Ilang taon pa ba? Ang sakit na. Bakit pag tapos ng tatlong taong pag iwan mo sa akin Hindi parin kita makalimutan?
Bakit pag katapos ng lahat mahal parin kita?
Gustong gusto ko ng kalimutan ka! Pero ang tanong.. Paano? Saan ako mag uumpisa? Dahil sa araw araw na sinusubukan kong alisin ka sa buhay ko hindi ko din naman kinakaya..
"Di na muling luluha, Di na pipilitin pang Ikaw ay aking ibigin hanggang sa walang hanggan "
Nag kakagulo ang lahat dahil sa pag kanta ng isang lalake na naka maskarang itim. Habang sila'y nag papakasaya, ako naman Nag iisa,malungkot,at inaalala nanaman ang mga alaalang ayoko ng balikan pero pilit na bumabalik dahil sa kanta.
"Di na makikinig, ang isip ko'y lito malaman mo sanang ikaw ang iniibig ko at Kung Hindi man para sakin, ang inalay mong pag ibig "
Talaga ngang masakit makinig ng Kanta kapag walang wala kana. Yung tipong gusto mong mag ka amnesia o Di Kaya I pukpok ang ulo mo hanggang Hindi kana magising o kaya naman tusikin ng kutsilyo yung puso mo hanggang wala ka ng maramdaman.
"na Di narin aasa pang na muling mahahagkan."
Hindi mag kamayaw ang mga tao yung mga babae tili ng tili isama mo pa ang mga bakla, banaman e ang ganda kasi ng boses nitong lalaking to
" Dahan dahan mong bitawan puso kong Di maka laban , dahil minsan mong iniwan labis na nahihirapan. "
Hindi ko na nakayanan kaya lumabas nako sa musical bar na yon, bakit ba kasi ako sumama kela Carissa nasasaktan lang tuloy ako.
.....
Nag lalakad kami non pauwi si Ezekiel ,ako at sya..habang nag lalakad si Ezekiel at ako ay kumakanta nag tatawanan at nag aasaran lagi nya kong inaasar tungkol sa katawan ko. Kaibigan ko naman sya kaya okay lang.
"bakit ang taba mo Lilibeth? " tanong nito sa akin na may tonong pang aasar napa irap nalang ako.
"ewan ko sayo ez " inis na saad ko sabay naunang Mag lakad. Hinablot o ang braso ko upang patigilin narin siguro ako sa pag lalakad .
"pwede ba ez let go "
"ito naman Hindi maasar hahaha! Lika nga dito. " saad nito sabay akbay. Mag po protesta pa sana ako ng biglang mag salita si Jerome.
"liligawan ko si geneen guy's. " para akong binuhusan ng yelo hindi ko inakala.
"w-what?"
"liligawan ko sya, gusto ko sya lili "
Sa isang iglap nag bago ang mood ko tumahimik ang paligid pero ramdam kong nakatingin sakin ang dalawa."ah.. Okay " yun lang ang nasagot ko.
"guy's dito nako! Haha good luck sayo Jerome! " masiglang pag papaalam ni Ezekiel tyaka pumasok sa subdivision nila.
Ngayon kaming dalawa nalang....
Mag gagabi na pala.
" pwede mo ba akong tulungan? " tanong nya, ang pinaka masakit talaga yung humingi ng tulong sayo yung taong mahal mo, yung hihingi sya no tulong para sa babaeng gusto nya.
"Sige ,pano mauna na din ako.. " sagot sabay talikod.
"teka Hindi pa dito -------" Hindi ko na narinig yung ibang sinabi nya dahil tumakbo nako.
BINABASA MO ANG
without you I'm clueless
RomansLahat tayo may kahinaan, lahat tayo pwedeng mag bago merong sa masama or mabuting paraan nga lang. Pero paano Kung isang araw may dumating sa buhay mo? Kaya mo bang tapusin ang sinabi mo sa dating minamahal mo na "I won't go another day without you...