Pop 4

13 0 0
                                    

Ngayon ang araw ng uwi namin ng manila at kasama pa din namin si ken.

"Ingat kayo ah" sabi ni kath

"Naka alis na yung track na mag deliver ng mga bulaklak sa inyo" si devon.

"Sige alis na kam" paalam ko.

"Kayo ah, next month kayo naman luluwas ng maynila" sabi ni liza

"Oo medyo busy lang kasi kami ngayon" si devon

Pagtapos mag paalaman sumakay na kami sa sasakyan nag prisinta si ken na sya na ang maghatid sa akin.

"Mukhang masaya ka ah, sino ba katext mo?" Nagulat ako ng magsalita bigla si ken.

"Ha? Ah wala sila joyce lang tinutukso ako sayo" pagsisinungaling ko.

Sa totoo lang pakiramdam ko niloloko ko si ken kahit na hindi pa naman kami. Ilang araw na din kaming nagkikita ni kiko ng patago ang kulit nya kasi kahit na sabihin kong wala na syang babalikan eh hindi daw titigil hanggat hindi ko pa boyfriend si ken. Lintik namn na pusong ito ay unti unti naman nag kaka feelings kay kiko simula ng halikan nya ko.

"Barbie ok ka lang?" tanong ni ken.

Natauhan ako ng mag salita sya magkasama nga pala kami na mamasyal dito sa mall.

"Sorry ano sinasabi mo?"

"Sabi ko kung gusto mo manood ng sine?"

"Ah ken, medyo sumama kasi ang pakiramdam ko"

Hinawakan nya ang forehead ko, nakita ko sa mata nya ang pag alala.

"Teka medyo mainit ka nga"

Totoo talagang masama ang pakiramdam ko kaya agad nya kong hinatid sa bahay.

"Ken, barbie nandito na kayo" si liza na nag bukas ng gate.

"Si barbie eh, nilalagnat"

"Ha, tara sa room nya"

Hiniga na ko ni ken sa kama at pinakain at pina inom nya ko ng gamot hindi talaga sya umalis hanggat hindi pa ako nakakatulog.

Ken's POV

Hindi ko iniwan si barbie hanggang hindi sya tulog, sobrang nag alala ako sa kanya kaya kahit na pina aalis nako nila joyce eh ayaw ko syang iwan. Kaya umuwi lang ako ng masiguro kong okay na sya.

"Joyce, kamusta na si barbie wala na ba syang lagnat?"

Maaga akong pumunta sa bahay nila barbie para tingnan sya.

"Magaling na sya, kaya lang hindi na muna namin pina pasok sa shop baka mabinat at bumalik pa ang lagnat"

"Mabuti naman, heto oh nag dala ako ng almusal"

Binigay ko kay joyce ang dala ko agad naman nya itong nilagay sa plato.

"Asan mga pala sya?" Tanong ko

"Sa kwarto naka tulog ulit eh, ang aga kasi nagising"

"Hintayin ko na lang magising sya"

"Mahal mo talaga sya no?"

"Oo naman, lahat gagawin ko para sa kanya" seryoso kong sabi

"Ganyan din naman si barbie, kaya nga nun naging sila ni kiko ginawa nya itong mundo nya" bigla napa hinto si joyce ng ma realize nya ang pinagsasabi.

"Ay sorry, hindi ko pala dapat binanggit ang ex nya"

"It's okay, hindi naman ako nagseselos alam ko naman kasing, hindi na magiging sila."

"Tama yan, atsaka kahit naman nagkikita pa rin sila hindi ka talaga magselos" nagulat ako sa sinabi ni joyce.

"What?"

"Ang daldal ko talaga, ah silipin ko lang si barbs ah" dali daling pumunta ng kwarto si joyce.

Hindi na ko nag tagal kina barbie nakita ko lang na magaling na sya ay agad na akong umalis. Hindi ko magawang hindi magtampo kay barbs  dahil wala naman kaming relasyon pero kahit ganun may kirot pa rin sa puso akong nararamdaman. Bakit hindi sinabi sakin ni barbie na nakikipag kita sya sa ex nya.

Barbie's POV

"Bakit mo sinabi? Alam mo naman na ikaw lang nakaka alam na yun?" Inis kong sabi kay joyce.

"Sorry na atsaka wala ka namang balak na makipag balikan sa mokong na yun diba kahit na may feelings kana ulit sa kanya?"

Hindi ako agad naka imik sa sinabi nya. Wala nga ba? Ano ba naman to.

"Hoy, nata himik ka dyan?"

"Joyce sa totoo lang hindi ko na din alam, nalilito na ko."

"Hay barbs, hindi ka naman dapat malito eh, si ken ang nararapat sayo sa una pa lang boto kaming lahat sa kanya"

"Sa una sure naman akong may pagtingin ako kay ken umabot pa nga sa puntong na fafall na ko sa kanya. Kaya lang ng biglang bumalik si kiko hindi ko na alam"

"Alam mo dapat siguraduhin mo kung sino ba mas matimbang dyan sa puso mo, bago pang may masaktan ka sa kanilang dalawa"

Tama nga siguro si joyce dapat hindi na ko malito, kailangan ko na siguro talaga mamili.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 06, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ALL ABOUT LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon