pa akong tanga.

mahal na mahal ko siya, pero siya ba mahal nga ba niya ako?

Siguro hindi, dahil ni hindi man lang niya ako pinigilan o di kaya ay magpaliwanag man lamang siya, pero ano? wala siyang ginawa kundi manahimik lang.

~~~

Kinabukasan pumasok ako sa trabaho at nakita ko ang tinoturing kung bff sa mahigit walong taon. ay siyang nagpasakit sakin ng husto at maging ang buhay pag ibig ko ay winasak niya, sa dahilang hindi ko alam kung bakit niya nagagawa sakin ito,  hindi ganito ang pagkakilala ko sa kanya. pero siguro nga may lihim parin siya sakin at matagal na niyang kinikimkim, pero bakit hindi man lang niyang magawang sabihin sakin, maiintindihan ko naman siguro kung ano man yun.

Kung ang gusto niya ay makuha si Jonathan, siguro ibibigay ko rin naman sa kanya ganun siya kahalaga sakin.

kung ano ang kaya kung ibigay ibibigay ko lalo pa at malapit sakin ito. kaya kung magparaya.

Pero sa ginawa niya lalo lang akong napalayo sa kanya.

kung may gusto man siya sa boyfriend ko sana sinabi niya na lang sakin hindi yung umabot pa sa ganito na nasaktan ako ng subra at niluluko nila ng talikuran.

Mas gusto ko ang prangkahan.kung sinabi niya madali naman akong kausap. kaya kung mag sacrifice para sa kaligayahan ng iba, kahit na sakin ay ikalulungkot ko, kaya kung tanggapin makita ko lang na masaya ang mga importanteng tao sa buhay ko ayos na ako. Pero bakit ganun? Ano ba ang naging kasalanan ko sa kanya at pati boyfriend ko? Akala ko hihiramin lang niya, yun pala itatalik din niya. at ano ang susunod? Aagawin na niya sakin?

Ayaw ko ng humantong pa sa ganun kaya pinakawalan ko na ang lalaking mahal ko. ngayon nagagalit ako sa kaibigan ko na itinuring kung kapatid.

Nakita kung tumingin siya sakin at may ngiti sa mga labi niya.

wala na akong pake kung masaya na siya ngayon dahil sa ginagawa niya, hahayaan ko na lang! dun siya masaya eh. pagbigyan kahit na masakit parin sakin kailangan ko lang tanggapin na wala na sila sa buhay ko.

An~ Maiksi lang pasensya na.

vote and comment naman jan.

Thank you!

MY BESTFRIEND BARROW MY BOYFRIEND (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon