Part 1

18 0 0
                                    


GLAYE's P.O.V


"Who's your crush?"

"Syempre ikaw." answer by Jaq.
"Liars, not allowed!" 


.   Sabay-sabay nilang binatukan si Jaq, sabay tawa. Mga kalokohan nga naman nila, 'di na maawat. Well, we're playing spin-the-bottle, na punong-puno lang naman ng talk shits. Kaya tahimik nalang akong pinapanood sila. Kahit talk shit sila ngayon, bukas Mahal ko parin yang mga loko kong Barkada.

"Sagot na kasi." reklamo ni Toper, na kaninang nagtatanong.
"Ehhh, iba nalang 'tanong mo." reklamo ni Jaq.

"Sige, sino nalang yung babaeng kasama mo kanina?" nakangiting tanong nya.

"Ahy, wala! Ang rule, dapat english yung tanong eh." reklamo ulit nito.

"Luh? Ang haba nun, mahirap mag-English." napakamot sa ulo si Toper.

"Wala, iba nalang. Baguhin mo ulit tanong mo." sabi ni Jaq. Natawa nalang kami.
"Sige, last na 'to. What's the name of your girlfriend?" nakangiti na naman si Toper.
"Paano kapag walang girlfriend?" agad na tanong ni Jaq.

"Tss, ayaw o umiiwas?" bigla kong sinabi.
"Oo nga. Umiiwas lang yan si Jaq." sabi ni Wief.
"Hindi ahhh." sabi ni Jaq.

.   Pinagbabatukan ulit sya ng Barkada. Halata naman sakanyang wala syang balak magseryoso sa tanong dahil ayaw nyang ipa-alam ang sagot eh. Alam kong uso ang talk shitan sa mundo, pero kaya nga spin the bottle nilaro namin eh, para maglaro hindi para magtago.

"Nako, bespren. Nakita namin yung babaeng kasama mo kanina." sabi ni Toper.

"May pag-akbay pa nga eh." sabi pa ni Ace.
"'Tong, mga 'to talaga. 'Lilinaw ng mga mata." sabi ni Jaq.

"Ba't, mo ba kinakahiya yung girlfriend mo?" insultong tanong ni Toper.

"Wala akong girlfriend mga Par." hindi makatingin sa'min si Jaq, habang nagsasalita.

.   Tss, kilala ko talaga yung babaeng tinutukoy nila, medyo mataba nga sya eh. Pero hindi yun ang dahilan kung bakit ayaw nyang sabihin saamin na yun ang girlfriend nya. Nililigawan nya palang naman talaga yung babae, kaya hindi pa nya pinapakilala sa Barkada. Tsaka, siguro gusto lang talaga ni Jaq, nang privacy may sarili naman syang diskarte sa panliligaw.

"Par, 'wag mo ikakahiya ang mga babae, lalo na kung Mahal mo." sabi naman bigla ni Wief.

"Magdidilim na tigilan na natin 'to." sabi naman ni Ace.
"Teka, an'daya hindi ko pa natatanong si Glaye." awat ni Toper.

"Oo nga, minsan lang mapatapat yung bote sakanya." sabi rin ni Jaq.
"Hayst, mga Engot, uwi na tayo." sabi nalang ni Wief.

"Puro kasi kayo kalokohan eh." sabi ni Ace. Tumawa nalang yung dalawang engot.

.   Kahit hindi nila ako nakitang nakangiti, masaya parin talaga ako na naglaro ulit kami dito sa tabi ng dagat. Ang ganda nga ng sunset kanina eh. Nakaka-adik titigan, lalo na kapag kasama mo ang mga totoo mong kaibigan. 


"Sinong man'lilibre bukas?" tanong ni Toper. 

"Syempre ikaw na. Ikaw nagtanong eh." pang-aasar ni Jaq.
"Baboy ka talaga." sabi ni Toper at tumawa.

"Ikaw bakla." ganti na ni Jaq. Kanina pa 'to suki ni Toper eh.
"Supot ka lang eh." nainis na ganti ni Toper.

"Mga Engot, manahimik nga kayo." saway ni Wief.

"Sorry na po." mahinang sagot ni Jaq.


.   Nanahimik naman agad yung dalawa. Ganito kami lagi, pag natapos na kami, uuwi na agad kami ng sabay-sabay. Pero syempre may rule kami as a group of friends. Naghahatiran kami sa kanya-kanyang bahay. Simula sa kung saan pinakamalapit, hanggang sa pinakamalayo. 

UNDER THE SUNSETWhere stories live. Discover now