Chapter 1

37 2 0
                                    

"Mr. Ramos, tumulong ka mamaya sa pag-ayos ng gymnasium mamayang 5:00 pm. Okay ?"

"Yes ma'am" tss.. Gagabihin na naman ata ako makakauwi neto ! =____= Kainis ! Hirap kasing maging president ng student council dito sa Sacred Heart Academy -.- Lagi na lang ganito :3

"Pre ! Mauna na kong umuwi ha ? Hinihintay pa ko ni Sandra eh . Anniversarry namin ngayon ." si Jacob.

"O'sige . Tutulong pa ko sa gym eh . Ingat ka . At happy anniversarry narin sa inyo" nakangiti kong tugon .

"Sige pre"

Naglalakad ako mag-isa papuntang gymnasium. Well, sobrang gulo talaga . Second day palang ng school kaya di pa masyadong maayos ang stable ng school . Niligpit namin lahat ng mga sirang upuan at nilipat sa basement . Nilinis na namin ang gymn at nilagyan ng konting decor. Natapos na din namin after 2 hours and it was already 7:15 .

"Kuya Evans ! Mauna na kami" si Kristel — vice president ng council.

"O'sige ! Mag-ingat kayo Kris" tugon ko at nagpaalam na sila. Di pa kasi ako natatapos sa paglagay ng mga decoration.

"Oh, Evans .. di ka pa ba aalis ? alas siyete na ijo" sabi ni Ms. Valencia.

"Tatapusin ko lang ho ito Miss, matatapos ko naman po ito." tugon ko. Miss kasi ang tinatawag namin sa mga teacher namin.

"O'sya . Sige . May susi ka naman ng school diba? Mauna na ko . Mag-ingat ka"

"Opo"

Umalis na si Ms. Valencia. Tinapos ko na rin ang ginagawa ko. And as a president, nag-roam muna ako sa school at baka may mga students pa at di maayos na nakasarang kwarto. Mula sa ground floor, sa cafeteria, at sa rooftop. Secure naman lahat kaya nagpasya na kong umuwi dahil 8:30 na . Pero bago pa man ako makaalis ay may narinig akong mga hikbi mula sa left corner ng rooftop. Tinignan ko ito at may nakita akong babaeng nakatayo. Mahaba ang buhok, maputi at nakatanaw sa ilalim na parang...

"M-miss ! W-wag po kayong magpapakamatay ! May solusyon sa lahat ng problema ! M-miss ! Wag mong ituloy yan !" sigaw ko . Natatakot ako na magpakamatay tong babaeng to. Kasi ako na lamang at siya ang nandito sa building at baka ako pa ang pagkamalan -____- Dapat kanina niya pa ginawa yan :3 Hahaha ! Biro lang (~~,)

"A-*sob* anong *sob* si *sob* nasabi *sob* m-mo ?" tugon niya na puro hikbi at doon pa rin nakafocus. Ano to ? Wala lang ako dito ganon ? -.-

"Relax ka lang ate . Di solusyon yan sa mga problema mo ! " lumapit ako sa kanya ng dahan-dahan at hinawakan ang kamay niya para pigilan.

Humarap siya sa akin at di ko napigilang mapanganga . Pisti ! Ang ganda niya .. kahit umiiyak siya at namumula ang ilong niya. Manipis ang mga labi niya at sobrang pula (yung natural lang at walang lipstick), kumikintab ang mga mata niya at naliliwanagan ng buwan. Yung hanging humahaplos sa kanyang mukha at hinihipan ang mga buhok niya. ANG GANDA NIYA TALAGA ! Natauhan na lang ako ng bigla siyang ngumiti .

"Loko ! *sob* di ako *sob* magpa *sob* pakamatay" wika niya. At sumilip ulit sa ilalim.

"Eh ano ba kasing sinisilip mo dyan ?" tumungo na rin ako sa direksyon na tinitigan niya .Nakita ko dun ang isang lalaking may kahalikan na babae . So ? Naiinggit siya sa lovelife nun ? Tsk.

"Eh ano yan ? Naiinggit ka sa kanila? Kaya umiiyak ka ? Nandito naman ako eh" pagbibiro ko at para mapatawa ko na rin siya .

Narinig ko ang munti niyang halakhak at pinunasan ang mga luha niya.

"Siya si Raymond. Boyfriend ko." at may ngiting mapait at lungkot na nakabalot sa anghel niyang mukha . Di ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Naaawa ako sa kanya . Niyakap ko na lang siya dahil wala akong magawa. Nararamdaman kong umiiyak siya muli.

"Ibuhos mo lang lahat. Okay lang" pagcomfort ko sa kanya.

"D-di ko kasi alam na.... magagawa niya yun sakin! Nagtiwala ako sa kanya ng sobra .." at humagulgol na siya ng pag-iyak. Alam kong napakasakit yun sa kanya. Hinahaplos ko lang ang likod niya para mapawi ang lungkot niya.

"Okay lang yan ate.. nagmahal ka lang naman eh. Nagpakatanga, naniwala at nagtiwala . Siguro kasi sobrang mahal mo siya. Pero atleast di ka nagkulang sa kanya. Ayos lang yan ate .. Ang mahalaga ngayon eh makauwi ka na dahil alas huwebe na at nag-aalala na sayo ang mga magulang mo." bigla siyang humarap sakin at hinampas ako sa balikat.

"Haha . Akala ko seryoso na eh . By the way, I'm Myrtel Bermudes . Nice to meet you !" at bigla akong nakaramdam ng haplos ng labi na lumapat sa labi ko . Di ako makagalaw . Di ako makapagsalita . Ang bilis ng tibok ng puso ko. At umiinit ang mukha at namumula. Parang grounded ang buo kong katawan. Natauhan na lang ako pero wala na siya .. nakaalis na ata . Pero excuse me no ! First Kiss ko yun ! WALANJO!!! Bat niya kinuhaaaaaaaa ! >________<

That Girl On The Roof TopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon