Part 2

6 0 0
                                    

GLAYE's P.O.V

.     Wala na naman akong magawa ngayong umaga. Gising na 'ko, pero ayaw pang bumangon ng katawan ko sa higaan. Ba't pa babangon wala namang may paki sa'kin dito sa bahay? Para saan pa ba? Wala din namang makakapansin sa'kin.

.   Ganito lang lagi buhay ko sa araw-araw. Gigising ako ng alas-otsyo ng umaga, lalabas ng kwarto kapag tanghaling tapat na. Kakain, liligo sandali, at lalarga na papuntang basketball court, para makita ang Barkada. Paulit-ulit lang naman ginagawa ko sa buhay ko. Pero hindi ko masasabing boring 'to, dahil pag kasama ko mga kaibigan ko nababago ko yung buhay na meron ko.

.   Pero ngayon, ayoko muna tumunganga dito. May kelangan pa 'kong puntahan eh. It's already 10:00 A.M at para sa'kin maaga akong kikilos palabas sa mundo ko, este sa kwarto ko ngayon.

.    Inihagis ko yung kumot ko, paalis sa katawan ko, atsaka ako tumayo at lumabas ng kwarto, pumunta ako sa kusina namin at naghagilap ng pagkain. Eto, talaga ang pinakagusto ko sa lahat, ang makakita ng pagkain, heaven na 'to sa feeling.

.   I have cereals and fruits here, it's enough for my breakfast, samahan pa ng paborito kong fresh milk. Pumunta ako sa lamesa at may nakitang ibang pagkain, which is mga ulam. Gawain ko talaga ang mag-papak ng ulam, but now tinamad ako nung nakita kong karne ng baboy yung nandoon. All kinds of meat kinakain ko naman, except pork.

"Oh, Kisha?" my elder sister called me."Your look surprised?" I said and I continued eating."Hindi ka puyat Kisha?" she asked."Huh? Why did you ask?" "Because you're so early. Ngayon lang ulit ata kita nakitang nag-breakfast." she said energetically."So, you believed, miracles happen?" "Kisha Glaye Anderson, make this miracle." sabi nya habang nakangiti. Tss, obviously she's trying to make me happy."Don't call me Kisha. I am Glaye Anderson." "Excuse me, I am Anchell Clarissa Anderson, your sister and you are my little Kisha." she said. "Well, I'm no longer yours." I said bitterly. I have no time for this.

.   Binilisan ko na yung pagkain ko, then I stood up. But she grabbed my arms, then I looked at her. I have no time for this and also for her. I don't need her efforts for making my day happy.

"What's your problem?" I said to her, I look straightly on her eyes."You don't remember this day?" she asked me and she look serious now. I try to remember the thing that I should remember for this day but nothing appeared in my mind."What's that?" I asked coldly."You forgot our tenth anniversary of friendship?"

.   Suddenly I felt guilty for what I did to her at this time. Wala pa kaming isang oras na magkasama pero nasaktan ko na sya sa mga sinasabi at kinilos ko, at mas lalo ko pa syang nasaktan ngayon, kasi nakalimutan ko ang meron sa araw na 'to.

"I woke up early, because I'm too busy." I said coldly."Okay?" I know she's waiting to the next thing that I will say."I need to go with my colleague now." my voice was still cold."Sorry . . ." then she let me go.

.   Pumasok agad ako sa kwarto. Pagkasara ko ng pinto, huminga ako ng malalim. Tapos na . . . tapos na ang pagpapanggap ko sa harap nya. Ayokong magpakita sakanya ng kahit na anong emosyon, pero ang tanga ko dahil sa araw na 'to ko pa pinakita sakanya yung coldness ko.

.   Mas, lalo tuloy akong nainis sa sarili ko. Ayoko ng kahit sinong nagbibigay ng effort sa'kin, dahil hindi ko lang ma-appreciate. Kaya binabaliwala ko nalang yung mga nagpapahalaga sa'kin, pero ba't sa dami-dami ng araw na pwede ko sya masaktan, ngayon ko pa nakalimutan ang araw na 'to? Nakakakonsensya.

.   Pero, wala na. Nagawa ko na ang katangahan kong 'to. Wala na akong magagawa, tapos na. Pumunta nalang ako sa bathroom then I showered. Nagmadali nalang ako.
.   Pagkatapos ko mag-shower, sinuot ko na yung black t-shirt ko pati yung red short ko, at nag-rubber shoes na rin. Nagmadali na ako, para maka-alis agad sa bahay. I took my skateboard and I exit my bed room.
"Where you going?" agad na tanong sa'kin ni Mama, nung nagkasalubong kami."Tambayan namin." I reply shortly."Agad? Maaga pa.""Ma, let her go. She washed dishes." biglang sabi ni ate Anchell. Napatitig naman sa'kin si Mama."Really? Well, that's the first time. Clean our living room first, before you go out." sabi saakin ni Mama. Pinigilan kong mapakamot sa batok ko. Bwiset naman oh -_-."Yah, she's done. Kahapon nya ginawa, diba Kisha?" nginitian nya ako, yung ngiting sakyan ko daw yung sinasabi nya."Tss, bakit pa 'ko uli maglilinis ng bahay, eh 'di na madumi?" sabi ko, atsaka umalis agad sa harap nila.
.   Buti nakalusot ako doon. Syet hiyang-hiya na 'ko sa ate ko. Bakit ko ba kasi sya sinusungitan, eh hindi naman kami magkaaway? Tsaka, hindi ko naman talaga hinugasan ang pinggan na pinagkainan ko, tsaka tamad ako maglinis ng bahay, pinagtanggol pa nya ako kay Mama. Naiinis na talaga ako sa sarili ko ngayon. Glaye, umayos ka nga.
.   Binaba ko na yung skateboard ko at nagsimula ko ng paandarin 'to ng mabilis, dahil gustong-gusto ko na talaga umalis sa bahay.
.   Mabilis naman akong nakarating sa tapat ng basketball court. Bigla muna ako napahinto, dahil sinilip ko muna kung may tao ba o nasa loob yung mga 'yon. Pagkapreno ko, may nakita akong apat na lalaki, pero hindi ko sila kilala.
"Uy, pare chix." narinig kong bulong ng isa, dahilan para mapatingin silang apat sa'ken.
.   Wala akong panahon para mag-aksay ng oras, kaya tiningnan ko lang sila ng sandali, yung tingin na halatang hindi ako basta-bastang tao. Sabay balik tingin sa court, tsaka na ako nag-skateboard ulit, at pumasok sa loob ng court.
"Mga Engot, talo na naman kayo sa'men." narinig kong sabi ni Wief, sa dalawa, habang magkakatabi silang naka-upo, at naglalaro ng cellphone."Tss, who wants to play with me?" sabi ko sabay angat ng skateboard ko at pinatong sa balikat ko.
.   Napatingin sila sa'kin, at pagkakita nila dahan-dahan nilang napababa yung mga cellphone nila, except for kuya Ace, na malupit.

" 'Tay, tayo dyan, mga pre." sabi ni Toper."Syempre, 'yan pa. Three-ten ako dyan." sabi naman ni Jaq."Ano, sino gustong tumalo sa'kin?" tanong ko, sabay ngisi."Ahhh, syempre wala-walaaa." sabi ni Toper.
.   Dahan-dahan akong naglakad papalapit sakanila. Tsaka ako umupo sa tabi nila, umusog naman sila ng konte to give me space. Pinatong ko lang yung isa kong paa sa upuan, at inilagay ko ang siko ko sa tuhod. Ibinaba ko yung skateboard at tinitigan yung dal'wang engot.

"Glaye." pero tinawag ako ni Ace. Bigla akong napatingin sakanya, at nakatingin sya sa'kin ng seryoso."Oh?" maikli kong tanong."Bakit, ang bilis mo ata magpaandar ng skateboard ngayon?" tanong nya."Sabik umalis sa bahay." sabi ko, habang nakatingin sakanya ng mata sa mata."Aga mo nga yata ngayon?" bigla naman akong inakbayan ni Wief, napaupo tuloy ako sa tabi nya, nabasag ang tinginan namin ni Ace."Tss, pang ilan ka na sa nakapansin?" sabi ko. Yumuko muna ako."Change is coming?" sabi ni Toper."Hoy, Bakla tigilan mo na kaka-English mo, tapos na tayo dyan kahapon." pasimula ni Jaq."Pake mo, change is coming nga diba? Mag-aaral na ako ng English simula ngayon." pasigaw na sabi ni Toper."Mga Engot, kakarating nga lang ni Glaye, ang iingay nyo pa." saway ni Wief."H'yaan nyo na, sanay na ako." sabi ko.
.   Napatingin muna ako sa malayo at hindi ko namalayang bigla na pala akong natulala ng panandalian. Nakatingin lang ako sa court, parang gusto kong maglaro nalang ng basketball maghapon kahit hanggang sa mapagod. Okaya mag-skateboard hanggang sa hingalin ako at magsawa sa ginagawa ko.

UNDER THE SUNSETWhere stories live. Discover now