Author's Note:
Thank you po for reading and supporting this(my) story.. Thank you!. At masasabi ko pong ito na po ang wakas. Kaya po ako ng nagdagdag ng dalawa pang chapters ay dahil napansin kong wala pa pala syang wakas.. hahaha... sorry. Ngayon ko lang rin napansin. Di nyo naman kasi sinabi. Hahaha.. anyways.. Thank you again and God bless. Don't 4get to share, like and comment na rin.. nagmamakaawa ako. Hahaha jk..My Reminder; Be Still. 💚
Manarka Gimenez 11
Nang tumalikod ako sa kanya ay bigla ko na lamang naramdaman ang pagguho ng mundo ko. Lahat ng pinangarap ko, nawala na. Lahat ng pinlano ko, napawi na. Lahat ng saya ko, nabura na. Hindi ko maipaliwanag ang meron ako ngayon kung wala sya. Tinuruan nya ako kung paano ngumiti, nang walang dahilan.
"Hindi ka ba maliligo??.." tanong ng pamilyar na boses. Dinig ko ang usapan nila kahit nasa ilalim ako ng tubig.
"Maliligo. Ayusin ko lang to." Sagot naman ng isang babae na pawang dayuhan. Salita palang nya. Kakaiba na. Gusto ko sanang tingnan kung sino ang mga taong nag-uusap ngunit di ko magawa dahil sa isda. Perwisyong isda.
Nang ilang segundong lumipas ay may tumampisaw malapit sa pwesto ko. Nakita kong isang maputing babae ito nang nasa ilalim na ng tubig. Eksakto pang nakahuli na ako ng isda kaya umahon na ako. Subalit, ganun na lang ang gulat ko ng masikuhan nya ako sa likuran. Napansin nyang may natamaan sya kaya humingi agad ito ng tawad.
"Sorry. Di ko sinasadya." Anya saka nilingon agad ang babaeng kausap nya marahil kanina. Di ko maaninag ang kanyang mukha pero pamilyar sa akin ang bulto ng babaeng nasa pinakamalalim na bahagi na ng falls.. Mabilis umahon ang maputing babae saka pumunta sa may camera. Inayos ang kanyang mga gamit. Ngunit pasiring nya pa rin akong tinitingnan. Di ko maalis sa kanya ang titig dahil pamilyar sa akin ang ganda nya. Kumaway naman sya bigla. Akala ko ako, kaya napangisi ako, ngunit hindi pala."Biya!. Tara na.." tawag nya dun sa kasama nya. Kaya pala pamilyar yung tinawag nya dahil kakilala ko nga. Kilalang-kilala.
Kaya simula nang araw na yun ay sinundan ko na sila. Binantayan ko rin ang kubo nila. Bigla nalang akong napapangiti tuwing naririnig ang maganda nyang tinig.. Pero ngayon... hindi ko na mabura pa ang ngiti nya sa aking paningin. Ang himig nya sa aking pandinig.
Siguro nga, hindi talaga patas ang mundo. Dahil kahit gustuhin mo man ang isang tao o bagay kung di itinakda na para sayo, hindi talaga.
Marahil ganito na lamang ang dinulot nya sakin dahil ipinakita nyang patas naman ang mundo, pero hindi kailanman ng mga tao.
"Datu. Pinatatawag ka na ng Kamahalan." Yukong himig ni Deyo. Kanina nya pa pala ako tinatawag ngunit masyado akong binabangag ng aking isip. Ng mapaglaro kong isip. Kung anu-anong imahinasyon ang binubuo ko kasama sya. Subalit alam kong hanggang doon nalang yun.
"Kanina pa galit na galit ang iyong Ama, Arka."
"Alam ko. Deyo. Gusto ko lang mag-isip muna bago gawin ang gusto nya.."
"Pero..." putol nya sa akmang sasabihin. Tiningnan ko sya. Mababasa ang pagkalito sa kanyang mukha.
"Pero, ano??.." tanong ko.
Naghihintay ng magandang isasagot nya kahit na alam ko nang hindi ganun yun."Pero... mamamatay ka kung di mo susundin ang utos nya.."
"Pareho lang naman ang kahihinatnan ko kung susundin ko ang kanyang utos.." nanlumo kong sagot sa kanya. Dahil, kahit sino, hindi gugustuhing mapunta sa sitwasyon ko.
"Hindi magiging pareho Arka, kung gagawa ka ng paraan.." sambit nya na nagbigay sakin ng palaisipan.
Anong paraan naman ang gagawin ko?. Wala na akong maisip. Blanko. Inubos NYA LAHAT. INOKUPA NYA NA LAHAT. Binigay ko na halos lahat ng paraan para mapunta sya rito. Pero sadyang, ayaw ng tadhanang gawin ko yun sa kanya dahil may ibang papel sya sa buhay ko. Gayunpaman, hindi ako nagsisising nakilala ko sya, at hayaang maging malaya, muli.
YOU ARE READING
Sitio Galiw (SGSeries 1)
Mystery / ThrillerW A R N I N G! ( Strictly for adults and open minded only!.)