Chapter 6:FIRST KISS

5 0 0
                                    

Althea's P.O.V

Hay nako back to normal nanaman, lesson. recite, sulat. Sana absent lahat ng teacher ayoko maglesson ngayon.

"Althea, sabihin mo nga sa lahat ng Prof natin wag na silang pumasok. Favorite ka naman nia eh" sabi ni Trisha ang englisherang wrong grammar na malandi na pabebe, na walang pumatol na lalaki sa marami niyang tigyawat, at kabaho-bahong hiningang palaka.

"Try yourself, I think ikaw ang mas gusto nila kasi ang ganda mo" sabi ko, at biglang nagtawanan ang mga classmate ko.

"Ugh....so annoying"sabi niya at nag walkout ng classroom.

Ito na nga meron ng Prof, History pa, mas lalong nakakaantok at nakakatamad.

"Good morning class" sabi ni Prof. Bautista

"Good morning Prof, Mabuhay!" sabi namin at umupo na.

"Okay class our history for today is about China" Hay nako ayan na nagsimula na, makakapagbukas ako ng history book ng wala sa oras.

''Bagggg'' hay nakakagulat yun ha sige lang, grabe magbubukas nalang ng pinto kailangan ibagsak pa.

HA! hindi niya yata napansin si Prof pwes lagot ka ngayong palaka ka. Wala lang siyang pake pumasok at umupo lang siya hindi niya talaga napansin si Prof.

"Hey!, Ms.Trisha!" sigaw ni Prof at ito naman si Trisha nagulat.

"P-Prof" nanginginig na sabi ni Trisha.

"Do you have a respect or wala talaga?" sabi ni Prof yes thank you din pala sayo Trisha hindi na tayo mag le-lesson, natupad na rin ang gusto mong wag mag lesson.

"Come with me" sabi ni Prof at lumabas, pati narin si Trisha.

Pagkalabas ni Prof at ni Trisha bigla silang sumigaw "Whoooooo, wala na si Prof wala na tayong lesson, what is history of china" sabi nila, masyang masaya sila at sumasayaw pa.

Maya- maya nalang tumahimik na kami syempre meron nang gadget, pwede naman gadget saamin College na kami eh, at wala kaming Prof hanngang gabi dahil merong meeting yehey.Habang nag ce-cellphone ako tumayo muna ako para hinaan ang aircon nilalamig na kasi ako wala akong dalang jacket.

pag ka hina ko nang aircon bigla akong nagulat nang isandal ako ni Zack sa pader at bigla niya akong hinalikan. Nakabuka lang aking mga mata sa gulat na ginawa niya saakin. "Let's date" sabi niya saakin at umalis na siya doon grabe ang tagal ko sa pagkaksandal. Akala ko hindi napansin ng mga kaklase ko, tiningnan ko sila grabe para silang nakakita ng multo sa likod ko sa pagkalaki ng mata na pagtitig nila saakin. Kaya unalis na ako sa pagkaksandal at umupo na parang walanag nangyari.

"Ayiiiiieeee, Althea, Zack ka pala ha" sigaw nila

"Let's date daw sabi ni Zack" sabi naman ng kambal, siya ang first kiss ko ex boyfriend ko nga hindi pa nakatikim ng labi ko pero si Zack ganon ganon lang?, Ano nagyayari sa mundo.

Hanggang pag-uwi ko ng bahay hindi ko parin makalimutan ang ginawa saakin ni Zack. Siya palang kaya ang nakatikim niyan ang unfair ng mundo. Bibigay ko yang sa huling taong mamahalin ko eh.

"Althea, malapit na ang uwi niya" nawala ang isip ko ng marinig ko ang sinabi ni Mom

"Really, I miss him na!" sabi ko yinakap si Mom.

DareWhere stories live. Discover now