All About You

3 0 0
                                    

February 14,

                6pm ako susunduin ng bestfriend kong si Drew. Tiningnan ko ang sarili ko sa malaking salamin ko. Suot ko ngayon ay isang long gown na kulay silver. Kumikinang ang mga palamuti nito kaya gaganda ka kapag suot mo ito. Kinulot ko muna ang buhok ko saka ko ito tinali.

                5:30pm pa at tapos na ako. Iniisip ko ang mangyayari mamaya. Habang sinasayaw ni Drew si Tracy ako nakatingin sa kanila at umiiyak. At ngingiti si Drew sa akin bilang pasasalamat dahil sa kunwari suporta ko sa kanya.

                Alam ko, gustong-gusto ni Drew si Tracy, sa mga sinasabi nya kasi. Kesyo maganda, mabait, matalino, tapos hindi daw mahirap mahalin. Alam nyo ano yung mas masakit? Yung sinabi nya yun lahat sa akin na nakaharap sa aking mukha.

                Parang pinamumukha nya lang talaga sa akin na hindi talaga kami pwede dahil ibang babae ang gusto nya at ako hamak na kaibigan lamang nya.

                Mamaya, ako ang magiging lakas ng loob nya. Mamaya, magiging saksi ako sa pagyayakapan nilang dalawa. At lahat ay matutuwa para sa kanilang dalawa habang ako naman, iyak ng iyak.

                Ilang sandali pa ay narinig ko nang may bumusina sa labas. Pinunasan ko muna ang konting luha na pumatak sa mga mata ko bago ko binuksan ang pinto at bumungad sa akin ang napakagwapong nilalang.

                Naka silver tux din sya. Bagay sa suot ko. Buti pa nga suot namin ngayon, bagay, kami bagay sana, hindi nga lang pwede.

                 Napansin kong nagulat ata sya sa akin kasi hindi pa sya gumagalaw eh.

                “Uh.. Drew? Hindi pa ba tayo aalis?”Tanong ko sa kanya. Nagising naman ang diwa nya.

                “You’re stunning.”

                “Thank you. Ikaw din mas naging gwapo ka pa.” sabi ko habang nakangiti sa kanya.

                Napangiti din sya at nag thank you sa akin. Nagpicture muna kami bago kami umalis sa bahay ko.

                Pagdating namin sa hotel ay umupo na agad kami sa seat namin. Kumain at nagkwentuhan kasama ang mga kasama namin sa table.

                Bigla namang lumapit si Gino at nagyayang mag picture sa akin. Pumayag naman ako.

                “Thank you Alison. At ang ganda mo talaga ngayon.”

                “Thank you. Ikaw din, gwapo ka ngayon!”

All About YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon