Para sa kaniya
By deinbabe❤Ako Yung babae na iba,
Ako Yung babae na madrama,
Ako yung tipong mahilig magbasa,
Ako ito na mahal ka lang talaga.Sa bawat umaga,
Sa bawat gabi,
Ang aking pag-ibig,
Kakambal ay ang aking hikbi.Sa bawat pitik ng orasan,
Sa bawat patak ng ulan,
Sa bawat buhos ng aking luha,
Ay kasabay ng ngiti kong hilam.Alam mo ba?
Oo,alam mong iniibig kita,
Datapwat alam ko rin,
Na hanggang doon lang din.Mga pahina ng aklat,
Porsyento ng aking baterya,
Lahat sila nabubuo,
Pero hindi ang puso ko.Maswerte si Salume Kay Fidel,
Nabasag man ang puso niya,
Umiyak man siya,
Minahal naman ng sobra.Buti pa nga si Zell,
Nasaktan niya man si Wayne,
Magulo man ang lahat,
Ngunit Kay Wayne si Zell lang dapat.Ang swerte ni Max,
Sa kumplikado niyang Mundo,
Andon si Deib,
Na mahal siyang totoo.Si Meizuo yung iniyakan ko,
Pagkat nasaktan ako,
Hindi dahil mahal ko siya,
Kundi dahil nasaktan ako tulad ng kanya.Napakahirap lang,
Na ipilit ang sarili,
Sa isang tao,
Na Hindi ikaw ang gusto.Bakit mayroong tangent?
Para saan pa?
Lumipas na nga ang mga taon,
Mahal pa rin kita.Sa mga storyang aking nabasa,
May simula at katapusan,
Laging nakakatuwa o iniiyakan,
Pero ang pag-ibig ko sa iyo,
Nagsimula sa luhang munti,
Nagtapos sa aking hikbi,
Pero tapos na nga ba?___________________
Thank you sa mga nakaappreciate ng tulang ito at sa mga makakapansin pa nito :)
Wabyuuuu
YOU ARE READING
Mga Kaewanan Ni Deinbabe💛
PoetryIba't-ibang tula na may iba't-ibang istorya at damdaming nakapaloob. Lahat ng ito ay buhat lamang sa imahinasyon ng magandahing manunulat 😂 Enjoy 😊 All Rights Reserved 2019