Picture Frame

74 2 0
                                    

May mga bagay na hindi natin maipipilit...

minsan kailangan natin matutunan kung ipagpapatuloy pa rin ba natin

o kailangan na ba natin itong itigil...

Tulad ng pag - ibig ni Mario

Baliw na baliw siya kay Rose

na kahit alam niyang wala talagang gusto sa kanya si Rose at hanggang "friends" lang talaga turing sa kanya,

tuloy pa rin siya sa pagmamahal.

Minamahal niya si Rose higit sa pagiging kaibigan nila.

Sabihin na natin na one-sided love story talaga ang buhay pag-ibig ni Mario.

Eto 'yong hindi pa mawala-wala kay Mario -- ang Hope -- umaasa siya na magbabago rin ang turing sa kanya ni Rose at magagawa rin niyang mahalin si Mario tulad ng pagmamahal nito sa kanya.

Pero dumating ang time na napagod na rin si Mario

halos tatlong taon rin siyang umiibig kay Rose. Sinubukan din naman niya na manligaw;

kahit mukha siyang ewan -- sabihin na lang natin hindi siya nagtanong kung pwede manligaw.

pero anong sense kung ang nililigawan mo alam niya na nanliligaw ka? at anong sense ang panliligaw kung ang ipapakita mo lang naman eh 'yong paGOOD side mo?

Kung maging kayo lalabas ang katotohanan; at eto ang kadalasang linya ng mga naligawan --

"bakit nuong nanliligaw pa siya ay ganito siya pero nang naging kami nagbago --

kaplastikan lang pala?

pakitang tao?

mga lalaki talaga manloloko.

wala ng matinong lalaki sa mundo... mga babaero.. bolero..."

Yan ang nasa isip ni Mario kaya hindi talaga malinaw na siya ay nanliligaw,

gusto niya na sa simula pa lang ay ipapakita niya kung sino talaga siya... 

Kaya ayun hanggang ngayon wala pa rin siyang girlfriend ahahaha!

Si Mario ang tipo na hindi palabigay ng regalo. hindi siya basta-basta nagbibigay ng regalo kahit sa mga kaibigan niya, hanggang pagbati lang,

kung minsan naman ay nakikiambag lang siya sa regalo ng barkada niya kapag may kaarawan ang isa niyang barkada --

kaya masasabi natin na may "something" talaga kay Rose.

pinag-iipunan ni Mario ang magiging regalo niya kay Rose.

handa siyang gumastos kahit magkano basta abot ng kanyang pinag-ipunan.

'yan ang isang patunay na umiibig si Mario. Isa pang patunay ay hindi siya malambing sa iba, at tanging si Rose lang ang gusto niyang lambingin --  ang problema walang pagkakataon.

Oo inaamin ni Mario na malandi rin siya pero hanggang crush lang 'yon. At isa siyang pribadong tao,

ayaw niya na may mga paparazzi sa buhay niya, ayaw na inuusisa buhay niya lalo na ang lovelife. 

Hindi niya lubos maisip bakit hindi magawang ibigin din siya ni Rose. Hindi ba niya maramdaman?

     "sino ba nagpauso na ang mga lalaki ang manhid?! may babae rin manhid o sabihin nalang na nagpapakamanhid sa taong akala nila ay lolokohin lang sila 'yong pala siyang tunay na iibigin siya. sinasayang nila ang pagkakataon."

Ang iba pang patunay ay ang reaksyon niya sa tuwing magkausap sila o magkatabi --

hindi niya magawang tumitig ng matagal Kay Rose,

Maingay sa pagbanggit kay Rose kung sino crush niya sa katotohanan ay gusto lang niya makita ang mukha ni Rose ng malapitan, at sa kung sino mahal niya? --

hindi niya magawang sabihin...

natatakot siya na layuan at ipagtabuyan siya ni Rose. Iba ang pakikitungo niya kay Rose andyan ang pagiging gentle niya kay Rose, maalalahanin, at marami pang iba. 

Ang hindi niya lang magawa ay ipakita at iparamdam ang pagmamahal niya kay Rose dahil para sa kanya,

hindi siya binigyan ng pagkakataon ni Rose na ipakita at ipadama.

Pero sinubukan naman niya sa simpleng paraan -- ang pagbibigay regalo kapag may special event o okasyon kay Rose,

at minsan wala lang gusto lang niya magbigay -- kadalasan ay Kitkat.

Yan ang favorite snack nila tuwing may klase at nuong magkatabi pa sila sa room.

Kahit hindi na sila magkaklase nagbibigay pa rin si Mario. Ito ang naging simbolo niya sa pag-ibig niya kay Rose. 

At hanggang umabot sa punto na napagdesisyunan ni Mario na tumigil na muna. 

tama, sa ngayon hindi na muna siya magpaparamdam kay Rose,

"paalam na muna aking sinta."

Upang magawa niyang mapahusay ang sarili at upang mapatunayan na karapat-dapat siya sa pagmamahal ni Rose,

kailangan niyang gawin ito kahit siya mismo ay nasasaktan.

Para tapusin ang kanyang nararamdaman kay Rose, nagbigay si Mario ng huling handog niya para sa kaarawan ni Rose;

bilang regalo sa kanyang kaarawan at bilang pamamaalam niya kay Rose --  sa kanyang nararamdaman.

Naghandog si Mario ng isang maliit na bagay - isang picture frame na kung saan andoon ang sketch ng mukha ni Rose.

Hindi lamang isang simpleng sketch at regalo itong inihandog ni Mario. marami itong kahulugan. isa na rito ay bilang wish sa birthday - maging masaya siya sa araw ng kapanganakan niya.

Ang isa pa ay, ang postura niya sa sketch, si Rose ay nag-iisip. Para kay Mario ito ang mensahe niya kay Rose  

" Lagi kitang naiisip, naaalala, napapanaginipan - sana magawang sumagi ako sa isipan mo kahit minsan."

Bilang picture sa frame, ang ibig sabihin nito

"ikaw lang ang laman ng mundo ko; ikaw lang ang tumatakbo sa isipan ko."

"Upang matapos itong panaginip ko at magawa kong mapatunayan sa sarili ko na karapat-dapat na ako sa pag-ibig mong tunay, isusuko ko ang aking nararamdaman kong pag-ibig sa'yo."

"Kapag dumating ang panahon na handa na ako at karapat-dapat na ako, gagawin ko lahat para makasama ka sa panghabambuhay sa hirap man o ginhawa, hindi ka na masasaktan at mabibigong muli sa pag-ibig."

"Ang hiling ko lang na sana ay makapaghintay ka, sana hindi ka mahulog sa iba."

"kung hindi maiiwasan mahulog ka sa iba, marahil, patunay lang iyon na wala akong kwentang tao, pinabayaan lang kita at ibig sabihin lang 'yong ay hindi mo talaga maramdaman na mahal na mahal kita."

"Hindi ko kaya na mapunta ka sa iba, mas mabuti pang mawala na lang ako."

Picture FrameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon