Chapter 2:Zack's House

6 0 0
                                    

Ang tagal naman ng tatlong yon kanina pa ako dito sa starbucks,mauubos na ang load ko kakatawag at kakatext sa kanila. Doon na nga lang ako sa labas maghihintay tingin na tingin saakin tong waiter at guard na to.
Hindi ako tambay no nakita niyo na nag order ako kanina.
Pagkalabas ko ng starbucks biglang tumunog ang pinakamalakas na preno ng sasakyan ni Zack.

"Oy Althea halika na sumakay ka na dito!"sigaw ni James saakin

"I have my own car see?" sabi ko habang nakataas ang kilay

"Do you know where are we going?" sabi saakin ni Jason habang pinapaikot niya sa kamay ang cellphone.

"Edi sabihin nyo saakin, kung saan tayo pupunta" sabi ko.

"Hindi basta sumakay ka na d..dit-" hindi natapos ni James ang sasabihin niya dahil biglang sumingit si Zack "In my house" sabi niya nang walang pasintabi.At biglang hinampas ni Jason si Zack sa braso.

"WHAT?" tanong ni Zack habang hinihimas ang braso.

"Okay para sure kami na safe ka Zack magsama nalang kayo ni Althea"

"WHAT!!"sabay naming sabi ni Zack

"Kaya kong mag-isa" sabi ko

"Hindi, kami nalang ang magdra-drive ng car mo dito ka sa kotse ni Zack" sabi ni Jason at bumaba sila sa kotse ni Zack.

"H..hindi kaya kong mag drive" sabi ko habang tinutulak ako nilang dalawa papasok sa kotse

"dyan ka lang, give me the key" sabi ni James habang hinihingi ang susi ko. binigay ko na ang susi ng sasakyan ko. Nila James at nauna na silang umalis. Maganda din ang kotse ni Zack parehas kaming Montero kaso nga lang white sakanya black akin.

Habang nagmamaneho si Zack wala kaming kibuan ni hikab,ubo at iba man wala. Hanggang makarating na kami sa bahay nila.Ang ganda ng bahay ni Zack pag bukas ng gate bubungad sayo ang magandang fountain at ang bonsai.

"Uy nakarating narin kayo" sabi ni James habang kumakain ng ice cream

"Waahhhaahhhh, hindi mo ako mahahabol"sabi ni Jason sa kalaro niyang batang babae."Oh nandyan na pala kayo" napatigil na lang ang batang babae sa pag habol kay Jason ng kinausap kami.

Lumapit saakin ang batang babae habang nakangiti."hello" sabi niya saakin at nag hi naman ako.

"My name is Zayra Rain Deldron, im kuya's precious sister" sabi niya saakin sabay turo kay Zack "what is your name?" sabi niya saakin

"I'm Althea Isaac Kenza" pag papakilala ko sa sarili

"nice too meet you ate Althea,Wait Isaac ang second name mo?"

"oo bakit?"tanong ko

"parehas kayo ng second name ni Kuya"parehas kami ngayon ko lang yon nalaman ha

"AH, talaga"at tumingin ako kay Zack

pagkatapos akong kausapin ni Zayra lumapit naman siya kay Zack at niyakap.

"kuya"

"hmmm,so tight precious sister"sabi niya at hinalikan sa cheecks

"Kuya may bubulong ako sayo"umalis silang dalawa sa pag-yakap at lumapit si Zayra sa tenga ni Zack.

"Is she your girlfriend?"bulong ni Zayra, bulong ba yan para kay Zayra eh ang lakas ng bulong niya eh.

"of course not" sabi ni Zack

"eh bat siya nandito?" tanong ni Zayra

"dahil ka-partner ko siya para sa school, dito kami mag pra-paractice"

"kala ko pa naman girlfriend mo siya, wala ka pa kasing napapakilala saking girlfriend mo eh, I like her pa naman" gusto niya ko, parang hindi bata to si Zayra ha.

"sorry" sabi ni Zack at hinalikan sa noo.

"Tara na,practice na tayo"sabi ni James

"San tayo Zack?"tanong ni Jason

"Doon tayo sa dance room ko"dance room? ay oo nga pala itong magtropa na to dancer din pala sa school namin, inaamin ko sexy sila sumayaw.

DareWhere stories live. Discover now