Evan's P.O.V
Nandito kami ngayon ni Jacob sa cafeteria. Vacant namin ngayon. Tinitignan ko ang buong paligid. At siyempre, hinahanap ko din siya :)
"Oh talaga pre ? Sa rooftop mo lang nakita ? Sayang ! Pupunta sana ako sa rooftop kahapon eh. Edi sana naunahan kita" kinotongan ko siya. Aba ! Kung siya yung nauna dun baka kung ano na yung ginawa niya sa babae.
"Umayos ka ha ! Baka gusto mo isumbong kita kay Sandra ?" pananakot ko.
"Aray! Edi sayo na siya ! Ano ba yung pangalan niya ?" tanong ni Jacob.
A-ano nga palang pangalan non ? Letse ! Nakalimutan ko . Basta naguumpisa yun sa M.
"Mi-- Mintel ? Yun ata yun eh ?"
"Myrtel!" sigaw ng babae sa cafeteria. Tama! Myrtel pala yun ! Myrtel Bermudes! Tinignan ko yun direksyon ng may sumigaw na babae. Nakita ko siya ! Oo.. siya mismo! Tumayo ako para lapitan siya.
"Oh? San ka pupunta at di pa tapos yang kinakain mo?"
"Tsk! Pre andito siya! Yung babaeng sinasabi ko sayo !"
"Oh? Asan?"
Tinuro ko naman ang kinaroroonan niya.
"Shit! Pare .. ang ganda !" mangha niyang tugon. Pero biglang nag-iba ang aura ko nang may umakbay sa kanyang lalaki.
"Owwww! Pre ! Meron na pala siya eh ! Haha. Akala ko ba kakabreak niya lang ?"
"Tss.. Ibang lalaki yung nakita ko kahapon."
"Ahh.. Baka rebound niya ?"
"Ewan ko . Bahala siya ."
Binaling ko na lang ang atensyon ko sa pagkain. Ano namang pake ko sa babaeng yun ? Kinuha niya lang naman yung pers kiss ko kagabi = ̄ω ̄=
---------------
Pauwi na ko . Maaga uwian namin ngayon dahil absent yung teacher namin sa last period. Nakatira ako sa isang subdivision malapit sa school namin kaya naglalakad na lang ako. Habang naglalakad ako may mga narinig akong boses malapit sa madilim na eskinita.
"Bitawan mo to. Kung ayaw mong masaktan!"
"Parang awa niyo naman po ! Wag niyong kukunin tong wallet ko. 1 month allowance ko na po ito." narinig kong pagmamakaawa ng isang babae.
Alam ko na ang nangyayari. Humanap ako ng pwedeng panghampas o anoman. Yun! May nakita akong dos por dos. Kinuha ko yun agad at daling pumunta doon.
"Kung sa bagay. Maganda ka naman. Pwede ka ring sumama sakin." at humalakhak ang lalaking manyakis.
Agad kong hinampas ang batok niya ng hawak kong kahoy.
"HAAAAAAAAAAAAA!!" at nawalan na ng malay ang lalaking panget na rapist na yun .
"Salamat kuya ! Salamat !" sabi ng nangingiyak na babae at yumakap sakin. Agad naman siyang pumiglas at tinitigan ko siya . WTF !
"Ikaw ?!" sigaw ko.
"Shhhhhh..." tinakpan niya ang bibig ko at hinila ako papalayo sa eskinita patakbo hanggang makapunta sa kalsada .
"B-bakit ?" sabi niya ng may pagtataka.
"Ikaw yung babae dun sa may rooftop ng school diba ?!"
"O-oo. Bakit ? May kasalanan ba ko sayo ?"
"W-wala" Kahit meron naman talaga -______-
"Sorry po kung hinalikan kita kagabi. Nadala lang po ako sa saya nun dahil nawala ang lungkot ko dahil sayo." sabi niya ng naka-pout lips. Ankyuuut talaga niya ^_^
"Okay lang" nakangisi kong sabi.
"Bakit kuya ? First kiss mo ba yun ?" tanong niya na dahilan ng pagblush ko.
"H-ha ? Hi-hindi noh !" pagmamaang ko.
"Wehh ? Bat namumula ka ?" at sinisiko-siko pa ko na parang nangungutya. Ang kulet din neto eh .
"Wa..wala !"
"Nakuuuu ! Wag kana magdeny kuya ! Ako din namin eh " wika niya.
"A-ano ?" medyo na-confuse ako dun.
"First kiss ko din yun." at naglakad na siya palayo. Hinabol ko naman siya agad.
"What do you mean ? Eh yung si Raymond at iba mong ex di mo pa nahalikan ?" medyo tsismoso xD
"No! First boyfriend ko si Raymond. But .. even he wanted me to kiss him ? I won't . Natatawa nga ako at yung PERSKIS ko ay nakilala ko lang sa rooftop !" at humalakhak ng parang bata. Mas gumagaan ang loob ko sa kanya. Di ko sukat akalain na ganito pala siya.
"Eh yung umakbay sayo sa cafeteria ? Sino yun ?" tanong ko.
"Hahahaha ! Ayan.. napaghahalataan ka ng stalker ! Kuya ko yun. Pinaalam niya lang sakin na mahuhuli siya umuwi kasi mag Dodota pa sila." tugon niya. So ? Kuya niya lang pala yun !
Naglalakad lang kami at parehong daan ang tinatahak namin. So, se lang pala kami ng subdivision ?
"Oh ! Dito na lang ako" nakangiting sabi niya. What ?! Magkatapat lang pala kami ng bahay.
"What a co-incidence ! Sa tapat lang yung bahay ko." at tumawa pa kaming dalawa.
"So.. pwede na pala akong bumisita sa inyo anytime ?"
"Sure.." tugon niya.
Pumasok na siya sa gate.
"Bye Ms.Bermudes" pagpapaalam ko.
"Well.. Goodbye Mr. Evans Ramos. Tomorrow again?" Tumango na lang ako. At lalakad na papuntang bahay. Pero natigilan ako...
Goodbye Mr. Evans Ramos. Tomorrow again ?
Di pa ko nagpapakilala sa kanya. But how did she know my name ?!