Three

0 0 0
                                    

"Grabe kayong dalawa. Magki-kiss pa talaga kayo sa harap ko kanina!" Saad ni Pha sabay tawa.


"Hindi kami mag-ki-kiss! Siya nga yung manghahalik eh!" Sabay turo niya kay Yugo.


"Anong ako? Ikaw 'yun! Hinamon mo 'ko."

"Syempre, biro ko lang 'yun! Sa tingin mo ba papayagan kitang halikan ako?" Umirap si Rika.

"Kung nahalikan kita kanina, hindi rin naman 'yun first kiss!" Giit ni Yugo. Nanlaki naman ang mga mata ni Rika at namula. Namula rin si Yugo at umiwas ng tingin.



"Huh? Sinong first kiss niyo?"



"Siya!" Si Rika/Yugo.





"Waaa! Nagkiss na pala kayo? 'Di ba bestfriends tayong tatlo? Ba't di ko alam 'yan? Ayiii!"




"Siya yung nanghahalik!"



"Anong ako? Ikaw yun!" Giit ni Yugo.



"Humahalik ka kaya pabalik!" Saad ni Rika.




"Eh hinalikan mo kasi ako eh!"



"Ikaw nga yung nanghalik eh!Nagulat pa nga ako nun.."



"Nagulat ka pa pala nun?" Saad ni Yugo na parang hindi naniniwala.

"WAAAA!" Tinakpan ni Pha ang bunganga niya.






" N-nangyayari lang naman 'yun tuwing may topak kami."


"Tuwing hindi lang kami nag-aaway! " dagdag ni Yugo.


"Waa? Kailan kayo hindi nag-away?"



"Basta! Saka, smack lang naman 'yun!" Ani Rika. "Wag na nga nating pag usapan 'yun!" Umirap si Rika kay Yugo. Umirap din si Yugo.


"Kain nalang tayo!" Sigaw ni Pha. "Wala pa sila Mama..baka mamaya pa 'yun. Sabayan niyo nalang akong kumain!"




"SURE WHY NOT?" Si Rika/ Yugo.





***




"Sige kain na kayo! "


"Kumain ka na diyan, Yugo! Nahiya ka pa eh!" Si Rika.




"Hindi ako nahihiya!"



"Oo nga pala, hindi uso sa'yo yung salitang 'hiya'.." pagpaparinig ni Rika.



"Kumain ka na lang diyan!"



"Ikaw yung kumain diya-!" Bigla siyang sinubuan ni Yugo ng tinapay.

"Enjoy." He smirked.

Hinampas siya ni Rika. "Anshama mo!"


Uminom ito ng tubig.



Tahimik silang kumain.Walang imikan. Talagang kain lang na parang hangin lang ang turing nila sa isa't isa. Magbe-bestfriends 'yan ah?


Tinusok ni Rika ng tinidor yung natitirang tocino. Tinusok din ito ni Yugo ng tinidor.


"Nauna ako dito."


"Wala akong pake." Saad ni Yugo sabay hila.



"May ulam ka pa oh!" Giit ni Rika sabay turo sa plato ni Yugo at hila sa tocino.


"Hindi pa ako nakakain ng tocino.Unang beses ko pa lang 'to!"




"Pakealam ko. Hindi naman 'to bago sa panlasa mo."


ParadoxWhere stories live. Discover now