January 31,
Ako nga pala si Alison Villa, 4th year high school na.
Nasa school ako ngayon kasama ang bestfriend kong si Drew. Hapon na at wala pa kaming balak umuwi, okay lang, siya naman kasama ko, tapos wala namang naghihintay sa akin sa bahay, ulila na kasi ako pero sumusuporta naman mga tita ko sa akin.
Mahalaga si Drew sa akin kasi sya ang nag-iisa kong bestfriend. Kapag kasama ko si Drew, palagi akong masaya at pakiramdam ko safe ako. Enjoy na enjoy ko ang view kapag nakikita ko syang ngumingiti. Hindi lang kasi ang mga labi nya ang ngumingiti, pati pa ang mga singkit nyang mga mata.
“Drew? Hindi pa ba tayo uuwi?” tanong ko habang nakatingin sa kanya na nakaharap sa mga naglalaro ng volleyball sa field.
“May sasabihin sana ako Lizz eh.” Humarap sya sa akin.
Nung sabihin nya yun ay para akong kinakabahan na parang may kumikiliti sa sikmura at puso ko. Sa mga titig nya kasi pakiramdam ko, may aaminin sya sa akin. Yung ganun, yung parang magtatapat ng nararamdaman sayo. All this time, pareho lang ba kami ng nararamdaman sa isa't-isa? Parang ang swerte ko naman ata kung ganun.
Para maliwanagan ako, tinanong ko sya.
“Ano naman ang sasabihin mo?Mukha seryoso ka ata ah.” Nakangiti ako habang nagtatanong sa kanya, kasi eh, hindi ko talaga mapigilin ang ngiti ko, nakikiliti na kasi ako sa mga paru-paru na nasa sikmura ko ngayon.
Kinurot nya naman ang makabilang pisngi ko. “Wag ka ngang magpa-cute sa akin!”
Napanguso naman ako sa sinabi nya. Hindi naman ako nagpapa-cute sa kanya. Pero naks naman, mas lalo pang natuwa puso ko sa sinabi nya eh. Nagpapa-cute daw ako, ibig sabihin na cute-an sya sa akin, diba?
“Hindi ako nagpapa-cute no, bakit naman ako magpapa-cute sayo, crush ba kita?” biro ko sa kanya.
OO CRUSH MO AKO.
Napahawak ako sa batok ko nang maisip ko na baka yun ang isasagot ni Drew sa biro ko. Eh kasi naman, pano ko ba itatago ang nararamdaman ko sa kanya kapag mabuko na nya ako? Baka magbago pa ang pagkakaibigan namin eh, baka lalayuan na nya ako, baka wala nang pag-asa na magkalapit kaming dalawa.
Napatahimik sya. Nag-iisip yata ng isasagot sa akin.
”Oo nga naman. Hindi mo naman ako crush. Uh, Lizz, tungkol pala sa salitang crush ang sasabihin ko.”