Third Encounter

1.6K 8 0
                                    

Pangatlong araw ko na rito sa Sitio Galiw. Pero aliw na aliw akong manirhan pa dito hanggang linggo. Gusto ko ang hangin. Sobrang lamig langhapin dahil sa linis nito. Para kang nasa tabing dagat. At ang paligid na kulay berde. Hindi pa rin maiaalis sa akin ang pagkamangha hanggang ngayon.

"Anong tawag na ulit dito Maliyah?.." pangalawang tanong na ni Biya iyan. Hawak niya ang cellphone kong touch screen.

"Cellphome nga yan. Biya. Ano ba.." kako sa kanya. Iniistorbo ang tulog ko. Imbes limang minuto pa ang hiningi kong palugit na umidlip pa ay parating nauudlot dahil sa kuryosidad niya sa gamit.

"Ahhy.. oo nga pala. Cellpone..e bakit parang may ibon na lumilipad dito. Maliyah.. gusto niya atang mapatay.." napabalikwas agad ako ng sambitin niya ang patay. Baka kung mapano ung cellphone ko. Kailangan ko pa naman ito.

"Wallpaper lang yan. Akin na nga.." hinablot ko agad sa kanya ito. Akma niyang kukunin ulit mabuti na lang at mabilis kong itinago sa likod. "Anong wallpaper?.."

"Kagaya ng nakita mo. Ganun yun.."

"Pala.. e para saan yang cellphone na yan?.."

"Pantawag. Pantext ganun. Sa mga malalayong tao na kailangan mo. Ganun sa amin Biya.."

"Ang husay naman kung ganun. Dito kasi sa amin ay kailangan mo pang tumawid at maglakad ng malayo para lang iparating ang isang mensahe sa tao..."

"Magkaiba talaga ang pamumuhay ng syudad at ng probinsya lalo na ng mga ganitong mga pulo. Biya. Yan ang napag-aaralan namin noon.."

"Ganun ba. Masarap siguro sa inyo no?."

"Minsan oo, pero madalas hindi. Dahil sa gulo, ingay at problemang hindi kaaya aya.."

"Malungkot pala sa inyo. Kaya ba nagpunta ka rito?.."

"Parang ganun na rin.."

"Pahiram mo na sakin yung cellpone mo."

"Saka na lang Biya. Malapit na ito mamatay. May hinihintay pa akong tawag.."
Kung maisip pa nila akong hanapin..

"Mamatay?.. bakit may buhay ba yan?."

"Oo, battery ang bumubuhay dito. Biya.. siguro pag balik ko bibigyan kita ng iyo.."

"Talaga?.." di siya makapaniwala. Natawa ako sa kanya. 31na siya ay hindi pa rin siya nagkakaroon ng cellphone. Pero di na rin ako magtataka kasi malayo nga sila sa kabihasnan.

"Anong gusto mong puntahan natin ngayon?.."

"Pwede sana ay yung may daanan na mabilis at hindi malayo Biya. Yung hita ko naman kasi Biya. Masakit na.." reklamo ko. Yung una kasing dalawa ay sobrang haggard mo muna bago mo marating. Kaya gusto ko muna nang light. Para medyo makatagal kami roon.

"Sige. Doon na lang muna tayo sa Batis dito. Mangisda tayo. Gusto mo?." Bright idea girl.

"Sige ba. Pero may fishing net ka ba?."

"Ano yun?.." kunot na naman ang kanyang noo sa fishing net.

"Panghuli ng isda. Ano ka ba Biya.." nagkamot siya ng ulo.

"Aba. Malay ko sa inyo Maliyah.. kawayan lang ang panghuli ko ng isda dito.."

"Makakahuli ba ang kawayan?."

"Aba syempre.. nagsabing hindi?."

"E hindi ako marunong gumamit nun.."

"E di pag-aralan mo. Madali lang naman e.."

"Basta ba tuturuan mo ako?." Pautos ito na parang patanong. Kaya nalito ata siya. Hindi nakasagot.

"Basta. Bahala na mamaya..."

Sitio Galiw (SGSeries 1)Where stories live. Discover now