CHAPTER 2

6 0 0
                                    

   [ TFP 1 ]

"Keyn!" masayang tawag ng batang babae sa kaniyang kaibigan.Nakangiti naman itong lumingon.

"Alam mo ba kanina..may narinig akong mumu!" nakangusong sumbong niya sa kaibigan dahilan para tumawa lang ito.

"Ano ka ba Raen,hanggang ngayon ba naman ay naniniwala ka sa mga yan?..Hahahahaha!Alam mo..maglaro nalang tayo!" masiglang sagot ni Keyn na maslalong ikinanguso naman ni Raen.

Hindi lingid sa kaalaman ni Keyn ang mga pinagsasabi nito.Lubha kasi itong mahirap intindihin para sa batang katulad niya..ayaw niya din namang maniwala dahil alam niyang niloloko lang siya ng kaibigan. Matagal palang ay pinapaniwala na niya ang kaibigang si Keyn ngunit tila wala naman itong pakialam at laging iniiba ang kanilang usapan.

Oras-oras..minu-minuto ay hindi mapakali si Raen sa kaniyang kinauupuan dahil sa kaniyang narinig.Alam niyang kahit anong gawin niyang pangungumbinsi sa kaibigan ay hindi pa rin ito makikinig sa kaniya.

Ngayon nga ay bigo pa rin siyang maipasok sa kukuti ng kaibigan niya ang gusto niyang sabihin..

Wala na siyang nagawa kundi ang makipaglaro nalang kay Raen at manatiling tahimik.

"Raen"

Napalingon si Raen nang biglang may tumawag sa kaniya.Paglingon niya ay wala namang tao roon..bigla tuloy siya nakaramdam ng takot sa sandaling iyun.

Taka namang napalingon si Keyn sa kaibigan nang hindi man lang sumagot ito sa kanina niya pang tanong at maslalong nagtaka nang makitang nakatingin si Raen sa kanilang likuran..

Namamala ang mga labi at tila wala sa sarili si Raen nang pumikit ito..pilit niyang ipinagsasawalang bahala ang muli niyang narinig.

Alam niyang ito ang espiritong laging bumabagabag sa kaniya..espiritong kahit anong gawin niya ay talagang nakadikit na sa kaniya.

"Raen hoyyy!!Ano bang nangyayari sayo?!M-May problema ba?!" pasigaw na tanong ni Keyn na may bahid na tinding pag-aalala sa kaniyang tono..nagtataka ito sa mga biglang iniasta ng kaibigan.

"Raennnnnn."

"Raen talk to meeeeee!!Wuyyyyyyy!" pilit pa ring inaagaw ni Keyn ang atensyon ng kaibigan habang pinagyuyugyog ang dalawang balikat nito at dun lang natauhan si Raen

Napabuga siya ng hangin at napapailing na iminulat ang mga mata..

Iniisip niyang guni-guni niya lamang ito.Bigla itong natawa na ikinangiwi ni Keyn..tulad kasi ni Keyn ay gusto niya ring isipin na nababaliw lang siya.Na pilit niya lang tinatakot ang sarili niya.

Sa ilang taon na pamumuhay ni Raen ay ito nalang parati ang bukang bibig niya lalo na ng magpitong gulang ito..pati ang mga magulang niya ay napapansin na din ito pero pilit nilang ibinabalewala.

Ibinaling nalang ni Raen ang patingin sa kaibigan niyang nakangiwi pa rin saka ito muling bumuntong hininga.

Simula nang magkaisip siya ay si Keyn ang lagi niyang nakakasama lalo pa't OFW ang mga magulang niya..sa madaling salita ay si Keyn na ang kaniyang itinuring na pamilya at buong pusong tinanggap bilang kapatid.

"A-Ayos ka lang ba?Nalilito na ako sa ikinikilos mo Raen." bumalik sa pagkakabatang tono si Keyn habang binibitawan ang mga balikat ni Raen.

"Nandito siya Keyn..h-hindi mo ba naririnig?" seryosong tanong ni Raen sa kaibigan ngunit sa murang edad ni Keyn ay umiling lang ito.

"Bakit mo naman kasi naitatanong yan?pwede bang bawas-bawasan mo namang tumingin sa mga nakakatakot na palabas?" nakangusong tanong ni Keyn at ibinaling ang tingin sa laruan niyang barbedal.

The F O U R PARANORMALWhere stories live. Discover now