Paola pov

151 5 0
                                    

AN~ Maikli lang pov ni paola hehe short story lang kasi ito eh. enjoy!

Tawagin niyo na akong~

slut

whore

bitch

malandi

mang-aagaw

o kung anu-ano pa ang gusto niyong itawag sakin wala akong pake-alam. Matagal na akong nagkikimkim ng malaking pagkaingit sa kanya kaya hindi ko na kinaya. Lagi na lang kasi siya at siya na lang lagi.

siya na maganda

siya na matalino

siya na pinapahalagahan

siya na special

siya na may boyfriend

Ang laki ng ingit ko sa kanya mula noong maging magkaibigan kami nagtitiis ako sa lahat ng papuring natatanggap niya samantalang ako ay hindi napapansin ng dahil sa kanya na lang lagi ang attention. 

Maging ang kaisa-isang lalaking hinahangad ko ay napasakanya at mahal na mahal siya.

Kaya napagdesisyonan kung gumawa ng kwento para lang mapasakin ang lalaking iniibig ko ng mahabang panahon.

Alam ko wala siyang kasalanan dahil hindi naman niya alam ang tungkol sa damdamin ko para sa boyfriend niya. at gusto ko siyang masaktan dahil labis na labis akong nasasaktan sa tuwing sa kanya lagi ang attention.

Sinabi ko sa kanyang nagkaboyfriend ako kahit wala naman talaga. part sa plano ko ang hiramin ang boyfriend niya para mapasakin man lang kahit minsan lang at nagawa ko nga iyon sa magandang pagkakataon dahil nakita niya ito. at masayang masaya ako dahil dun. kahit paano maramdam naman niya kung gano kasakit ang dinaranas ko dahil sa sobrang pagkaingit ko sa kanya.

Isang araw pa lang kami sa batanggas ay umuwi agad si Jonathan,  nakahalata na siyang inaakit ko lang siya. dahil wala naman talagang wedding na mangyayari plano ko lang yun.

Drama ko sa harapan ng best friend ko na kinaiingitan ko ng lubos.

At hindi ako nagkamali naging akin siya.. marupok siya, madaling landiin masarap kasama sa kama. kaya pala sobrang saya sa kanya ni RJ.

Nakatanggap ako ng left & right na sampal galing sa kinaiingitan kung best friend.. excepted ko na yun, pero simpre sinampal ko din siya. patas lang nag enjoy naman akong katalik ang hiniram kung boyfriend niya.

Nang nasa trabaho na kami hindi ko mapigilang hindi ngumiti.

"Magdusa ka, mali ang pinili mong maging kaibigan, isang ingitira na kayang wasakin ang lahat sayo maging ang kaligayahan mo."

natatawang saad ko sa isip ko habang nakangiting tinitingnan ang kinaiingitan kung best friend.

AN~ Oyyyyy!!!!! ang vote  & comment ko don't forget readers ^_^

Thank you...

MY BESTFRIEND BARROW MY BOYFRIEND (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon