9 | Devotion

31 0 0
                                    

¹¹ 𝑻𝒉𝒆𝒏 𝑷𝒆𝒕𝒆𝒓 𝒄𝒂𝒎𝒆 𝒕𝒐 𝒉𝒊𝒎𝒔𝒆𝒍𝒇 𝒂𝒏𝒅 𝒔𝒂𝒊𝒅, “𝑵𝒐𝒘 𝑰 𝒌𝒏𝒐𝒘 𝒘𝒊𝒕𝒉𝒐𝒖𝒕 𝒂 𝒅𝒐𝒖𝒃𝒕 𝒕𝒉𝒂𝒕 𝒕𝒉𝒆 𝑳𝒐𝒓𝒅 𝒉𝒂𝒔 𝒔𝒆𝒏𝒕 𝒉𝒊𝒔 𝒂𝒏𝒈𝒆𝒍 𝒂𝒏𝒅 𝒓𝒆𝒔𝒄𝒖𝒆𝒅 𝒎𝒆 𝒇𝒓𝒐𝒎 𝑯𝒆𝒓𝒐𝒅’𝒔 𝒄𝒍𝒖𝒕𝒄𝒉𝒆𝒔 𝒂𝒏𝒅 𝒇𝒓𝒐𝒎 𝒆𝒗𝒆𝒓𝒚𝒕𝒉𝒊𝒏𝒈 𝒕𝒉𝒆 𝑱𝒆𝒘𝒊𝒔𝒉 𝒑𝒆𝒐𝒑𝒍𝒆 𝒘𝒆𝒓𝒆 𝒉𝒐𝒑𝒊𝒏𝒈 𝒘𝒐𝒖𝒍𝒅 𝒉𝒂𝒑𝒑𝒆𝒏.”
Acts 12:11

Eto kasi 'yung time na hinuli na naman si Peter at ikinulong sa pag-uutos na ni King Herod. Iginapos siya, kinadena ta's may dalawang sundalo sa magkabilang tabi niya at dalawang bantay sa kulungan para hindi talaga siya makatakas. Gabi no'n nang biglang nagliwanag at nagising si Peter sa isang angel. Sabi nito sa kanya na sumama sa kanya at 'yun, natanggal na 'yung chains sa kamay at paa niya at sinundan na ang angel. Hindi man lamang sila napansin ng mga bantay. Sa paglalakad niya, naglaho na si angel. Dun niya nasabi 'yung power verse.

Sabi nga sa Luke 1:37, "For no word from God will ever fail." Tsaka, "Nothing is impossible through Him!"

Kahit nakakadena na si Peter, naka-escape pa rin siya. Kahit napaka-impossible, nangyayari pa rin dahil 'yan kay Lord.

Kaya kung nahihirapan ka man; nadedepressed; broken; nagda-doubt; nawawala na ang faith; gusto nang mag-give up, huwag. Kasi andyan si Lord. Siya ang bubuo sa'yo anuman ang pinagdaraanan mo.

Sa oras na kailangan mo ng tulong, huwag ibang tao lang hingian mo ng tulong, dapat si Lord kase hindi naman kayang punan ng tao lahat ng needs mo eyy, si Lord kayang-kaya.

Si Lord ang one and only rescuer natin.

When you call, He'll come.

𝐋𝐞𝐭 𝐘𝐨𝐮𝐫 𝐖𝐢𝐥𝐥 𝐁𝐞 𝐃𝐨𝐧𝐞 [baby Christian edition]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon