CHAPTER 1: Meet Krystal Clemente

43 3 0
                                    

Reception

"David so kelan ka bumalik ng pilipinas? hindi ka manlang nag sabi sana sinundo ka na namin" sabi saakin ng bagong kasal na bestfriend ko na si Elyana

"noong sabado pa at ayon nga ung ayaw ko kasi kukulitin mo lang ako buong maghapon" sabi ko sakanya

"hahaha Osya jan ka na muna at samahan ka muna ni Rue" at tumingin ako kay Rue at ayun kain lang ng kain mabilaukan sana tong lalaking to ang takaw ehh

ako nga pala si David Santiago 22 years old just came back from Hong Kong dahil doon ako nag tatrabaho ako kasi nag hahandle ng company namin doon at andito ako ngayon sa recption ng aking bestfriend na si Elyana Christina Elazar - Sanchez

Ung napangasawa niya ngayon ay isang buissness man katulad ko na si James Sanchez while si Ely ay isang Fashion designer natutuwa ako para sa bestfriend dahil magkakapamilya na siya ako kaya kelan??

"Oh My Gosh! Im so sorry kuya kasi naman tong pamangkin ko ang kulit..." napatinggin ako sakanya na bumanga saakin napatinggala ako kasi medyo matanggad siya at nakaupo ako

"ah.. hindi ayos lang" sagot ko naman sakanya pero ang ganda niya ang pula pa ng mga labi niya tapos ung ngiti niya parang... aish! anu ba to! namamanyak na ata ako

nginitian niya lang ako bilang sagot at umalis na siya habang hawak hawak sa kamay ung pamangkin niya na lalaki

"David!" tinignan ko ng masama si Rue na tinawag ako paano ba naman ang lakas ng boses sa tengga ko pa sumigaw

"anu?!?"

"ehh kasi naman Tol kaina pa kita tinatawag at kung makatitig ka naman kay Krys matutunaw na yun!" sabi niya na kain parin ng kain di ko nga alam paano ko naintindihan ehh puno puno pa ung bibig nag sasalita parin

"kilala mo siya??"

"oo! naman siya ung--" sasagot na sana si Rue kasi biglang may humawak sa may balikat ko na, napatinggin ako sa may gawa nun

"Jasmine!" napatayo ako at niyakap ko siya

"sabi ko sayo Jacob si David to kelan pa ako nag kamali?" sabi niya sa lalaking nasa likod niya sabay kindat doon kay Jacob

"oo na oo na!" sabi ni Jacob na tinaas ang dalawang kamay na parang nag susurrender kay Jas napatinggin naman silang dalawa sa likod ko

"hoy!" *paaak* ayun binatukan ni Jas si Rue "bat di mo sinasagot ung tawag namin nila Jacob! hinihintay ka namin kanina para may back up kami! pero di ka dumaring kumakain ka lang pala dito! buti nalang dumating si Saffron!" sabi ni Jas kay Rue,  si Rue pala kapatid siya ni Jacob mas nakakatandang kapatid pero mas matanda siya kela Jas at Jacob pero parang isip bata pero grabe dumiskarte sa babae hahahah hayop!

"David ma men!" sabi ni Jacob habang nakipag kamayan saakin na parang ayaw niyang makisali kela Jas 

"Pero bro kelan ka pa bumalik?" sabi niya saakin at umakbay kay Jas na kakabalik lang saamin

"noong sabado lang bro, pero anu kayo na ba ni Jas? di pa naman kayo graduate ng college ahh?? natapos niya na ung laro-laro niyo?? hahahaha..." sabi ko na nangaasar sakanila itong dalawang to ayaw pa kasing tigilan ung mga laro laro nila

(a/n: gagawa po ako ng kwento nila pero pinagiisipan ko pa ung title noong story sana abangan niyo ;) kung gusto niyong malaman kung anung klaseng laro yun)

"anu ka ba David! binigyan na nga lang kami ng mga magulang namin hanggang college kaya sinu sulit na namin" sabi ni Jasmine na parang walang epekto sakanya ung mga sinabi ko haaay... kawawa tong si Jacob kahit playboy hindi marunong pumorma dito kay Jas ang malala pa MANHID pa si Jas tsk tsk kawawang lalaki...

"ahh.. O-oo nga Bro! hahahaha.." sabi ni Jacob habang hinahawakan ung batok niya hahaha bahala na nga sila malaki na sila

"hahaha bahala na nga kayo sa buhay niyo oo nga pla asan ung mga kapatid niyo?" sabi ko sakanila para maiba ung usapan at hindi ma-akwardan na rin si Jacob

"ung mga kapatid ko? si Ate Dahlia nasa opisina niya mamaya na daw siya susunod si Kuya Laurel naman ewan ko dun ang aga umalis sa bahay kanina si Gentia kasama ni Daphne nag sho-shopping pa ata ung mga yun" sabi ni Jacob ganun parin si Ate Daphne work a holic si Laurel naman siguro nag seseryoso na yun pero Gentia?? may kapatid ba siya Gentia?? kilala ko lang si Daphne pero Gentia??

"Bro sinung Gentia? may inampon ba sila Tita Clarissa at Tito Mike?" sabi ko naman na napakamot ako ng ulo ko

"Ahh hahaha hindi mo pala alam anu..." sabi niya na napatinggin kay Jas anu naman to??

"anu kasi david si Aster siya si Gentia..." sabi naman ni Jas saakin huh?? si Aster si Gentia??

"nag palit ng panggalan si Aster?? pero bakit??" bat kaya nag palit ng panggalan ung lalaking un?

"anu ka ba david! bakla si Aster diba?" sabi ni Jas

"oo nga bakla nga siya alam ko pero bat naman naging Gentia?? ang layo sa Aster" diba tama naman ako? bat Gentia eh ang layo

"kasi gusto ni Tita Clarissa at Tito Mike na ganun ehh pinyagan siya mag lantad basta andun parin ung name niya na Aster pero pinapalit nila nilagyan lang ng Gentia" ahhh so ganun pala yun buti naman at nag lantad na yun di katulad dati pag naalala ko natatawa talaga ako

"ahhh...ok" sa kahaba haba ng sinabi ni Jas saakin 'ahhh ok' lang ang sagot ko eh kasi naman kayo kung nasa pwesto niyo ko anung isasagot niyo

"pero saglit lang david ehh paano mo nalaman na bading ung kapatid ko??" sabi saakin ni Jacob na halatang takang taka siya

"Bro ikaw lang naman ang hindi nakakaalam saaming lahat pati nga si Ely alam ehh" sabi ko kay Jacob habang pina-pat ung braso niya

kami nila Ely at mga kapatid nila mag chi-childhood friend kami kaso hindi na kami nag kikita kita simula noong pumunta ako ng Hong Kong noong nag 18 ako

"ako lang pala..." sabi ni Jacob na ikinatawa namin ni Jas

biglang may humila saakin na ikinagulat ko

"Guys peram muna ako kay David ahh?? babalik ko rin siya KUNG maka balik hahahahhaha" nababaliw na talava tong bestfriend ko simula noong naging sila ni

James o baka since birth hindi ko lang napansin hahaha de joke lang

at biglang huminto kami dito sa may fountain unti lang ang tao dito halos lahat kasi nasa may loob

"David meet Krystal pinsan ko" sabi ni Ely

na biglang humarap saakin ung Krystal at nag slow motion ang lahat at siyempre joke lang yun anu yun love at first sight tsk di ako naniniwala doon love at first sight kalokohan!

"Oh Hi! I'm Krystal Clemente, Krys nalang for short" sabi niya at nilahad ung kamay niya parang nakita ko na siya I can't put my finger on it thoughh...

nakipag kamay na rin ako "David Santiago" sabi ko pero parang nakita ko na siya ehh

"Oo nakita mo na ako,ako ung bumungo sayo kanina nung dahil sa pamangkin ko sorry ule ahh.." sabi niya na nakangiti parin,  oo nga siya nga yun ung pinag nasaan ko

"ahh.. oo ikaw nga hahaha..." sabi ko na parang akward kasi nababasa niya ung iniisip ko??

"hindi ko nababasa kung anung iniisip mo kasi hindi naman nababasa ang isip aahahaha" sabi niya na ang tamis ng ngiti niya

"hahaha ganun ba? sorry ahh kasi medyo naakward ako I don't even know why..." sabi ko na ngumiti na rin sakanya

"ahh sige alis na ako dito NAKAKAHIYA naman kasi ehh nasa gitna niyo pa ako pero parang invisible ako dito hiyang hiya ang beauty ko nohh..." sabi niya habang pumasok na sa loob na ikinatawa lang namin ni Krys

noong umalis na si Ely napatinggin ako sakanya na nakatinggin parin sa lumalakad na Ely maganda siya sexy maamo ang mukha mapula ang mga labi

biglang tumibok ung puso ko na parang kakaiba di ko alam ung feeling na to pero alam ko hindi ito ang unang beses naging ganito ung puso ko

pero...siya na kaya? siya na kaya ung gagamitin ko? I just need 3 signs to prove me right 3 signs...

Are you ready for love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon