Ang Pagtanggap

25 2 1
                                    

"Please Wisdom, minsan lang tayo magkakasama huwag ka na tumanggi" pakiusap ng kanyang ka-officemate. Kanina pa itong nakikiusap sa kanya na sumama sa isang sikat na bar malapit lang ito sa kanilang office na pinagttrabahuan.

Ilang beses tumanggi si Wisdom sa alok ng kanyang officemate na si Marko ngunit mapilit talaga ito.

"Pass na muna ako jan Marks, daming ginagawa dito eh." sabi ng binata, halata sa kanya na naiinis na siya dahil sa pangungulit ng kanyang katrabaho.

Busy siyang nagtitipa ng mga kakailanganing tapusin sa nalalapit na event ng kanilang project. Ang totoo konti na lang matatapos na lahat ng kanyang dapat na gawin. Nagsinungaling siya kay Marko na madaming gagdawin para hindi na ito mangulit sa kanya.

"Anong madaming ginagawa? Saglit na lang yan matatapos na oh" turo pa nito "Tara na kasi tutal malapit na tayo mag-out. Sige na please! Wisdom Cruz!!!"

Hindi na alam ang gagawin ng binata sa kattrabaho niya kaya tumayo ito at nagsalita. "Pass muna ako, I promise next time sasama na ako sa inyo, libre ko pa" nakangiting sabi nito at umalis na, hindi na niya hinintay sumagot si Marko.

Lumabas saglit si Wisdom ng Office uoamg bumili ng Coffee sa Isang Café sa tapat ng kanilang office.

"Welcome to Top Café Sir!" bati ng isang binatang waiter sa Café.

Tumango lang si Wisdom at dumiretso sa counter para mag order ng Coffee.

Pagkatapos niya mag order lumabas na siya ng Café at naghanap ng bench sa labas.

Sa isang black and white na bench siya naupo at nagpahinga. Ilang minuto na lang ay tapos na ang kanilang working hours ng mga ka-team niya.

Habang umiinom ng Coffee ang binata, meron siyang napansin na isang matandang hirap magbuhat ng dalawang plastic ng gulay. Tumayo si Wisdom at tinulungan ang matanda.

"Ako na po magbubuhat ng mga iyan Lola," kinuha nya ang dalawang plastic at binuhat ito "Saan po kaya patungo Lola?" tanong niya at nagsimula na sila maglakad.

"Jan lang sa unang kanto hijo, may magsusundo naman sakin." sagot ng matanda. Napatingin si Wisdom sa kwintas na ito.
May simbolo itong infinity sign. Hindi nya maalis ang tingin sa kwintas dahil nangingintab ito sa ganda at ginto pa ito.

"Ganun po ba, Lola? Ok po ihahatid ko na lang po kayo doon sa kanto." patuloy silang naglalakad hanggang sa narating na nila ang kanto.

"Ok na ako dito hijo, maraming salamat sayo. Hintayin ko na lang yung magsusundo sa akin. Nakangiting sabi ng matanda sa binata.

"Walang anuman po Lola." sagot ng binata.

"Nga pala hijo, bilang pasasalamat ko sayo nais kong ibigay sa'yo ito." may kinuha sya sa kanyang basket at nakita ng binata ang isang lumang journal na kulay brown. "Diary ito hijo, diary ng aking apo na namatay nung nakaraang taon lang." bakas sa mukha ng matanda ang lungkot. Nakaramdam tuloy ng lungkot si Wisdom. "Mahilig mangolekta ng diary ang aking apo, nakakalungkot lang dahil hindi na niya ito nasulatan."

"Bakit niyo po ito binibigay sakin?" nagtataka si Wisdom, Natakot ito baka multuhin siya ng apo ng matanda. Matatakutin si Wisdom. Lalo na sa multo takot na takot siya.

"Tanggapin mo na lang iyan hijo, alam ko magiging masaya ka kapag napasaiyo mo na ang diary na ito." walang ibang nagawa si Wisdom at tinanggap na lang ang diary.

"Ok po Lola, salamat po."

"Nais kong ingatan mo yan hijo, paboritong diary yan ng apo ko yun nga lang, hindi na niya nasulatan." malungkot na sabi ng matanda sa binata.

"Opo Lola, pangako iingatan ko ito dahil sa apo niyo."

"Mabuti kung ganon hijo."

"Inang!"

"Ay! Nandyan na pala ang sundo ko, o paano na hijo mauna na ako." Paalam ng matanda kay Wisdom, sumakay na ito sa isang tricycle at umalis na ng tuluyan ang sasakyan.

Naiwan ang binata na hawak ang diary. Pinagmasdan muna ito bago ilagay sa kanyang bag.

Bumalik na siya sa office upang kunin ang iba pa nyang gamit kasama ang kanyang laptop. Konti na lang ang tao sa office karamihan sa mga ka-team niya umuwi na. Ang iba naman ay siguradong dumiretso na sa isang bar kasama sina Marko at ang iba pang Team.

Umuwi ng pagod si Wisdom, ni hapunan hindi na ito kumain, tinamad na siyang magluto, ayaw naman nyang magpadeliver dahil nagsawa na siyang kumain ng mga fast food. Lagi pagkain sa office, fastfood na libre lagi ng kanilang President.

Dumiretso na siya sa kwarto at humiga na sa kanyang kama.

Hindi niya maalis sa kanyang isipan ang diary na binigay sa kanya ng matanda. Iniisip niya na parang may kakaiba sa diary na yon.

Bumangon siya mula sa pagkahiga at kinuha ang kanyang bag tsaka niya hinanap ang diary.

Binuksan niya ang diary at wala pang sulat ni isang letra.

Blangko.






Kumuha siya ng ballpen mula sa study table niya. At nagsimula na siyang magsulat...

Worlds of WisdomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon