"Tama n-na! Ashhh..." kinagat ni Rika ang labi niya at pumikit. "Sisipain na talaga kita!"
"Sige, didiinan ko 'to."
"Kanina mo pa nga dinidiinan!" Sigaw niya. "Pha, ikaw nalang maggamot sa 'kin dito please...wag na 'tong lalaking 'to."
"Nagma-magandang loob na nga ako dito." Ngumuso si Yugo.
"Nagpapakitang tao ka lang."
"Hm!"
"Aray! Tama na!" Lumayo si Rika kay Yugo.
"Lumapit ka dito!"
"Tama na! Ang liliit lang naman ng mga sugat ko, kung makagamot ka, parang sobrang laki naman!"
"Para mas sigurado."
"Pati ba naman sa paggagamot, nag aaway pa rin kayo?" Saad ni Pha.
"Ang kulit kasi niya. Ginagamot ko na nga siya."
"Sinabi ko bang gamutin mo 'ko?" Tinaasan niya ng kilay si Rika.
"Kailangan pa bang sabihin na gamutin ka eh halata namang kailangan mong magamot?" Iritadong saad ni Yugo.
"La la la la la la la! La la la la la la la! Wa la la la la la akong na ri ri ri ri ri ri nig!" Pakantang saad ni Rika habang nakatakip pa sa dalawang tenga.
"Argghhhh!" Malakas na sigaw ni Yugo sa mukha ni Rika.
"Aray! Bakit ka naninigaw?"
He smirked. "Akala ko ba wala kang naririnig?"
"Ano? Anong sabi mo? Hindi ko marinig." Kunwaring hindi marinig ni Rika.
"RIKA!" Sigaw niya muli.
"Waaa! Ang sakit sa eardrums!"
"Hayy...halatang halata na nakaririnig ka.Tss " tumawa ito.
"Uwi na nga ako, Pha. Thank you!" Tumayo ito. "A-aw..hehe." dahan dahan itong naglakad patungo kay Pha at yumakap. "Thanks!"
"No problem. Basta kayo!" Saad ni Pha at ngumiti.
"Ihahatid na kita, Rika."
"Bakit? Saan ako sasakay? Sa likod mo?" Sarkistong saad ni Rika.
"Kung 'yan ang gusto mo."
"Hah!" Umirap si Rika.
"Tara na!" Hinila niya si Rika pero kumalas naman ito.
"Ayoko nga!"
"Huwag ka nang pabebe, Rika!" Natatawang saad ni Pha.
"Natutuwa ka pa talaga sa nangyayari!" Saad ni Rika.
"Haha! Ang cute niyo kasi Tignan."
"Niyo? Ako lang yung cute hindi 'yung isa diyan."
"Anong sabi mo?" Tanong ni Yugo.
"I already said it once. I don't want to make it twice."
Biglang binuhat ni Yugo si Rika na parang pang-kasal. "Waaa!"
"Alis na kami, Pha! Thank you pala!"
"Sige, bye! Ingat!"
Mabilis na tumakbo si Yugo bago pa makapalag si Rika.
***
YOU ARE READING
Paradox
RandomThey always argue like a cat & Dog. Parang may kung anong bagay sa gitna nila na nagiging dahilan ng pag aaway nila. They always disputing each other using their sharp-tongues. Mag bestfriends sila pero madalas enemies. KAYA....paano nangyari 'yon?