1: First day

12 0 0
                                    


Krin's POV

"Anak, gising na, papasok ka pa."

"Opo ma." nag-unat muna ako at bumangon at pumasok sa banyo para ihanda ang sarili.

Pagkatapos kong maligo, nagbihis na ako sa pangschool uniform ko, inayos ko ang sarili, at saka kinuha ang bag ko sa pang-araw at bumaba na.

Nakahanda na ang lahat, kasi inihanda ko na to kagabi, pwera nalang sa baon ko.

"Ma, yung baon ko po handa naba?" tanong ko kay Mama.

"Oo nadun sa hapag, at nandon narin yung allowance mo pang 1 week." sabi ni mama.

"Salamat po ma, alis na po ako." sabi ko at tumalikod na para umalis ng magsalita si mama.

"Aalis kana? Kain ka muna wala pang laman yang tiyan mo baka gutomin ka." sabi ni mama.

"Di na po ma, sanay nako." sabi ko, every year ko naman na yang ginagawa eh, ang hindi pagkain sa umaga, pero hindi parin sanay si mama. Ayaw ko talagang kumain ng umaga pag may klase kasi nandidiri ako, ewan ko ba sa sarili ko.

"Hay, o siya baonin mo nalang tong sandwich na hinanda ko." sabi ni mama tsaka ibinigay sakin ang sandwich. "Kainin mo yan pagnagutom ka, wag na wag kang magpapagutom kung di kurot talaga sa singit ang aabutin mo sakin." banta sakin ni mama, hayyyy, sanay na ako diyan, napakaprotective talaga nila sakin eh, lalo ng nag-iisang anak lang ako nila papa, by the way si papa nasa states nagtatrabaho para samin, 2 times a year nga lang umuuwi si papa eh, namimiss ko na tuloy siya kahit kababalik niya lang patungo states last month.

"Sige po ma, alis na po ako." sabi ko sabay halik sa pisngi ni mama.

"Bye anak, study well."

***

So ayon nga, first day namin ngayon sa school at excited na excited na akong makita sila, lalong lalo na si crush. Hehe.

Pagdating ko sa school binati ako ng guard kaya binati ko rin siya pabalik, kilala ako sa school, dahil nga top ako, ewan ko nga kung bakit sumisikat pagtop eh, ayaw ko pa naman non.

Pagdating ko sa room nakita ko agad ang mga mukha ng mga bruha kong bestfriends, hehe, de joke lang, mga MABABAIT kong bestfriends.

"WAHHHHHH! Long time no see, besy!!!" sigaw ni Creya sakin, sabay tampal sa noo ko! Aray! Sakit non ha! Oh diba ang BAIT!Bye the way siya yung pinakabunganga sa aming lima, at opposite siya sakin, malalaman niyo yan mamaya.

"Namiss kita besy!!!!" sabi pa ni Creya, sabay yakap sakin. "Hindi tayo nagkita ng .... wait--" sabi niya pa sabay hiwalay sakin at nagcounting gamit mga daliri niya habang nakatingin sa taas. Oh, diba sabi sa inyo eh, opposite ko, kayo ng magdiscover kung bakit opposite ko yan, pero hindi talaga kami totally opposite dahil magkapareho kami ng middle and surname, buong pangalan ko ay Krin Angel V. Madrigal, pangalan niya, Creya Mae V. Madrigal, kaya paminsan minsan nagpagkakamalang kaming magkakambal, like duuhhhh! Ang ganda ko kaya kesa sa kanya, haha, joke lang!!! Parehas kaming maganda no, nakakalamang nga lang ako ng mga 75% haha.

"Ng 3 months? Ang tagal non!" sabi nanaman ni Creya, hayy nako, pero kahit ganito siya, mahal ko yan, eww, haha, joke lang, mahal ko talaga yan.

"Tanga, 2 months lang noh, bakit namiss mo ko?" tanong ko sa kanya. Haha, harsh ko no? Well that's part of my bitchy side.

"Ahhh, basta magkasunod lang naman yon, 2,3, oh diba, pero oo namiss kita kahit labag sa loob ko." at nag-act pang nanghinayang ang bruha!

"Bruha ka talaga!" sabay hampas ko sa kanya pero mahina lang naman.

"So ganon, kayo lang mag chichikahan diyan?" sabi ng pamilyar na boses kaya napalingon ako.

"Sami!!! Namiss kita!" sabi ko at saka niyakap si Sami. May pagkabrat rin to minsan eh, halos kaming lahat sa grupo pala. Haha.

"Pano naman kami? Loner nanaman kami neto?" sabi ni Danica tsaka nagyakapan sila ni Hayna. Hayyy o-oa talaga ng mga ito, kaya bagay na bagay tong maging actress ang dalawang to eh.

Kaya naman bumitaw ako kay Sami at saka nilapitan ang dalawa saka sinampal ang kanilang mga asses. Haha, I can be a pervert you know.

"Hali nga kayo, ang oa niyo." sabi ko at niyakap silang dalawa.

"Namiss ka namin Krin." sabi ng dalawa at saka bumitaw sa pagkakayakap.

"Well, ako, hindi ko kayo namiss eh." sabi ko kaya lumungkot bigla ang mga mukha nila.

"Ang bad mo!" sabi ni Hayna.

"Haha, joke lang, di pa kayo sanay sakin." sabi ko, saka nilagay ang bag ko sa upuan na nasa bandang gitna.

Pagkaharap ko, parang nahigit ko ang aking paghinga, sino ba namang hindi eh kaharap mo na yung crush mo.

"Long time no see Krin!" sabi ni Valli, ang crushy ko, hehe.

'Act normal Krin.' yang ang palagi kong sinasabi sa sarili ko kapag kaharap ko siya, and thankfully, I can manage to do that.

"Long time no see rin, Valli." saka nagyakapan kami. Emeged. Kinikilig yata atay ko. Haha, well normal lang samin to dahil tinitreat namin ang isa't-isa ang bro and sis.

Ako ang unang humiwalay kasi may tumawag sakin.

"Hoy Krin! Wag mong pagselosin si Hayna oi, namumula na ang mukha sa selos." sabi ni Creya, at nagtawanan sila, kaya ayon nasapok ni Hayna.

"Ano ba kayo, abay ko lang naman to si Valli eh, diba Valli?" sabi ko saka nakipagfistbump kay Valli. 'Abay' is like a tawagan na magkatropa kayo.

Pumunta ako kina Creya at timing naman nag ring na ang bell at hudyat yon na flag ceremony na, hayyy, minsan napakawrong timing talaga ng bell eh. Haha, sisihin ba daw ang bell na ang guard naman yung nagparing?

Kaya naman pumunta na kami sa flag pole sa baba, oo, sa baba ang flag pole namin, ang school kasi namin pababa eh, kaya maraming stairs.

"Ano kayang mangyayari ngayong first day of school no?" sabi ni Dani, short for Danica, kami lang naman ang tumatawag sa kanya non eh.

"Malamang essay nanaman yan about sa vacation natin at introduce yourself." sabi ko habang pababa kami sa hagdan.

***

Yan lang muna

See you!

AbayWhere stories live. Discover now