Bumping You
Kathryn's POV
Cheesecake!! Napalingon ako sa paligid at sht! Puro cheesecake kaya biglang nag-isparkle ang mata ko at hahawakan ko na sana ng tumakbo ito.. What the?! Tumakbo yung cheesecake?! WAH!! Wag kang tumakbo kakainin pa kita Cheesecake kooo!!
"Chandria! Anak gising na."Sigaw ni mommy mula sa labas ng kwarto ko kaya naman napa-dilat ako. Lumingin ako sa side table ko maaga na pala malapit na rin ang pasukan kailan kaya kami mag-eenroll ng pinsan kong si Julia."Chandria! Gising ka na ba?"sigaw ni mommy mula sa labas kaya naman napa-upo ako sa kama ko at kinusot iyon. Malamang nagising ako dahil tumakbo yung.. ano nga ulit yung tumakbo sa panaginip ko? Tsk!
"Opo mommy gising na ko."sigaw ko at nag-unat unat muna bago ako tumayo sa kama ko. After kong mag-unat tatayo na sana ako ng tumunog ang phone ko sa Side Table kaya kinuha ko iyon. Chineck ko kung sino ang tumawag, Walang iba kungdi ang pinsan ko.
"Hello Cous napatawag ka?"sagot ko sa tawag niya ng may tumili sa kabilang linya.
"Whaaaa!!"rinig kong sigaw niya kaya dagli kong nilayo yung phone ko sa tenga ko! Bwisit baka nabasag na yung eardrums ko!
"Makatili wagas?! Nabasag ata ang eardrums ko. Teka Check ko lang ha!"inis na sabi ko sa kanya insert sarcasm there.
"Ano ka ba Cous wag ka nga! Masyado lang akong na-excite kasi.."sabi niya shet lang bakit kailangan pang i-cliffhanger?"Kasi?"tanong ko sa kanya tapos nagtitili na naman and i bet nagtatalon yan sa kama niya.
"Open na ang school para sa enrollment. Bilisan mo maligo ka na para maaga tayo makapag-enroll, makuha ang sched natin at para magkaklase tayo buong sem."sabi niya halata ngang excited siya, This sem. Ano bang meron this sem at parang atat na atat siyang pumasok?
"Sige sunduin mo na lang ako dito sa bahay namin para sabay na tayo mag-enroll."sabi ko kay Julia mula sa kabilang linya.
"Sige Cous kita na lang tayo sa house nyo. Bye~"malamig at malambing na sabi ni Julia bago niya ibaba ang kabilang linya, Kahit kailan talaga itong si Julia.
Naligo na ko at nag-ayos saka naglagay na rin ng pressed powder, Hindi kasi ako sanay madalas mag-make up kapag walang special occasion saka may allergy din kasi ako sa make up kapag walang Hypo allergenic, Sobrang nangangati yung mukha ko kaya No make up, No allergy.
"Good morning Chandria."Bati ni Daddy at Mommy sa akin ng makababa ako, Mukhang Good mood silang lahat. Si Julia Good mood, Si Mommy't Daddy Good Mood.. Ako lang ata hindi dahil dun sa lintek na tumakbo sa panaginip ko at hindi ko maalala kung sino o ano yung tumakbo.
"Good Morning Daddy, Good Morning Mommy!"Bati ko sa kanila para naman hindi nila masabing matamlay ako sa araw na ito.
"Ako walang Good Morning?"singit na sabi ni Kuya Neil. Napatingin naman ako sa kanya at nandyan pa pala siya? Akala ko bumalik na siya sa Dorm niya malapit sa University na pinapasukan niya. Oo magkaiba kami ng pinapasukang university.
"Di mo ko binati di ko alam nandyan ka pala."sabi ko sa kanya sabay peace sign. Nag-make face na lang si Kuya bago lumamon ng pagkain niya. Nabaling naman kay Mommy't Daddy ang atensyon ko ng maalala ko ang enrollment namin mamaya ni Julia.
"Ay Mommy, Daddy mag-eenroll po pala kami mamaya ni Julia para magkatugma yung sched naming dalawa saka para maaga."Paalam ko kay mommy. Maganda na rin kasi yung maagang mag-enroll para less hassle saka hindi masyadong marami ang students di tulad ng last week before first day of sem.
"May pupuntahan din tayo mamaya Chandria eh." Sabi ni Mommy kaya naman napaisip ako ng sasabihin kay Mommy.
"Mommy sandali lang po kami mag-eenroll ni Julia promise saglit lang po anong oras po ba tayo aalis?"Tanong ko, Di naman kasi siguro kami magtatagal ni Julia sa school dahil marami ring kakikayan sa katawan yung babaeng yun.
"Mga 2pm anak pero dapat 1pm nandito ka na."Sabi ni Mommy. Mommy hindi nagmamadali ang oras except na lang po kung nag-eenjoy ka na! Haha.
"Mommy maaga pa 10 pa lang parating na po si Julia saka promise po saglit lang kami ni Julia pero kung sakaling malate hahabol na lang po ako. Saan po ba iyang pupuntahan natin?" Sabi ko kay mommy at ganoon na lang ata ka-importante iyon at hindi ko pwedeng ipagpaliban.
Napansin ko ang tinginan ni Mommy at Daddy..
"Chandria naaalala mo ba yung bahay noon na pinagpipilian namin kasama si Tita Karla mo?" Tanong ni Mommy, Bahay.. Tita Karla.. Aha! Yung magandang bahay na iyon kung saan nasapak ko yung bwisit na... wala ayokong maalala.
"Opo bakit po mommy?" Sagot ko kay mommy na may pagka-alanganin dahil sobrang nakakaasar yung mga nangyari noon sa bahay na iyon.
"Doon kasi tayo pupunta alam mo pa ba kung saan iyon?"Tanong ni mommy kaya naman napatawa ako.
"Mommy bata pa po ako noon papasundo na lang po ako kay kuya Neil." Sabi ko habang tumatawa, Natigilan lang ako ng biglang may nag-doorbell sa bahay namin kaya agad akong napatayo para ako na ang magbukas.
"Mommy baka si Julia na po iyan ako na."Sabi ko sabay labas para buksan ang gate at napa-paawang ang bibig ko ng makita ko siya.
I can't believe it! Ang sarap niyang tirisan tulad ng kuto dahil sa itsura niya. Gusto niya makilala kung sino? Walang iba kung di si...
JULIA.
"Bakit ganyan ang ayos mo saan ka gagala?"Tanong ko sa kanya. Nag-dress kasi siya at alam kong pang-alis niya ang dress na iyon. Sa school lang naman kami pupunta wala ng iba pero bakit ganyan ang suot niya? Ako nga naka-Pambahay lang.
"Eh aalis daw kasi kami ni mommy kaya pinag-dress niya ako."Paliwanag ni Julia sa akin at napatango naman ako sa sinabi niya.
"Halika na malate tayo aalis din kami ni mommy mamaya eh."Sabi ko sa pinsan ko at hinatak niya ko sa isa sa kotse namin.
Kwentuhan lang kami ni Julia sa sasakyan habang si Kuya Dennis, Driver namin ang nag-dridrive excited much si Cous sa school year na ito kasi napanaginipan daw niya yung SOULMATE daw niya ayaw niyang i-kwento yung nangyari sa panaginip nya baka daw di matuloy. Haist ewan ko sa kanya.
"Nandito na po tayo."Sabi ni Kuya Dennis, Bumaba kami ni Julia sa sasakyan ng may maalala ako.
"Kuya sunduin nyo na lang po ako ng 1pm or 1:30pm mukhang maraming tao di tulad noong last year."Sabi ko habang pinagmamasdan ang buong university na maraming estudyante ang nagkalat. Hindi ko alam kung sa akin lang iyon o ano pero sobrang dami ng babae ngayon sa Campus.. Not usual.
"Halika na cous ma-unahan pa tayo."Sabi ni Julia sa akin at nanghatak na naman, Mahilig sa hatakan ang babaeng ito.
"Cous kanina pa tayo naunahan kasi kanina pa maraming students."Paliwanag ko sa kanya, Maunahan daw kasi eh kanina pa maraming students.
"Sabi ko nga cous halika na."Palusot niya sa akin sabay tawa, Napailing na lang ako dito sa pinsan ko. Habang nag-lalakad kami ni Julia eh sumagi sa isip ko yung Bahay na iyon pati na yung..Napatigil ako sa pag-iisip ng may bumangga sa balikat ko, Sa sobrang lakas ng pagkakabangga ayun napaupo talaga ako.
"Ouch!"Volume 100 para halatang masakit talaga, Hindi lang ang balikat ko ang masakit pati na rin ang puwetan ko dahil sa lakas ng pagbagsak ko.
"Cous okay ka lang?"Tanong ni Julia sa akin at itinatayo ako, Napatango naman ako sa kanya at napatingin ako sa lalaking bumangga sa akin. Magso-sorry na sana ako dahil nabangga ko siya pero lintek lang!
"Pahara-hara kasi sa daan o di kaya sinadya mo iyon para mapansin kita?"Sabi ng lalaking nakabangga ko, Leche ang yabang niya!
BINABASA MO ANG
Same Love at House [Completed]
FanfictionIsang simpleng babaeng kuntentong-kuntento na sa kanyang buhay si Kathryn pero paano na lang kung biglang sumulpot at pumasok ang nag-iisang Daniel Padilla (her childhood enemy) sa kanyang masayang buhay? For all he knows Kathryn ruined his childhoo...