Chapter III

12 0 0
                                    

August 14, 2014

Bondate with Dara and Rico

10am @ Angels Park

"Muntik ko na makalimutan!!!"

Nagmamadali akong bumangon at nag ayos ng sarili dahil anong oras na? Hindi ako pwede magbagal. Hayyy.

Pagdating ko sa park ay nakita ko na agad sina Dara at Rico at......si Dave?? Bakit siya nandito? Ano na naman kaya binabalak nito.

"Oh ayan na pala si Aya." sabi ni Rico.

"Hi guys. Sorry late na naman ako ha."

"Ok lang yan Aya medyo kararating lang din naman namin ni Dave eh."

"Eh bakit mo nga pala kasama si Dave?"

"Ahhh. Nagrequest kasi ai Dave na isama ko siya at kumbinsihin ka daw namin na magpractice na kayo para sa contest. Ok lang ba Aya?"

"Eh matagal pa naman yun? Marami pa naman araw. At saka di naman kami magkasundo."

"Sige na Aya, pagbigyan mo na tong si Dave. Kung di talaga kayo magclick eh di wag na kayo sumali diba? And I'm just a call away if you need me."

Gusto ko naman talaga magpractice kung si Rico ang partner ko. Pero bondate namin eh. Ayoko mamis to.

"Pano yung bondate naten?"

"Don't worry exempted kana. Naiintindihan din naman yun ni Rico eh. Diba Rico?"

"Oo naman. Pabor pa nga saken yun kasi maso-solo ko si Dara. Joke!"

Ayoko sana pumayag kaso naalala ko baka maging O.A na naman tong si Dave at gumawa ng kung anu ano.

"Sige na. Sasama nako kay Dave."

"Ingat kayo Aya. Galingan mo ha, seryoso pa naman yan si Dave."

Naglakad na kami ni Dave papuntang terminal ng mga fx.

"Bakit ba palagi ka na lang panira ng araw Dave!"

"Wala naman ako ginagawa ha? Gusto ko lang na makapag practice tayo."

"Madami pa namang araw diba? Bakit ngayon pa?"

"Free kasi ako today kaya naisip ko lang."

"Eh di sana nagpractice ka mag isa kung free ka pala ngayon."

Pagkababa namin ng fx ay nag

lakad pa kami ng napakalayo. Mga limang kanto pa ang nilagpasan namin mula sa highway. Haggardo lang ang labas ko.

"Nandito na tayo Aya."

Napanganga ako sa laki ng bahay nila. Yung mga bahay na nakikita ko lang sa mga palabas.

"Bahay niyo, Dave?"

"Malamang. Ano ba sa tingin mo?"

"Eh diba sa New Zealand kayo nakatira?"

"Binili yan ni Dad pagkauwi namin dito. Pero hindi pa sya tapos marenovate."

"Ok. May kuryente naman?"

"Actually Aya.. Wala pa eh. Pero di naman tayo magpapagabi kaya wag ka mag alala."

Pagpasok nami ng bahay ay hindi pa nga talaga maayos. Konti pa lang mga gamit at mukhang haunted house. Sa labas lang pala maganda tingnan yung bahay.

"Wala na bang iba na pwede pagpractisan Dave?"

"Nandito na tayo nag iinarte ka pa!"

"Pano naman tayo magpa-practice kung walang kuryente?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 22, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mr. Know It All [Ongoing series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon