"Miko, sagutin mo ang tanong ko. what is the quadratic formula?"
"x is equal to negative b positive-negative square-root of b squared minus four ac all over two a"
"Very good"
Ka-nosebleed ang quadratic formula di ba? Pero okay lang yan, basta mapahanga ko siya. Ako nga pala si Miko Fiel. Top 1 ng klase. Pambato sa katalinuhan, Pambato sa paligsahan.
Ako ang pride ng section 1, III-Secret. Kilala ako dahil sa katalinuhan ko sa math, science, english, Araling panlipunan, MAPEH, TLE at kung anu-ano pang subject ang nandyan. Nag-aaral ako for a bright future, nag-aaral ako para maging maganda ang buhay ko, nag-aaral ako para makakuha ng magandang trabaho, nag-aaral ako para mapahanga ko siya.
Yun ang main reason ko. Para mapahanga ko si Alex. Matagal ko na siyang gusto, matagal ko na rin gustong mapasa akin siya. Pero gusto niya rin ba ako? Mutual ba ang nararamdaman namin? Tss.
"Ang galing talaga ni Miko! >//<"
"Ayeei!! kinikilig na si babae"
"<///< Bakit ba? Crush ko eh!"
"Ikaw lang?"
Mga babaeng nagbubulungan eh rinig naman. I appreciate that crush nila ako, pero I have a crush of my own. At si Alex yun!
Sa wakas natapos na rin ang Algebra, Biology naman.
"Good Morning class" Ito na si Ma'am Bio.
Siyempre binati naman siya at pina-upo na niya kami.
"Okay this day, We will have a review, cause you know the exams are next week"
"AWWWWW! :(" Reaction namin.
"Ahem. As I was saying, we'll have a review. It's like a game, we will seperate the classroom into two teams. After discussing our previous lessons, each team will pick a representative to fight the other. Clear?"
"Yes Ma'am!"
As usual. Simpleng hati lang sa gitna ang ginawa ni ma'am. Eh opposite sides pa naman ang upuan namin ni Alex. Bad trip!
Ako ang napiling representative ng grupo namin, hindi na ako nakinig sa discussion nila. Alam ko naman lahat, nag-aral na ako kagabi.
Napatingin ako sa kabilang group. At grabe naasar ako! Si Alex nagpapaturo dun sa top 2 ng klase namin. Ba't sa kanya pa? Eh pwede naman sa akin ah! >:(
Tapos ang saya-saya pa niya! Grrr! Nakakabanas talaga!
Umiinit ang ulo ko tapos kumukulo ang dugo ko. Buong disscusion time sa kanila lang ako nakatingin. At grabe ang sweet nila ha! Grr.!!
"Okay class. Times up! Who's group 1's representative?"
BINABASA MO ANG
Sa tingin mo matalino ka? (One Shot)
Novela JuvenilOh, ikaw? Matalino ka ba? Weh? Sige basahin mo 'to. Tignan natin kung matalino ka nga! :D ©Dreya_san All Rights Reserved 2012