Chapter 1: Tickets
Alliana's POV
Ano nanaman ba'ng kaingayan to at sigaw ng sigaw yung mga student sa labas?
"Oi, tara tignan natin!" Sabi ni Kaitlyn samin.
"Tara tara!" Sagot naman ni Juliana. Ang tsitsismosa talaga ng mga to. Kala mo ako hindi eh noh?
Dali dali naman sila'ng lumabas kaya sumunod agad ako. Laging nang-iiwan. Paglabas namin ay bumungad samin ang mga nagkukumpulan na estudyante sa isang booth?
"Tss... booth lang pala eh." Sabi ko sabay irap sa hangin. Kala ko naman kasi kung ano. Tss.
"Uy! May booths pala tayo ngayon?" Curious na tanong ni juliana.
"Kaya nga eh. Wala naman ako'ng nabalitaan and wala naman sinasabi si Ms. satin diba?" Sagot ni Kaitlyn.
"Oo nga eh." Ani Juliana.
"Tara check natin, baka kung ano!" Ecxited na sabi ni Kaitlyn sabay hinila kami papunta dun. Eto namang si Juliana gusto'ng gusto rin. Tss...
Kaitlyn's POV
Ano kaya'ng meron dun sa booth na yun? Na cu-curious ako eh! Tsaka may maganda ako'ng feeling! Lumapit na kami sa booth at nakipag-siksikan sa kanila hanggang sa nakalapit na kami sa harap. OH.MY.GOD. Nilingon ko agad si Alliana at nagpa-iwan siya dun sa likod kasi ayaw niya daw makipag-siksikan. Kaso hindi ko siya makita eh kaya si Juliana nalang kinausap ko.
"JULIANA! BILIS KUMUHA KA AGAD!" Sigaw ko sakanya. Agad agad naman niyang kinausap yung namimigay para mabigyan siya. Namimigay kasi sila ng tickets! Sa BTS!! Kinausap ko na rin yung namimigay kung pwede ba ako'ng bigyan.
"Excuse me! Excuse me po Ms!" Kaso nga lang hindi ako marinig nung namimigay sa sobrang dami ng estudyante dito na nakikipag sabayan ng sigaw. Kaya naman, may naisip ako. *Lightbulb*
Hinampas ko yung lamesa ng sobra'ng tagal at sinigawan yung namimigay. "EX. CUSE. ME. PO." Lahat naman sila ay natigilan at yung iba ay sinamaan ako ng tingin. Psh! Wala ako'ng pake sainyo!
"Pwede po ba ako'ng makakuha ng ticket, dalawa?" Pabebe na sinabihan ko yung namimigay at agad naman ako'ng binigyan kaso isa lang. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Sorry ate, isa isa lang kada tao eh." Pilit na ngumiti ito saakin. Binalikan ko rin naman siya ng nakakainis na ngiti at umalis na dun. Ang init dun ah!
Juliana's POV
Nakakuha na ako ng ticket at umalis na rin dun. Ang init nga! Pinunasan ko yung mukha ko ng panyo at na kita ko rin si Kaitlyn na nagpupunas ng pawis kasama si Alliana na nagagalit? Napatawa ako ng konti at lumapit sa kanila.
"Bat' di ka kasi sumali saamin? Edi sana nakakuha ka ng ticket diba? Sinisisi mo pa kami eh kasalanan mo rin naman yan." Sabi ni Kaitlyn kay Alliana at napairap. Napatawa ulit ako ng konti. Sarap talaga panoorin ng mga bata'ng to. Hahaha.
"Aba! E-eh... kasi naman ang dami'ng nakikipag siksikan eh! Tsaka malay ko ba na ticket yung nandyadyan?!" Sagot naman ni Alliana. Humahalaklak ako ng malakas na ikinatingin nila.
"Ano'ng tinatawa tawa mo gyan?!" Sabay na sigaw nila. Mas lalo pa tuloy ako'ng napatawa.
"A-ang sarap niyo kasi'ng.... HAHAHA! P-panoorin e-eh... HAHA! Yung mga mukha niyo!" Sabi ko habang tumatawa na nakahawak na sa tyan ko sa sobra'ng tawa. Binatukan na nanaman tuloy ako ni Kaitlyn.
BINABASA MO ANG
Our Idols Fall Inlove With Us
FanficA Group of Bestfriends meet they're Idols, But little did they know their relationship with them would not be as expected.. Stay Tuned On "Our Idols Fall In Love With Us" ~Author~nims~ @JMArtemis_195 @KristelFire...