5 | Devotion

37 0 0
                                    

5 “𝑰 𝒂𝒎 𝒕𝒉𝒆 𝒗𝒊𝒏𝒆; 𝒚𝒐𝒖 𝒂𝒓𝒆 𝒕𝒉𝒆 𝒃𝒓𝒂𝒏𝒄𝒉𝒆𝒔. 𝑰𝒇 𝒚𝒐𝒖 𝒓𝒆𝒎𝒂𝒊𝒏 𝒊𝒏 𝒎𝒆 𝒂𝒏𝒅 𝑰 𝒊𝒏 𝒚𝒐𝒖, 𝒚𝒐𝒖 𝒘𝒊𝒍𝒍 𝒃𝒆𝒂𝒓 𝒎𝒖𝒄𝒉 𝒇𝒓𝒖𝒊𝒕;𝒂𝒑𝒂𝒓𝒕 𝒇𝒓𝒐𝒎 𝒎𝒆 𝒚𝒐𝒖 𝒄𝒂𝒏 𝒅𝒐 𝒏𝒐𝒕𝒉𝒊𝒏𝒈."
John 15:5

Sa verse na 'yan, si Lord ang nagsasalita. Ni-represent Niya tayo bilang sanga at Siya 'yung mismong trunk/root. Di ba kapag sa isang puno, nakakapit lang ang mga sanga sa main trunk kasi hindi nila kayang mag-isa. Kaya ang sabi ni Lord, kung nasa Kanya pa rin 'yung faithfulness natin, mananatili tayo sa Kanya at mag-grow. Sabi Niya pa nga, kung wala tayo sa Kanya, wala lang tayo, basura lang tayo. (everybody say awts) Parang sa puno pa rin, kapag 'di na lumalaki at nagbubunga, wala ng use.
Ano bang gusto mo, mag-grow o manatili na lang stagnant?

Eto 'yung common na hindrances sa pag-grow natin:
worries - madalas tayong mag-alala sa mga bagay-bagay kung saan hindi na natin napapansin na FEAR na 'yung nasa atin hindi na FAITH kay Lord.
pride - sabi nga ng marami, "Kill your pride". Wala naman kasing mangyayari sa 'tin na maganda kung puro pride lang paiiralin natin. Di 'to maganda sa spiritual life natin.
people around us - kasama dito ang persecution ng mga tao ta's 'yung pagbabago sa atin, kung meron man.

But still, ikaw ang bahala kung paano mo lalabanan ang mga 'to. Kung magpapaapekto ka o hindi. Isama mo kasi si Lord.

Kahit lumaban ka pa at ibigay ang best mo eyy hindi mo naman Siya kasama, declared na agad na wala na, talo ka na agad.

Kaya sa bawat laban mo, i-claim mo na ang victory mo kasi kasama mo si Lord!




𝐋𝐞𝐭 𝐘𝐨𝐮𝐫 𝐖𝐢𝐥𝐥 𝐁𝐞 𝐃𝐨𝐧𝐞 [baby Christian edition]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon